Special Chapter -The Purpose

2.5K 98 4
                                    

Real

"Real?" sigurado akong boses ni Mama ang naririnig ko. Mula sa napakadilim na paligid ay unti unting pumapasok ang liwanag. Masyadong nakakasilaw, napapapikit uli ako.

"Real?" si Kuya yon. Dalawa silang tumatawag sa akin. Siguro napasarap ako ng tulog kaya nila ako ginigising. Teka, anong oras na ba? Yung trabaho ko, baka ma late ako.

Bigla akong naguluhan. Naghalo ang kung ano ano sa aking utak. Mga helicopter, ang malawak na run way, ang hangar tapos biglang naputol ng marinig ko ang boses ng isang lalakeng may suot na puting uniporme na pang doktor.

"I'm sorry Mr. Laurente..." nakita ko ang sarili kong nakahawak sa aking dibdib. Kumalabog ang puso ko. Naalala ko na ang sinabi niya sa akin nung araw na iyon. Bilang na raw ang mga oras ko sa mundo. Nakaramdam ako ng takot ngunit agad kong narinig uli si Mama at si Kuya na tinatawag ako.

"Real, anak? May masakit ba sayo? Teka tatawagin namin ang nurse." doon ko lang naramdaman ang palad ni Mama. "Carlo, nasaan na ang nurse?Pakitawag ang nurse. Gising na ang kapatid mo!" sigaw ni Mama kay Kuya.

"M-ma..." dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Nakita ko sila sa aking harapan. Si Mama ay naiiyak na naman. Simula ng malaman niya ang kalagayan ko parang walang araw na hindi siya umiiyak sa harapan ko. Higit sa sarili ko ay nahihirapan ako para sa kanya. Habang ang kapatid ko naman ay malaki ang ngiti nakatingin sa akin.

"Water." halos hangin lang ang naisasalita ko. Uhaw na uhaw ako. Parang ilang araw akong hindi nakainom ng tubig.

"Ma'am. Huwag muna natin bigyan si Sir ng kahit ano. Hintayin natin ang order ni Doc. Malapit na rin siyang dumating. Naitawag ko na po sa kanya ang progress ni Sir." bilin ng nurse sa amin.

Doon ko napagtanto. Nasa ospital ako. Dahan dahan bumalik sa akin ang nangyari. I've been staying in this hospital in Manila for a month now as advised by my cardiologist. Naging madalas rin ang pananakit ng dibdib ko nitong mga nakaraang araw. I didn't want to think that this could be the end. A part of me asked God fervently for a second chance in life.

Prayers can move mountains. The way it works is unfathomable. Hindi lahat naniniwala ngunit lahat ng naniniwala ay binibiyayaan. Isa ako sa mga naniwala, mula sa kaibuturan ng aking puso isinuko ko ang lahat sa Dyos. Alam kong hindi niya ako papabayaan. Kukunin niya ako kung iyon ang kapalaran at bubuhayin niya ako kung may dahilan pa siyang gawin iyon.

I did not give up. I lifted it all up to Him. God knows better than anyone or anything else, even our own understanding.

God answered me. Isang umaga narinig ko habang naguusap si Mama at si Kuya. Magkayakap silang dalawa. "We have a donor..." sabi ng kapatid ko. Si Mama ay hindi matigil sa pag iyak. Para akong nabuhayan ng loob ng mga sandaling iyon. Doon ko mas napanindigan ang paniniwala kong mayroong Dyos na hindi ka pababayaan. Lahat ng bagay sa mundo may dahilan. Lahat ng pahihintulutan ng Maykapal ay itinakdang mangyari.

Noon, ang naisip ko lang ay buong buhay akong magpapasalamat para sa ikalawang buhay na ipinagkaloob sa akin. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko sasayangin ang biyaya ng Dyos sa akin. I will live my life in His purpose. Kung ano man ang dahilan kung bakit dinugtungan niya ang patapos kong buhay ay buong puso kong tatanggapin.

I didn't know what it was then and I was waiting for a sign to come. Alam kong darating. Alam kong may darating.

It was one ordinary day when that sign came. I didn't recognize it right away. May nakita akong babae. Maganda pero malungkot ang kanyang mga mata. Nagtatago sa suot niyang sumbrero. Pumasok siya sa shop ni Kuya. Parang may hinahanap.

I'm not the type to be  shy pero hindi rin naman ako presko. Hindi ako madalas makipagusap agad lalo na sa isang babae. Pero hindi ako nag alinlangan na lapitan at kausapin siya.

Why Can't It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon