Chapter 43 - The Possibility

3.5K 161 24
                                    

It's Sunday morning and Helen is in the kitchen baking home made brownies.

Isa na naman iyon sa walang kamatayang desserts na hinahanda niya araw araw para sa dalawa niyang anak na lalake.

"Hmm...bango naman." Carlo said coming from upstairs. Sumugod siya sa kusina sniffing the sweet smelling pastry. "Good morning Ma! Ano yan?"

"Brownies. Favorite niyo." the sweet fifty-five year old woman answered. Simula ng maging maayos na ang kalagayan ng bunso niya ay bumalik na rin sa dating sigla ang ginang.

She would bake and cook for her sons. Which the latter did not complain about.

"Hmm...speaking of?Where is he?" Carlo wandered his eyes around the house but he didn't see his brother.

"Nagpaalam na maglakad lakad lang daw. He is probably visiting the vacant lot na iniwan sa inyo ng Papa ninyo. Alam mo naman yun masyadong mainipin. Hindi mapirmi." sagot ni Helen habang kinukuha ang brownies sa loob ng oven.

"He's not used to be in one place. He is fond of traveling. Malamang na mimiss niya iyon Ma." dagdag naman ni Carlo.

"Or maybe he wants to check the place too. Hindi ba't madalas kayong magawi doon noon? Para maglaro? He probably misses it dahil matagal na siyang di nakakauwi dahil nadestino siya sa Clark." Helen smiled.

Kumuha rin si Carlo ng kitchen mitten para tulungan ang ina sa ginagawa.

"He isn't back yet?" he asked looking at the clock on the wall. "Ano naman ang makikita niya don, eh puro damuhan yata ang meron don."

"Pabalik na siguro yon. Speaking of which, wala ba kayong balak na itayo don? Matagal ng bakante ang lupa na yon." Helen asked his eldest son.

Business Management ang tinapos ni Carlo. Pagkagraduate niya agad siyang nag tayo ng negosyo na gusto niyang simulan. Dahil sa hilig niya sa photography, iyon na rin ang naging simula ng negosyo niya.

Bukod sa pwesto niya sa mall, meron din siyang online shop na lumago ng husto dahil na rin sa mga dekalidad na mga camera ang binibenta niya.

He will soon be opening another branch. He is happy that he became successful in the field that he chose.

"As far as I am concerned Ma, wala akong balak don. Okay na ako sa business ko ngayon. I'd just leave that for my brother to decide." sabi ni Carlo sabay kagat ng brownie na mainit init pa.

"Ano yang iiwan mo sa akin Kuya?" they both turned around when they heard him coming from the backdoor.

"Andiyan ka na pala." sabi ni Carlo ng makita ang kapatid. "Yung lupa ni Papa. Dun ka ba galing?" tanong niya, puno ang bibig ng brownie.

"Ahh, yeah. Naglakad lakad lang. Bakit?" he went straight to the fridge grabbing a bottle of cold water.

"Tinatanong kasi ni Mama kung ano ba daw ang balak natin si lupa na yon? Sabi ko ibigay na lang sayo. Pagtayuan mo ng bahay." Carlo said.

Uminom siya ng tubig hanggang sa mangalahati sabay pahid ng kanyang bibig gamit ang likod ng kanyang damit. May kaunti rin siyang pawis na namuo sa noo. Mainit sa labas kaya madaling pag pawisan.

Why Can't It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon