"Ano ba na naman ito Penelope?!" abot langit na ang inis ni Chloe sa babaeng artista.
Nasa loob sila ngayon ng kanyang opisina kasama ang manager ni Penelope. Sa di na mabilang na pagkakataon ay muli na namang binigyan ni Penelope ng problema si Chloe.
"Tita, wala naman pong nangyari eh. We just slept inside that hotel room."
She was seen checking in a hotel with someone last night after she attended a party.
"Talaga?! So sa tingin mo iisipin nilang nag sleep over lang kayong dalawa mula sa bar at lasing na lasing kayo?!" halos pumutok ang ugat ni Chloe sa panenermon niya kay Penelope.
Imbis na magpakita ng pagpapakumbaba at pagsisisi ay nagtaas rin ito ng boses sa kanyang boss.
"You know what?! I'm tired of this! Ayoko ng gawin to! Ang daming bawal, ang daming di pwedeng gawin. This is fucking tiring. I'm quitting!" Penelope said standing up.
"Quit?! You think that's even an option for you? Alam mo bang ilang endorsements mo ang nag file ng case against you dahil sa mga kapalpakan mo? Penelope luging lugi na ang kumpanya sa mga movies mo pa lang—" Chloe stretched the facts to her.
"That's not my problem! Hindi niyo ko binibigyan ng magandang materials. Lagi yung mga walang kwentang direktor pa ang binibigay niyo sa projects ko." she butts in.
"My dear, hindi mo pa rin ba naiintindihan? Wala ka na sa position to demand."
"Right, I forgot ginamit mo lang pala ako noon to make the nation's favorite loveteam shatter. You thought me replacing Lila will be much of your advantage pero nagbago yun because Jan died. Now Lila is back to being a solo artist kaya ichapwera na ulit ako?! What happened to your promise that you'll make me more famous than she is? You know how much I hate that girl! She took everything away from me. Ang kaisa isang lalake na pinahalagahan ako kinuha niya and she killed him!" Penelope shouts. Mabuti na lang at sound proof ang opisina ni Chloe kaya't hindi siya nagalalang maririnig sila sa labas.
Hindi gusto ni Chloe si Penelope pero minsan na niya itong naisip na gamitin para magawa ang sarili niyang paghihiganti laban kay Camilla.
She's behind Camilla's scandals. Lingid sa lahat ay si Chloe ang pinakamasaya ng unti unti ng bumabagsak si Camilla until Jan saved her. Wala siyang nagawa but to play along pero hindi siya tumigil sa pag plano kung paano sirain si Camilla ng tuluyan.
"So you want revenge?" mas mahinahong tanong ni Chloe. Ngumiti siya na para bang may nakitang liwanag sa dilim.
"More than ever." Penelope answered.
"Then you will listen to me. Compete with her until you crush her to dust." Chloe said with a plan.
Now, Chloe is more determined to take Camilla down for Calvin. Chloe's deep kept secret. A son she had with another man.
---
Masigla muli ang umaga sa bahay ng mga Sequia sa pagbabalik ni Camilla.
Masaya sina Enrico at Monalisa na pinili ni Camilla magbakasyon kasama sila bago siya bumalik sa kanyang trabaho.
Ever since the accident, Camilla also renewed the relationship she has with her parents.
"Mmy' naisip ko lang bakit hindi natin icelebrate yung birthday ni Daddy sa Manila? I mean nandon rin naman mostly yung mga kapatid niya and other relatives tyaka nag offer po si Keira na doon sa bagong restaurant nila gawin yung party. May bar sa second floor, pwede ko rin ipa reserve yun." nasa labas sila at nag iihaw ng barbecue.
"Hmm..that sounds like a good idea. Kaysa naman sila ang papuntahin natin dito sa birthday mo Enrico." pag sasangayon ni Monalisa.
"Great. I'll tell Keira to book the restaurant that day. Mag finalize na tayo ng guest list tonight. Para by tomorrow masend na natin ang invites Dad."

BINABASA MO ANG
Why Can't It Be?
FanfictionCamilla Sequia met the love of her life in Jandrei Yuan Antonio. They're both celebrities in their prime. As handful as it is to find love in showbusiness, they were both ready to face challenges head on. Jan promised Camilla a love like no other...