Chapter 36 - The Proposal

3.9K 195 30
                                        

[Jan]

Mag tatlong taon na rin pala nung huling bisita ko dito sa farm ni Tito Enrico sa Nueva Ecija.

How we became close was purely coincidental. Nasa taping ako non para sa teleserye ng makita ko siya.

Palinga linga siya sa may labas ng tent ni Camilla.

"Sir, may hinahanap ho kayo?" tanong ko sa kanya ng lapitan ko siya.

"Ha? Ano...oo sana. Y-yung anak ko--" he stopped talking when he took a good look at my face "Teka kilala kita ah. Ikaw yung kapareha ni Camilla sa palabas."

"Ho? Camilla?" pagtataka ko.

"Si Camilla este Lila Sequia pala." sabi niya.

"Ah si Lila. Hindi ko ho kasi alam na Camilla ang totoo niyang pangalan."

Camilla Grace Sequia

I think that was the time I started calling her by her real name too. Her name just fits her well. Ang sarap bigkasin. Pati pangalan niya maganda.

"Opo ako nga iyon." pagkumpirma ko.

"Pwede bang humingi ng pabor? Pwede mo bang ibigay sa kanya ito. Birthday na kasi niya sa makalawa at gusto ko lang ipabigay sa kanya yan." sabay abot niya sa akin ng isang malaking paper bag na maraming lamang pagkain.

"Ho? Pero--" nag alangan ako dahil unang una ay hindi ko siya kilala. Malay ko ba kung may lason o gayuma yung mga pagkain na dala niya.

"Huwag kang mag aalala. Tatay niya talaga ako. Kung gusto mo bigyan kita ng ID para di ka magduda." inabot niya ang kanyang wallet mula sa likod para kunin ang ID na sinasabi niya.

"Eh bakit di na lang po kayo lumapit?"

"Hindi na. Nagkatampuhan kame niyan eh. Ayaw ko kasi siyang mag artista kaso sobrang mapilit eh." sagot niya sa tanong ko.

"Ganun po ba?"

"Oo kung gusto mo pwede mo akong puntahan sa bahay namin. Dalawin mo ko dun at kwentuhan mo ako tungkol sa kanya. Ayos lang ba?" bigla bigla niyang alok sa akin.

"Ho?" malaking pagtataka ko sa tatay ni Camilla. Agad agad ay palagay na loob niya sa akin.

"Sige na, ibigay mo lang to kay Camilla...ano nga uli ang pangalan mo?" pakiusap niya uli sa akin.

"Jan. Jan Antonio po Sir."

"Tito Enrico na lang Jan."

Ngumiti lang ako ng matipid.

"O siya Jan, ikaw na ang bahala dito ha. Paki abot mo ito sa kanya. Luto yan ng asawa ko. Paborito niya yan." sabi uli ni Tito Enrico.

Bago ko ibigay kay Camilla yun sinugurado ko munang tikman ang mga yun para masigurado kong walang lason.
.
.
.
"Ang tagal mong di dumalaw ah." panimula sa akin ni Tito Enrico habang nakasakay kame sa mini machine cart niya.

I guessed papunta kame sa farm niya few meters away from their mansion. May malaki silang lupain sa likod ng kanilang bahay. Iyon ang lang ang pinagkakaabalaha niya.

"Sorry po Tito. Ahm, medyo dumistansya lang po ako. Alam niyo na nagka boyfriend na po ang anak niyo eh." sagot ko.

Tumingin siya sa akin at tumawa.

Why Can't It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon