Chapter 9 - The Visitor

5.3K 287 33
                                    

"Sorry Lila, hindi pinapabigay ni Jan ang number niya basta basta. Kung may gusto kang iparating sa kanya, tell me. Ako ang magsasabi sa kanya." Kuya Hero said.

"Ahh ganon ba?" grabe naman hindi ko naman siya kukulitin. Mag tthank you lang ako at mag so-sorry. I really feel I owe him that. "Never mind po Kuya, siguro pag magkita na lang uli kame." I said.

"Okay. Sige mauna na ako. Bye." he informed us and left.

Sumakay na rin kame sa van. Naupo ako sa may bintana, tinabihan naman ako ni Ate Julie. Huling sumakay si Ate Pure. Sasabay daw siya sa amin at baba lang sa may coffeeshop sa malapit. May ka meeting daw siya doon.

"Ano na po ang schedule ni Lila today Ate Pure?" Ate Julie asked.

"Here..." sabay abot ni Ate Pure kay Ate Julie ang planner. "Yan ang bagong schedule ng alaga mo. She'll be busy from now on. Mamaya may radio guesting siya, solo lang muna. I'm sure tatanungin ka nila about Jan." nag antay ako ng sasabihin ni Ate Pure.

"Just tell them the truth. Na hindi planado yung get away na yun." she said. Mabuti naman dahil naalala ko ang sinabi ni Jan na ayaw niya ng chismis involving me. It won't be wrong naman kung sasabihin ko ang totoong nangyari. They'll probably ask me kung ano ang kwento sa likod ng mga pictures na yun.

"Tapos kinuhanan na ulit kita ng trainor. Mag work out ka na ha." Ate Pure said as she looked at me. Why? Sobrang taba ko na ba? I know I've been eating a lot this past few days. Dahil na rin sa stress kaya napaparami ako ng kain.

"Taba ko na ba Ate?" I asked worriedly.

Ate Julie shook her head.

"Hindi naman." sabi din ni Ate Pure habang tinitignan ako "But it's better pag toned ka. Lalo na may upcoming kang movie with Jan Antonio. Lahat ng mata nasayo. You have to look perfect para sa pair up niyo. Para walang mabato sayo ang mga haters."  dagdag pa niya.

I really don't care kung ano sabihin ng haters. Hate naman nila ako, so why need to impress them? I'd rather impress my fans, yung mga taong todo ang suporta sa akin. The haters can hate me all their lives, hindi ko hahalikan ang paa nila para magustuhan nila ako.

Hindi na ako umimik sa sinabi ni Ate Pure.

"Ate, may alam ka ba kung ano ang reason lung bakit ni request ako ni Jan?" I can't leave that thought alone. Masyado akong confused sa reason na meron siya para sagipin ako. We're not even close to consider as friends. Acquainted lang siguro, pwede pa.

"I don't know Li. You tell me. Ano ba talaga ang nangyari sa Boracay? Baka naman totoo yung mga chismis sa inyo and you're not telling us?" they both turned to me waiting for my answer. May naglalarong panunukso sa mga mata nila parehas.

They actually think na there is something going on between me and Jan.

"Hindi nga po totoo yun. It was all a misunderstanding." I sighed. Iniwasan ko na ang tingin nila sa akin at lumingon na lang sa labas ng daan.

"Baka naman may gusto sayo si Jan. Kaya niya to ginagawa." Ate Pure said.

"That's even more impossible Ate." sabi ko "Nakita mo naman how he was with me kanina. He hates me." bumuntong hininga ulit ako.

"Hindi ka nga niya raw hate Li." Ate Julie spoke "Pero nakakapagtaka naman na bigla niyang naisip na makipag loveteam sayo. Di ba busy siya sa album niya tyaka concerts. Baka tama si Ate Pure Li, baka naman gusto ka ni Jan." ano ba to sila? Ang kukulit sabi na ngang wala. Sabi na ngang hindi.

"Mas maniniwala pa ako kung sabihin niyo na ginagawa niya to para gantihan ako." I leaned my head by the window.

"Ginagantihan? Bakit?" Ate Pure asked kahit busy siya sa kanyang cellphone.

Why Can't It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon