Chapter 10 - The Brawl

5.1K 298 49
                                        

[Jan]

Kakalapag lang ng eroplanong sinasakyan namin. Galing akong Hongkong to perform. Kasama ko si Kuya Hero and two more staff. It's one of the few shows na tinatapos ko before I start shooting the movie with Lila.

Pwede naman akong magpabukas na lang ng return flight pero mas gusto kong makauwi ng Pilipinas. Ewan ko ba, I just have the need to be on my own bed and not some hotel suites. Nothing beats home, ika nga.

I checked the time on my watch habang naglalakad kame palabas ng airport, 9:25 na pala and I'm kinda hungry. Last meal ko yata yung bago ako nag perform at mga 2pm pa yon.

Tinanggal ko ang earphones ko "Kuya, kumain na muna tayo before I head home." I said to Kuya Hero na naglalakad kasama ko.

"Sige, saan mo gusto?" binulsa niya ang cellphone bago ako sinagot.

"Kahit saan basta may kanin. Gutom na gutom ako eh." tumawa ako ng maramdaman ko na tumunog ang tiyan ko sa gutom.

"Sige, may madadaanan naman tayo. Pahinga ka na pagkatapos. May maaga ka pang endorsement shoot bukas. Tyaka rehearsal para sa prod niyo ni Lila sa Linggo." paalala niya. Now that he mentioned Lila, bigla kong naisip silipin ang internet. I want to know what's new? With her.

Pagbukas ko ng Twitter agad na tumambad sa akin ang mga notifications galing sa mga fans at iba't ibang pages. I usually don't go over it one by one dahil sa dami pero binabasa ko naman ang iilan. I appreciate it of course, utang na loob ko sa fans ang tagumpay ko noon. I am always grateful to them.

Hindi ko muna tinignan yung mga notifications. I checked the trending list first and frowned instantly when I saw Lila's name. What? Ano naman ang meron at pinaguusapan siya? Kumunot ang noo ko as I read one post.

It says "May lover's quarrel ang LiVin". Yun ang tawag sa loveteam nila ni Calvin. The heck with the name. May kasama pang mga litrato ang post na yon. The photos semed like screenshots from a video.

Naka hawak si Calvin sa dalawang braso ni Lila, the other one nagpupumiglas siya. Then I saw another na parang naitulak niya si Lila. She was on the fucking floor. Nanlamig ako.

Kuya Hero is asking or telling me something pero wala na akong naririnig. I searched and searched until I found a video that corresponds to those freakin' pictures I saw. I swear pag nakumpirma ko ang ginawa ng hayop na to, magdasal na siya.

Pag play ko sa video tumambad sa akin ang tila kumprontasyon ni Lila at Calvin. Nasa isang gym sila. Hindi ko halos marinig ang boses dahil medyo malayo ang kuha. Naka zoom in lang ito. Kitang kita rin sa expression ng bawat isa na hindi maganda ang naging paguusap nilang yon. It was definitely an ugly fight.

I watched how Lila tried to walk away from Calvin pero ang gago hinablot siya sa braso. Alam kong nasaktan si Lila dahil sa pag ngiwi ng kangyang mukha. Umigting ang panga ko, parang kumati ang kamao ko gusto kong manuntok.

May kung ano pang sinabi si Lila kay Calvin bago siya nito intensyonal na tinulak. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Natigilan ako sa paglalakad. Literal na tumigil ang mundo ko. Kalalaking tao, nanakit ng babae?!

"Jan?!" tinapik na ako ni Kuya Hero "Let's go, ayan na ang sasakyan. Kanina pa kita tinatawag." nakakunot ang noo ni Kuya Hero sa akin. Kanina pa yata niya ako kausap pero hindi ko siya agad narinig.

Bumabalik sa akin ang video na napanood ko. I can't forget how Lila's face grimaced with pain and how that shit faced moron pushed her. Mukhang tinamaan si Lila sa treadmill dahil napahawak siya sa kanyang braso.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko basta sa oras na iyon biglang nawala ang gutom ko at iba na ang hanap ng sistema ko. I craved for the need to punch on something, at someone. Fuck, I can't let this slide. Wherever he is right now, he should be hiding because I am going to hunt him down.

Why Can't It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon