Madalas magising si Helen tuwing kalagitnaan ng kanyang tulog. Bumaba siya upang makainom ng tubig ng marinig ang pag bukas ng pintuan sa harapan.
"Montreal?" tawag ni Helen habang inaaninag ang kanyang bunsong anak na kakapasok pa lamang sa bahay.
Mabilis niyang tinignan ang oras. "Gabing gabi na ah? Kakauwi mo lang ba?" inantay niya itong makalapit at nag mano sa kanya.
"Opo Ma." sagot ni Real ng bakas ang malaking ngiti sa kanyang labi.
"Saan ka na naman nanggaling?" tanong ng ina kahit alam naman niya ang maari nitong sagot kung saan.
"Hinatid ko lang po si Camilla sa kanila Ma." umupo si Real sa harap ni Helen.
"Mukhang napapadalas yang paglabas labas niyo ng kayo lang dalawa Montreal." hindi iyon katanungan. Tinignan ni Real si Helen na halatang may pag huhusga.
"Eh kasi si Kuya eh, busy kanina di maiwan ang shop niya kaya kame na lang ang nanood ng movie."
"Alam mo ang ibig kong sabihin Real." sumeryoso ang tono ni Helen ng iniwasan siya ni Real.
"Ma naman."
"Bakit hindi ba at tama ako?" giit pa niya.
"I thought you'd want me to marry?"
"Oo nga anak pero--" hindi na siya pinatapos ni Real.
"Pero hindi pwede kung si Camilla yung gusto ko?"
"Real, alam mong mahirap ang sitwasyon niyo. Hindi yan kung sino lang." pagpapaintindi ni Helen sa kanyang bunso.
"I know Ma. I know she's no one ordinary. Hindi rin typical ang connection naming dalawa pero sapat bang dahilan yun para di ko maramdaman to sa kanya?" sa isip ni Real ay alam niya kung saan nanggagaling ang mga dahilan ng kanyang ina ngunit gusto rin sana niyang suportahan at maging masaya ito para sa kanya.
"Anak, sinasabi mo lang yan dahil marahil diyan sa puso ng asawa niya."
"Ma, bahagi lang ng puso niya ang ibinigay sa akin. I have my own mind, I have my own feelings. This is not because of him, this is because of me wanting Camilla for myself. I love her." he was startled with his own words. It was the first time he ever said those out loud. His heartbeat doubled.
"How can you say that? You've only know her for a couple of months...mahal mo na agad?" Helen asked in disbelief.
Real bowed his head down trying to put into words what his feelings are telling him. He slowly raised his eyes to meet his worried mother.
"Ma...I want her to be happy always. I really hate seeing her cry or sad. I'm willing to do everything just to make her hope again Ma. No matter how long or how far it will take me. Kung hindi pa sapat na dahilan yan, wala na sigurong sasapat pa." sabi ni Real na tila nakikiusap sa ina napaniwalaan siya.
"Real, I only want you far from harm." hinawakan ni Helen ang mukha ni Real.
Hinawakan naman ni Real ang mga kamay ng Helen na nakahawak sa mukha niya. He showed a bitter sweet smile
"How is loving someone being harmful?"
"What if that love that you say will never be enough for her to forget whom she lost? Mahirap habulin ang isang taong iba ang hinahabol. Lagi kang kakapusin. Lagi kang kulang. Lagi kang nasa huli." Helen said to her son hoping he'd get what she's trying to say.
Love endures. Sometimes it chooses pain just to feel. Your heart even being broken finds way to beat.
"I'll be okay Ma, I promise." Real endured.
BINABASA MO ANG
Why Can't It Be?
FanfictionCamilla Sequia met the love of her life in Jandrei Yuan Antonio. They're both celebrities in their prime. As handful as it is to find love in showbusiness, they were both ready to face challenges head on. Jan promised Camilla a love like no other...
