Mag 12 na ng hating gabi. Nasa loob ako ng tent at inaayusan na ako ni Honey and Koi para sa eksena ko.
"Bebe, ano kaya mas bagay sayo etong nude na lipstick or etong wild cherry na satin lips?" pinapili niya ako.
"Ay, I like this wild cherry. Ganda ng color. Try natin." sabi ko.
Pinahid na niya sa lips ko at agad ko yun nagustuhan.
"Eto na lang beks, what you think?" I asked pouting my lips in the mirror.
"Ganda nga. Bagong labas ang product na to eh. Kaso hindi siya kiss proof bebe." he said.
"Okay lang. Hindi pa naman kissing scene ang kukunan later." sabay tawa ko, giving him a look.
Tumawa rin siya at kinurot ako sa tagiliran.
"Baka mamaya may kissing scene kayo off cam." Koi said eyeing at Jan who was waiting for me outside my tent.
"Sira!"
"Suuuuus. Huwag ka nga, yang mga ganyan yung bago pa lang mag boyfriend girlfriend diyan yan mapusok. Yan yung parang you can't get enough of each other na stage, honeymoon stage. You yearn so much for each other kahit na everyday kayong magkasama. Alam ko yan noh!" sabi pa niya sa akin.
Tumawa na lang ako sa kanya sabay na tinignan si Jan na nakatingin din sa akin mula sa labas. May kausap kasi siya, yung isa pa naming kasamang artista na kaibigan niya.
I waved at him and he gave me a wink.
Ganun ganun lang, kinikilig na ako agad sa kanya.
"Grabe Lila! Ang gwapo gwapo ng boyfriend mo! Hindi ka ba nanghihina kapag tinititigan ka niya o yung ganyan na may pa kindat kindat pa siya?" bulong ni Honey sa likod ko na parang naiihi sa kilig niya sa amin.
"Hep. Off limits na yan ha, akin yan. Di mo pwede pagpantasyahan." sabi ko agad kay Honey na may tono ng pagtataray pero alam naman nilang biro lang yun sa kanila.
Sa mga kaibigan ko biro yun, pero sa iba hindi. I am not afraid to be territorial, at si Jan ay minarkahan ko na. He's mine. I made sure I made that clear.
Hindi rin naman nagrereklamo si Jan. He loves how possessive I am when it comes to him, ganon din naman siya sa akin. Madalas niyang pagselosan yung nga kabatch kong actors mula sa kid's variety show na hanggang ngayon ay ka close ko pa din.
One time naabutan niya kame na naguusap sa loob ng dressing room ni Tyler Reyes muntik pa niyang mabalian ng kamay yung tao dahil sa higpit ng pakikipag kamay niya nung pinakilala ko silang dalawa.
Crazy di ba? Nagseselos pari kay Tyler and bading kaya yon? Di lang nag oout.
"Nako, hindi rin naman lugi si Jan kay bebe Lila o. Ganda ganda. Mas gumanda lalo ngayon, ang blooming eh." hirit naman ni Koi.
"Yun nga eh, paano nila nakakayanan ang isa't isa. Di ba?" sabi ni Honey. Tumawa na lang kameng tatlo.
Ilang minuto pa bago ako sinundo ni Jan sa loob.
"Baby, you done? Tara?" he said showing up inside my tent. Lumapit siya sa akin giving me his hand.
Agad ko naman kinuha yun at ngumiti na lang sa mga kaibigan kong beki na hindi maitago ang kilig sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
Why Can't It Be?
FanfictionCamilla Sequia met the love of her life in Jandrei Yuan Antonio. They're both celebrities in their prime. As handful as it is to find love in showbusiness, they were both ready to face challenges head on. Jan promised Camilla a love like no other...