Chapter 22 - The Girlfriend

5.9K 395 184
                                    

"Where are we going?" I turned to Jan and asked. We are now inside his car. Papalabas na ng parking sa basement.

"Breakfast?" he smiled "Saan mo gusto?" tanong niya.

"Kahit saan." sagot ko naman.

"Alam mo kayong mga babae panay ang sagot ng 'kahit saan' , 'kahit ano'. Kaya nga I am asking you dahil kung saan mo gusto, dun din ako." he said with a chuckle. From where I am seated kitang kita ko yung pag labas ng dimple niya. It's one of his features na gustong gusto ko.

I rolled my eyes at him "Alright. Sige, liko mo na lang diyan sa Johnston." I mentioned the name of the hotel nearby. "May masarap na bilihan diyan ng tapsilog. Yung sa baba lang ng mismong hotel nila."  I told him.

"Mahilig ka sa beef tapa noh?" Jan comments.

Yes mahilig talaga ako. Pinaka favorite ko ang home made na beef tapa ni Mommy.

"Lahat ng breakfast food, comfort food ko." I told Jan, ngumiti lang siya. "I can eat tapa, longga, chicken franks, bacon, sunny side up, scrambled egg, garlic rice any time of the day." I continued.

"Oh I thought beef tapa lang. Pansin ko kasi nung nasa Boracay tayo dami mong nakain nun." sabi pa niya.

"We're you watching me?" I squinted.

Tumawa si Jan. "Hindi ah. Napansin ko lang." depensa niya.

Wala pang 10 minutes nakarating na kame sa lugar na sinasabi ko. Nasa malapit lang kasi ang Johnston sa building ng condo ko. Kaya ko nga lang lakarin to kung pwede lang.

Naunang bumaba si Jan saka agad na umikot para pag buksan ako.

Naka T-shirt lang ako at denim shorts. Nag suot lang din ako ng jacket na pink tapos flip flops. Di ko muna tinali yung buhok ko, hinahawi ko lang madalas kapag nahuhulog siya sa mukha ko. My hair is long, it reaches may back. Naturally straight and di naman ganun ka kapal.

Jan was wearing a black shirt, faded jeans and sneakers. Naka suot din siyang cap at shades. That's his usual get up. From what I saw him wearing these past few days. Unti unti ko rin siyang nakikilala. His likes and dislikes, kung anong trip niyang music and stuff like that.

Lately ko lang din nalaman na ang full name niya ang Jandrei Yuan. Nabasa ko sa isang fan made account na gumawa ng bio ni Jan.

Pumasok kame doon sa isang restaurant just outside the hotel na bukas na. I know the place kasi madalas akong umorder sa kanila kapag nag ccrave ako ng breakfast food ni Mommy. They have everything from beef tapa to garlic rice to lugaw. Lahat na pang almusal.

"Masarap dito, promise." this place is heaven for me.

"Sige. Don na lang tayo maupo para you can sit comfortably." Jan pointed at the table at the far end.

Yung ibang seats kasi ay puro high chairs na parang counter type, yung iba naman set of tables and separate chairs set for four tapos dalawa lang yung parang may hiwalay kayong cubicle. Magkabilaan yun. Occupied yung isa kaya yung isa na lang ang tinuro ni Jan sa akin.

I sat down and waited for Jan to sit across but he didn't. He was standing there beside me  waiting for me to scoot a bit.

Why Can't It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon