Chapter 25 - The Robe

5.2K 261 27
                                    

[Jan]

Mag aalas diyes na ng gabi ng matapos ang photoshoot. Sobrang nakakapagod ang araw na to dahil simula umaga ay nag shoshoot na kame.

Palipat lipat kame ng location, we toured around Paris and captured perfect shots na gagamitin nila as billboard ads nung clothing line na ine endorse namin. It's a big company kaya bigtime din ang budget for the ad.

Four days ang shoot at pangalawang araw na namin. We're told na kapag okay na ang mga photos na nakuha sa amin for the last two days ay free na kame sa mga succeeding days. Libre na gawin ang kahit ano.

Masayang masaya yung team na kasama namin galing Pinas dahil ibig sabihin nun ay makakapasyal pa sila around Paris.

I've been to Paris, ilang beses na rin. Totoo nga maganda ang lugar na to. Romantic ang vibe. Magandang pinapasyalan ng mga nagmamahalan. Which brought me back to my thoughts of her.

Miss na miss ko na si Camilla. Sobrang di na ako sanay na hindi siya kasama. The first day I was away and having a different timezone frustrated me. Pakiramdam ko nung unang araw magkakasakit ako. Totoo pala yung lovesick, I experienced it first hand.

I had to call my girlfriend pagdating na pagdating ko sa hotel room ko. Ikinwento ko agad sa kanya ang buong flight namin. Tiring. Boring without her. Wala kasi akong nakukulit eh.

"I miss you Baby." di ako nahihiyang magsabi sa kanya kahit pa kaharap ko si Kuya Hero. I was on the phone with Camilla.

Kakarating lang namin sa hotel at agad na inayos ni Kuya Hero ang mga gamit namin mula sa maleta.

"Di bale, apat araw lang to. Sabi naman sa amin kung maganda na daw ang kuha ng first at second day at satisfied na yung mismong may ari ay pwede na umuwi. Uuwi ako agad diyan." sabi ko.

Camilla told me na huwag na at mag enjoy na lang ako sa Paris kahit ilang araw lang.

"Paano ako mag eenjoy eh wala ka dito?" lambing ko kay Camilla. Alam kong nakangiti siya nung sinabi ko yun dahil ramdam ko yun sa tono ng boses niya. Napangiti rin ako habang kausap siya. Tinignan lang ako ni Kuya Hero at napapailing, para daw akong tanga.

Lumipas ang dalawang araw at halos nalibot na namin ang magandang lugar para makakuha ng magandang shots. Hindi mawawala sa bucket-list ang Eiffel Tower at ang Louvre Museum. We also had a shoot at a beautiful garden that looked like a place close to paradise.

Sobrang ganda at sobrang dami ng mga bulaklak ang nandon. It was serene and romantic at the same time. Naisip ko agad na dalhin si Camilla doon next time I visit Paris.

Kasama ko si Penelope sa project na to pero may sari sariling kameng photoshoot. Magkahiwalay ang locations pero nung pangalawang araw ay sa iisang lugar na lang kame. Sumasama rin siya sa dinner ng team kahit nung first day pa lang.

I intentionally avoided her. I don't want to upset Camilla in anyway kaya ayaw ko siya bigyan ng dahilan para mainis at mag duda.

I know she's still jealous of Penelope kahit wala naman talaga siya kailangang ipagselos.

Nasa loob na ako ng banyo at naliligo ng marinig ko ang pag sara ng pintuan. Maybe Kuya Hero left. Ang sabi niya kasi kanina ay gusto niyang mag yosi. Siguro naghanap sa baba.

Patapos na akong magbanlaw ng katawan ng marinig ko ulit na bumukas ang pintuan. Maybe he's back.

Sanay pa naman akong lumabas ng banyo na naka boxers lang kapag mag isa ako sa kwarto o kahit andiyan si Kuya Hero. Mabuti na lang at naisipan kong magbalot ng towel ngayon dahil hindi si Kuya Hero ang nadatnan ko sa loob ng kwarto namin. 

Why Can't It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon