Biglang nag vibrate ang phone ni Gail kaya agad naman nya itong hinanap sa ilalim ng unan nya. Sa sobrang antok pa nya hindi na nya tinignan kung sinong tumawag. "Ano?! Sino ka ba!"
[Gail! Ayaw mong sumama? Pupunta kami ng Tagaytay ni Ayla! For 2 nights!] Napatayo naman ka agad si Gail sa narinig.
"T-Tagaytay? Saan na kayo?! Ba't hindi nyo ko hinintay?!" Mabilis na nakatayo si Gail at agad na kumuha ng twalya tska pumasok na ng cr para maligo.
[Tanga! Nasa bahay pa kami ni Ayla. Dumiretso ka nalang dito.] Napa-buntong hininga nalang si Gail. Kala kasi nya iniwan na sya. XD
Pagkatapos nyang maligo, agad syang nag bihis ng panlabas at nag empake lang ng ilang damit. 2 nights lang naman daw sila sa Tagaytay. Tsaka, nagpaalam narin sila sa mga magulang nila kaya ayun, pinayagan naman.
Pagkatapos lahat na kailangan iready ni Gail, Dumiretso na agad sya sa bahay nila Zoe. Tamang-tama pag dating nya nakita na nya sina Zoe at Ayla na nilalagay na ang mga gamit nila sa isang Van.
"Uy! Andito na ako! " Sigaw ni Gail at tumakbo na sakanila.
"Buti nalang Gail, Ilagay mo na yang mga gamit mo para maka alis na tayo. I'm excited! " Sigaw ni Zoe habang pumapalakpak pa.
Pagkatapos nilang inilagay ang mga gamit nila sa van. Sumakay na agad sila at nagsimula na si Ayla mag maneho. "Malayo-layo parin ang Pupuntahan natin hihi. Tulog muna kami Ayla ha? " Pinikit ni Zoe at Gail ang kanilang mga mata at natulog.
***
Napagising ang dalawa ng makaramdam silang iniyugyog sila. "Hmm? What? Ayla?" Gail murmured while stretching her arms.
"Bibili tayo ng mga pagkain. Atsaka, malapit narin naman tayo sa Tagaytay." Lumabas naman silang.
"Ay.. teka, Una nalang kayo susunod nalang ako." Tumango naman sina Zoe at Ayla. Bumalik si Gail sa kotse para may kukunin.
Ng makita nya agad ang hinanap nya, mabilis syang lumingon kaya may nakabangga syang isang lalakeng gwapo...
"A-ay.. Sorry. "
"Sh*t." Agad na inangat ni Gail ang ulo nya para makita yung lalake. Ng pag angat ni Gail nagkatagpo naman ang mga mata nila. "Watch where you goin' beggar! " Binangga ng lalaki si Gail sa balikat tska umalis. Sinundan lang ni Gail ng tingin ang lalake habang sumakay na sa isang magarang ferrero na kotse.
"Sungit.. Tsk." Di nalang pinansin ni Gail ang lalake tska na pumasok ng convenience. Agad nyang nahanap ang dalawa na nasa Dairy section.
Agad na mang pinuntahan ni Gail ang dalawa. "Takte, di pa kayo tapos?"
"Gaga, bago pa kaya kami dito." Napabuntong hininga nalang si Gail at sinamahan ang dalawa. Syempre kumuha din sya ng mga pagkain nya. Haha!
Pagkatapos nilang bumili ng mga pagkain bumalik na naman sila sa van nila at kumain bago umalis. "Huy! Zoe! Ikaw mag drive ngayon. Pagod na yan si Ayla." Sabi naman ni Gail kay Zoe sabay palo pa sa braso ni Zoe.
"Osya! Sige na basta wag kang mamalo! Masakit eh! Huhu!" Sabi naman ni Zoe kay Gail habang hinimas himas ang pinalo ni Gail sa braso.
"Haha! Sorry! *Peace sign*"
"Ayla! Alis ka dyan! Ako ang nag dadrive." Umalis naman si Ayla sa drivers seat at pumunta sa passenger seat.
Pagkatapos nilang kumain, nagsimula na si Zoe magmaneho. Habang naka red light pa yung traffic light syempre huminto sila diba? "Leche, ang init walang kwenta yang aircon.. Gail! Buksan mo ang bintana dyan." Binuksan naman ni Gail ang bintana sa pintuan nya.
Ito naman si Ayla ay nagbabasa lang ng story sa selpon nya. "Ayla! Buksan mo ang bintana dyan." Pinalo na naman ni Gail sa braso si Zoe. "Aray! Gail! Ikaw kaya ang mag drive dito! " Tumawa lang ng nakakaloko si Gail at naglalaro na naman ng app sa cellphone nya.
---Meanwhile---
Nagsasound trip ang XF11 sa kotse nila. Maingay ang loob habang yung iba nag hehead bang. "Pucha, ang ingay." Pinatay ni Drake ang music at binuksan ang bintana sa pintuan nya.
Paglingon nya sa kaliwa nya nakita nya sina Gail pero di pa nya alam kung anong pangalan. "Yownnnn ohh! " Biglang sigaw ng XF11 at tumawa ng nakakaloko.
"Crush mo? WAHAHAAH! Pumapag-ibig si DRAKE! " Asar ni Wayne kay Drake.
"Upakan kita dyan eh. Tumahimik ka nga! " Tumahimik naman agad sila. Kawawa.. XD
"Aray! Gail! Ikaw kaya ang magdrive dito! " Narinig ni Drake ang sigaw ni Zoe kaya lumingon naman si Drake sa kotse nila Gail. Nakita nya si Gail na tumatawa kaya napa iwas nalang sya ng tingin.
Naalala nya na si Gail pala yung nakabangga sakanya kanina. Ilang saglit lang ay nag green light na kaya umandar na agad sila.
Dumiretso sila sa hotel, di makapaniwala si Drake na huminto rin pala sina Gail sa hotel kung saan sila nakahinto ngayon.
Sabay naman silang pumasok sa hotel at sabay ring nag hanap ng kwarto. Pagkatapos naghiwalay na silang naglakad, sina Gail papuntang Kaliwa, tapos sina Drake ay sa Kanan.
---Meanwhile---
Pagpasok nila Gail sa kwarto nila, tatlong kama ang nandito kaya fit sakanilang tatlo. Nagsimula naman silang naglinis sa mga gamit nila. "Guys! Mamayang gabi gala tayo sa Fun Ranch! Masaya dun, tapos may motor racing. Hihihi. " Excited na sabi ni Zoe.
"Zoe! Text mo si Yannie, sabihin mo magkikita kita tayo sa Fun Ranch. " Tinext naman ni Zoe si Yannie.
"Okeh daw." Tumango tango naman si Gail at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.
BINABASA MO ANG
Season 1: The Gangsters and Me
RomanceGangsters may find their true love. But what if they don't like you?