Chapter 55 - The Detail

3.3K 184 37
                                    

Real can really be flirty if he wants to. Madalas niyang makuha ang mga natitipuhan niyang babae noon sa mga titig niya, sa ngiti niyang maloko, sa mga matatamis na pambobola.
Pero hindi niya iyon magamit at magawa kay Camilla.

Every time he dares to flirt with her, he finds himself hesitating. Uncertain nervousness that's quite first on his list. He is always being careful what to say next, what to do or how to handle Camilla differently.

Alam ni Real ang kanyang nararamdaman. His brother is right, he's slowly falling in love with Camilla.

But Camilla isn't ready for anything close to what Real feels so he's trying to contain his feelings as much as he could. At least for Camilla's sake.

"Hmm...sarap! I'm so hungry." puno ang bibig ni Camilla. She was muching her slice of pizza heartily.

"Dahan dahan. No one's taking that pizza from you." Real laughed. He looked at her with so much amusement in his eyes.

Ngayon lang din siya nakakita ng babae na ganun kagana kumain at hindi nahihiya. He thought she must really be hungry to even care. Real kept on staring.

Nandon sila sa outdoor pool ng hotel. Nakalublob ang paa parehas sa tubig. Camilla changed into her comfortable tank top and white shorts while Real wore his usual black shirt and some military cargo shorts. His hair tied loosely in a man bun.

"I can eat this whole box of pizza." Camilla exclaimed. Real believed her because she already finished four slices while he's still on his second.

"Buti na lang dalawa inorder ko." he joked. Tinignan siya ng masama ni Camilla pero tumawa rin nung huli.

"Were you sleeping the whole day?" Real asked her.

"Ahm, yeah. Pagpasok ko pa lang kaninang umaga, inantok agad ako eh." she answered.

Pinagbuksan siya ni Real ng isang lata ng beer.
"Ikaw? What did you do the whole day?"

"Nakipagkita lang ako sa mga dati kong katrabaho then bumalik ako dito around lunch then I stayed in my room. Nanood lang ng movies." sagot ni Real sa tanong ni Camilla.

"Ahh." she took another bite on her pizza.

They continued to eat. Yung buffalo wings naman ang nilantakan ni Camilla.

"Real?" bigla niya itong tinawag.

"Hmm..." tumingin sa kanya si Real. Inantay ang kanyang sasabihin.

Binaba ni Camilla ang hawak na beer saka tumingin ng diretso kay Real
"Yung kanina...I just want to say sorry--" she apologized sincerely. Kanina pa niya gustong mag sorry sa may pintuan ni Real pero hindi niya agad nasabi.

"Hindi mo kailangan mag sorry Camilla. Don't apologize for your feelings. Naintindihan ko naman. I might went overboard back there too. Kaya sorry rin."

"Still. I feel bad. Sorry sa mga nasabi ko." bumaba ang tingin ni Camilla sa mga paa niyang nakalublob sa tubig.

"It's okay." Real said, patting her back lightly. Nagulat ng kaunti si Camilla ng hawakan ni Real ang likod niya.

"Are we good?" she raised her can of beer.

"Of course. Always." Real raised his can of pineapple drink to accept Camilla's toast.

Their conversation progressed as the night went by. Nakaubos na si Camilla ng tatlong lata ng beer at paubos na rin ang pizza na pinagsaluhan nila.

Why Can't It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon