Ilang araw na ay nasa ICU pa rin si Real. Sa ilang araw na pamamalagi niya ay hindi nagbago ang pakikitungo ni Helen sa tuwing naroon si Camilla.
Real may not be in a perfect condition but they are all thankful that at least he's awake.
Araw araw dumadalaw si Camilla sa kanya. Laging dalang bulaklak para sa espesyal na lalake sa buhay niya. May mga gabing kinakantahan niya ito umaasang makakatulong ito sa tuluyang pag galing niya.
"Good morning Real. Kamusta ka na?" she would happily greet him. She's always cheerful. Gusto niyang mahawa si Real sa kanyang sigla.
"...'morning." he'd try his best to smile and to reply under the thick oxygen mask. Ngumingiti pati ang mga mata niya sa tuwing makikita si Camilla. Hindi maitago ang tuwa sa ipinaparamdam na pagpapahalaga sa kanya.
"May dala ulit akong flowers. Daig ko pa ang nanliligaw nito sayo eh." she jokes. "Sabi ng nurse you're doing more progress than they initially expected kaya baka bukas malilipat ka na sa regular na room." she announced happily.
Sinusundan siya ng mga mata ni Real habang nagsasalita siya sa may gilid at inaarrange ang mga bulaklak na dala niya.
Bumalik si Camilla sa tabi ni Real at nagpatuloy sa kanyang pagkukwento.
"You're doing great Real. Thank you dahil lumaban ka." Camilla took his one hand and gently caressed it. "May gusto sana akong sabihin sayo." she said after sometime.
Hindi inalis ni Real ang tingin kay Camilla. He would gently press her hand as if telling her to continue.
"Kasi..." she clears her throat. Pinagisipan niya iyon ng mabuti. Alam niyang hindi dapat siya nagsasayang ng panahon. Of all people alam niyang maikli lang ang buhay. Kaya't ayaw na niyang mag aksaya ng kahit isang segundo ng hindi sinasabi ang nasa puso niya, ng hindi sinusundan ang puso niya. Ayaw niya na ulit gumising ng may pagsisisi. Dahil ngayon ay alam niyang hindi lahat ay may bukas na dadatnan.
Tila nararamdaman din ni Real ang bugso ng kanyang damdamin dahil napapahawak siya rito ng mahigpit. Ngunit sa kanyang mga mata ay may lungkot habang pinagmamasdan ang babaeng natutunan na niyang mahalin.
Nais man niya itong yakapin ngayon ay hirap pa rin siya. Gusto man niya itong halikan ay hindi pa kaya ng katawan niya. Kaya't pinagkakasya na lamang niya ang damdamin sa pamamagitan ng mga tingin.
"Camilla..." biglang narinig nila ang boses ni Helen mula sa likuran. "Maari ba tayong magusap?" tanong niya ng makalapit. Mahinahon lamang ito kumpara noong isang araw ng sila ay magharap.
Bumalik ang tingin ni Camilla kay Real. Tumango ito saka dahan dahan na binitawan ang kanyang mga kamay. Sa sandaling iyon ay iba ang naging pakiramdam ni Camilla sa pag bitaw niyang iyon. Para bang alam niyang hindi magtatapos ng maganda ang paguusap nila.
Ganunpaman ay sumama si Camilla sa ina ni Real palabas ng silid. Bumaba sila at nagpunta sa isang kainan na malapit sa ospital kung saan naka confine si Real.
Pagkatapos silang lagyan ng inumin sa mesa nagsalita na agad si Helen.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Camilla. Kung ako ang tatanungin ay hindi ako sangayon sa inyo ng anak ko. Alam nating pareho na kumplikado ang estado ninyong dalawa. Walang magandang maidudulot ito para sayo at higit na para sa kanya." diretso niyang sinabi.
Nanuyo bigla ang lalamunan ni Camilla sa mga salitang narinig niya mula kay Helen. Batid niyang hindi ito sangayon sa kanila ngunit ang marinig niya ang matatalas na salita ay sumasaksak sa buo niyang katawan. Nangilid ang mga luha niya sa mata.
"Pero mahal ka ni Real, Camilla. Alam ko yun. Nakikita ko yun." pagpapatuloy ng ina. Humihinga siya ng malalim sa tuwing magsasalita.
"Hindi ko alam kung alam mo ito pero mas takot siyang mamatay ngayon kesa noong hindi ka pa niya nakilala. Hindi siya natatakot para sa sarili niya Camilla, kundi para sayo. He's fighting harder now because he found someone worth living for." unti unting bumuhos ang luha ni Helen habang kausap si Camilla.
BINABASA MO ANG
Why Can't It Be?
FanficCamilla Sequia met the love of her life in Jandrei Yuan Antonio. They're both celebrities in their prime. As handful as it is to find love in showbusiness, they were both ready to face challenges head on. Jan promised Camilla a love like no other...