Chapter 26 - The Victory

6.1K 370 91
                                        

I shifted on my seat uncomfortably. Wala pa akong maayos na tulog.

During the last 16 hours of my flight to Paris, nakailang idlip lang ako but I can't get my self to sleep straight. Lagi akong nagigising ng isang panaginip. Masamang panaginip.

In my dream, I saw them in one bed making love. Jan and Penelope. Maybe hindi siya dream kundi nightmare. I find myself wanting to cry when I recall what I saw in my dreams.

I try to shake my head to remove the visuals.

Nung bata pa ako sabi nila, kabaligtaran daw ang panaginip mo pero pag napanaginipan mo raw yun ng madaling araw magkakatotoo daw ang napanaginipan mo. It doesn't make sense but I believed it anyway.

Aling timezone naman ang susundin ko para sa pamahiin na yan? I thought. Malalaman ko lang kung totoo ba ang kasabihan pagdating ko mismo sa Paris at harapin si Jan. Bigla akong kinakabahan pag naiisip kong haharapin ko siya.

I was traveling alone to Paris. It was my first time but it didn't stop me from going. Ate Pure did not approve of it pero tumuloy pa rin ako. Thankfully, may Visa na ako to travel to Paris since may balak kameng mag European Cruise sana ni Mama after ng birthday ko this month.

I promised Ate Pure na babalik ako agad, more or less dalawang araw lang akong mawawala. I knew I had commitments na kailangan niyang i cancel dahil sa plano kong umalis. Sa huli, wala na rin siyang nagawa dahil wala rin siyang magagawa para pigilan ako.

I landed at Charles De Gaulle Airport at exactly 6:25 AM. Dahil first time ko sa lugar ay medyo takot akong lumabas ng airport not knowing where to go. Kinuha ko ang cellphone ko at in-on ang wifi.

I decided to call somebody who knows where Jan is staying in Paris.

"Hello?" sabi ko sa kausap ko. Gulat siya ng tawagan ko siya. "Yes, ako to Kuya. Andito ako sa airport ngayon. Yes, sa Paris." I confirmed. "Pwede mo ba akong sunduin?"

Ilang minuto rin akong nag antay na dumating ang susundo sa akin. Habang nag aantay ako ay naisip kong tawagan na si Jan but I ended up not calling him.

The trip to the hotel where Jan was staying was fast. Wala pa yatang 45 minutes nandoon na kame.

"Li, mauna ka na sa taas. Bibili lang ako ng breakfast natin tatlo. Anong gusto mo?" Kuya Hero asked. Siya yung tinawagan ko kanina.

I did not tell Kuya Hero too kung bakit ako biglang sumunod sa Paris. I didn't mention about Penelope's post. Sabi ko lang I wanted to surprise Jan.

Naniwala naman agad siya. There was nothing off sa reaction ni Kuya Hero. Naisip ko kung may ginagawa si Jan dito malamang ay malalaman din niya.

"Kahit ano Kuya, totoo niyan gusto ko lang munang matulog." humikab ako. Bukod sa kaba ay ramdam ko din yung pagod. Anong oras na ba sa Pilipinas?

"Sige, alam mo na ang floor di ba tyaka ang room number?" tumango ako.

"Opo. Mag bobook din ako ng room ko." sabi ko.

"Sige. Kita na lang tayo mamaya." he waved before he left.

I went to the reception and asked for a room. After I filled up the forms ay umakyat na rin ako sa taas. I booked a room on the same floor kung nasaan ang room ni Jan.

Why Can't It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon