[67.2] Boracay

8 1 0
                                    

Gail's Pov

Nagpapahinga kaming lahat dito sa cottage, dalawa ang nirenta naming cottage kasi ang dami namin eh. XD
Pinatong ni Troy ang ulo nya sa lap ko habang sinusuklayan ko ang buhok nya gamit ang palad ko, habang ang isang kamay ko naman ay nasa iphone ko.

|Ang sweet nyo nuh?| From: Drake

Ano bang problema nito, lagi nalang sumusulpot sa notifications ko.

|Naman. ;))| To: Drake

Ang OA ni Drake sobra.=__=
Simula nun hindi na sya nagreply kaya. Great! Thank you. =.= Sana nga hindi na sya rereply.

Umupo naman si Troy tsaka nilagay ang ulo ko sa lap nya. Swap na naman kami. Ang gentleman eh. "Yam, cr lang ako." Paalam ko kay Troy.

Naglakad na ako patungong cr, pagkatapos binuksan ko na ang pinto para lumabas pero nakita ko si Drake. Lalakad na sana ako kaso hinawakan nya ang kamay ko. "Gail.. Let's talk." Hinila nya ako sa kotse nya at pinapasok.

"D-Drake, saan tayo pupunta?! " Sigaw ko sakanya. Pumasok narin sya sa drivers seat at nagsimulang magmaneho. "Drake saan nga tayo pupunta?! Hahanapin ako dun ni Troy!"

"Gail ba't puro ka Troy?! Isipin mo ang boyfriend mo! "

"Sino bang Boyfriend ko?!"

"Gail ako! Gail, para sayo wala ng tayo pero sakin meron pa. Ang hiwalay dapat pareha ang desisyon ng mag partner! Pero ikaw lang ang nag desisyon nun eh! Hindi ako pumayag."

"Drake naman, Ang tagal na nun hindi ka parin naka move-on?! Kasi Drake ako Oo! Naka move-on na ako! Drake tulungan mo ang sarili mo! " Huminto sya sa pagmaneho at humarap sa akin.

"Gail di ko kayang mag move-on, Kasi mahal pa kita. Gustuhin ko man pero ayoko. Kasi nga mahal pa kita! " Napatahimik ako sa narinig ko tsaka napaiwas ng tingin tsaka umiling iling.

"K-Kayanin mo Drake. "

"Hindi ko nga kaya kasi ikaw ang palagi kong iniisip! "

"Edi wag mo 'kong isipin.." Kita sa mga mata nya ang galit.

"Gail, gustuhin ko mang ayaw kang isipin pero di ko kaya! Ikaw ang palagi kong nababanggit! "

"Ibalik mo na ako dun, hinahanap na ako ni Troy.."

"Troy! Troy! Troy! Pucha Gail ba't sya ang iniisip mo?! Ikaw ang iniisip ko, pero iba ang iniisip mo." Napatahimik ako tsaka nakatingin lang sakanya.
"Mamili ka nalang sa aming dalawa Gail, promise titigilan na kita." Ilang segundo ng nakalipas pero hindi ko pa nasasagot ang tanong nya. Hindi ako makapag salita, Ohshif. "Mamili ka lang Gail, titigil na ako.. papakawalan na kita.."

Sa narinig ko sumakit lalo ang puso ko. Ba't ang sakit? Hindi ko na naman sya mahal ha, Ba't nakaramdam parin ako ng sakit?

Napailing nalang ako tsaka binuksan ang pinto at lumabas. Di ko mapigilang mapahikbi, patuloy na pumapatak ang mga traydor kong mga luha. Ba't ako umiyak? Siguro.. EWAN!

Naramdaman ko namang may humawak sa kamay ko pero tinaboy ko lang 'to. Hinawakan na naman nya ang kamay ko at hinila para huminto.

"Gail mahirap ba mamili? Sagutin mo nalang Gail para hindi ako mahirapan. Promise titigilan ko na kayo ni Troy, Sagutin mo na para hindi na ako mag mukhang tanga.." Nakikita ko ang lungkot sa mga mata nya. Pero bigla syang tumawa pero malungkot na tawa. "Ah.. I know, it's Troy, isn't it?" Tumango tango naman sya, Mukha syang baliw nagtatanong eh sya naman pala sumagot.

"D-Drake.."

"Okay na Gail, Okay lang ako.. tanggap ko naman eh.. Pero kapag nakikita kong may luha na pumapatak sa mga mata mo.. Sabihan mo lang ako.. " Ngumiti sya ng malungkot. Masakit mang isipin na tumigil na sya, kakayanin ko nalang, pinili ko 'to eh.
"Ibabalik na kita kay Troy.." Tumalikod sya patungo sa kotse nya.

"Ayoko.." Umiling iling ako.

"Baka magalit sakin si Troy dahil hindi kita binalik sa boyfriend mo. Ibabalik na kasi kita." Hinila na nya ako pabalik sa kotse nya. Pumasok naman ako sa front seat. Pumasok na rin sya sa drivers seat.

"He's not my boyfriend.." Napahinto naman sya sa pagmamaneho at tumingin sa akin.

"Si Troy hindi mo boyfriend? Kalokohan.. ba't ang sweet nyo?" Umiling lang ako tsaka isinandal ang ulo ko sa bintana. Nagmaneho naman sya ulit pero huminto bigla.

Tumingin ako sakanya, "Anyare?" Tanong ko sakanya.

"Nasiraan tayo." Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig. Shet! Nasiraan kami?!

"Sh*#..." Lumabas ako agad sa kotse at kinuha ang iphone ko sa bulsa. I tried to call or text Troy but cannot be reached nga raw. Putek! Walang signal. "Ugh.."

Ano ng oras ngayon, 5:10PM na. Lulubog na ang araw kailangan na namin makabalik. "This is all your fault Drake! " Sigaw ko sakanya.

"Sige, Kasalanan ko na. Ba't pa ba kasi kita kinidnap.." Sagot nya pero inirapan ko lang siya. Kung hindi nya lang yun ginawa, siguro nakatulog na ako ngayon. Tsk.

"Anong plano mo para dyan?" Sarkastiko kong tanong.

"Bukas nalang 'to, papalubog na naman kasi ang araw."

"Anong bukas?! That can't be Drake! Do something! " Sigaw ko sakanya.

"Hindi naman ako mekaniko Gail para maayos 'to agad! Tsk." Inirapan ko lang sya at pumasok sa front seat, matutulog nalang ako dito. Binaba ko ang incline tsaka humiga. Naramdaman kong lumubog ang sasakyan, I think he hopped in.

"Gail, what do you mean about Troy? Hindi kayo? Ba't ang sweet nyo?" Napadilat naman ako pero hindi ko parin sya tinitignan.

"Move-on na tayo dyan Drake, I need to sleep." Pinikit ko ulit ang mga mata ko.

"Matagal na yun nangyare Gail ba't hindi mo yun malimutan?"

"Eh ba't ikaw? Nalimutan mo ba ako? "

"Hindi syempre."

"Tsk. Kailangan ko ng Matulog Drake." Biglang tumunog ang iphone ko agad ko itong kinuha and Troy is calling. Agad ko itong nilagay sa tapat ng tenga ko. "Y-Yam?"

["Yam, Saan ka na? Lulubog na ang araw."]

"Kasi Yam--" Napaputol ako ng biglang napatay ang tawag. Shet! Yung signal! Panira!! Tsk. "Ugh! "

Bigla namang kinuha ni Drake ang iphone ko. "Drake akin na yan! " Pero nilalayo nya ito kaya hindi ko 'to makuha. Napangisi naman sya bigla, "Ano? " Tumingin sya sakin habang naka ngisi. Baliw?

"Hindi mo parin pala binubura ang mga pictures natin? "

"Pero atleast hindi na ikaw ang wallpaper ko. " Sabay kuha ko sa iphone ko pero nilayo nya ito. Pero bigla naman nya hinawakan ang kamay ko at hinila ito para lumapit sakanya.

Then. OHGOSSHH! Ang lapit ng mga mukha namin! "Tell me Gail, do you still love me?" Freeze! Yung totoo Gail! Yung totoo.

Lalayo na sana ako sakanya kaso nahawakan nya ang beywang ko at nilapit pa nya masyado sakanya. "Answer." Waaah! Di ko kayang sumagot!

Nilapit nya lalo ang mukha ko sakanya baka ilang segundo lang pwede nang mag kiss-- Kyaaah! "Answer... or I'll kiss you.." Napalaki ang mga mata ko sa narinig. Waaaah! Ano raw?!

Lalayo na naman sana ako kaso hinila nya ako then.. then, His lips was onto mine. OMG..

Season 1: The Gangsters and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon