Chapter 14 - The Gift

5.2K 326 67
                                        

We didn't have a chance to interact after that production number. Everything went on too fast and before I knew it, patapos na ako sa ASP.

Sumenyas sa akin si Ate Pure, male-late na daw kame sa taping nung guesting ko sa isang morning show na ipapalabas next week. Sa labas kasi ang location. In one newly opened hotel and restaurant. I will be their guest food critic. Mag ppromote na rin ng mga up coming mini concerts ko in the months to come. Projects are indeed pouring down and I am not complaining.

Kung dati ay pagod na pagod na ako sa daily routine ng schedule ko, ngayon naman ay sobrang thankful ko na full and sched ko. So much learning from that incident with Calvin. I realized that in one moment pwedeng mawala sayo ang lahat kung di mo papahalagahan to.

I left before closing the program. Tapos na rin naman ang spiels ko kaya pwede na akong umalis. Nagpaalam lang ako sa iba kong kasama sa show and rushed to my van para sa next commitment.

"Doon ka na lang ulit me-make up-an tyaka bihisan Li. Baka matraffic eh. Kahit Sunday minsan matraffic pa din pag hapon." sabi ni Ate Julie. Kasabay na namin sa Van sila Koi at Honey. Si Ate Pure naman may dalang sariling sasakyan.

She's going with us sa taping pati raw mamaya sa Late Nights with Boy ay sasama siya. Mukhang hindi siya busy sa iba ngayon or sadyang naka focus na ulit sa akin si Ate Pure.

Ganitong ganito noon when I started my solo career. I did so many projects na sunod sunod, guesting here and there and Ate Pure was always present. Then one day, nakipag meeting siya with Calvin's manager and they talked about us being paired up. Since nauuso ang loveteams they thought they can make us one of the most successful ones.

Planado ang lahat, kumbaga may strategy silang ginawa sa amin kaya madali kameng nakilala ni Calvin. Madaming gimik ang ginawa namin para lang magka hype. I admit it, at first hindi ko siya gusto but when I saw how the fans became fond of us nawala na sa isip ko na it was wrong to pretend something we are not just for the sake of fame. Na enjoy ko na kasi. It was good and fun while it lasted.

"Congrats Li..." I was taken back with Ate Julie's voice from wandering off my deep thoughts.

"Huh? Why Ate?" I looked at her. She was holding her phone and I could hear shrieks from the video she was watching.

"Trending kayo ni Jan sa social media. Look o!" Honey answered. I faced him and took the phone he was handing to me.

I took it from his hands and played the video. Nag post na pala ang page ng ASP nung prod namin ni Jan.

Puro tilian lang yung maririnig from the audience especially sa part na hinawakan ni Jan ang kamay ko and we sang together. In fairness, we have chemistry on stage. Nakakadala rin siguro yung kanta.

Hindi ko na natapos panoorin yung video kasi it was still fresh in my mind. The song, the dance and my partner. Everytime I hear the song in my mind, napipicture out ko si Jan na malapit sa akin at nakatitig. I get chills.

"Bagay na bagay kayo Li." sabi ni Honey na nireplay ulit ang video "Ako na yata ang presidente ng fans club niyo. Nakakakilig kayo panoorin." sabi pa niya. Nakisali din si Koi sa panonood at panay ang tili nila sa parts na nagduduet kame ni Jan.

I shook my head in amusement. "Kumalma nga kayo." I said laughing.

"Sus, aminin mo kinilig ka din noh? Kitang kita kaya sa reaction mo ng hawakan ka ni Jan sa bewang." sabi ni Honey sa akin. Nagpatay malisya lang ako at di sumagot.

"Sa last part, parang may binulong siya sayo eh. Ano sinabi niya? Binaba na kasi ang mic niya Li eh. Ansabe ni papa Jan?" Koi asked pero di ko rin inamin.

Why Can't It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon