Gail's Pov
---Monday---
Ugh! Monday na naman. Ganun parin ang routine namin araw-araw. Naghihintay nalang ako kay Jayson na dumating. Ang tagal naman, 10 minutes na Anong naghihintay eh.
Beep! Beep! Beep!
Narinig ko namang may bumusina sa labas. I know it's Jayson. Kaya kinuha ko na ang bag ko tsaka nag paalam na kay Yaya Evan.
Nakita ko si Jayson nakasandal sa kotse nya. Nang mapansin nya ako ngumiti sya sakin tsaka lumakad palapit at kinuha ang bag ko. "Good morning." Bati nya sakin.
"Good morning din." Ngumiti narin ako sakanya tsaka nya binuksan ang pintuan.
"By the way, Gail. Ihahatid lang kita sa C.H.U di ako papasok ngayon may importante kasi akong lakad sabi ng mama mo. Kung hindi ako makasundo sayo mamaya, sumabay ka nalang sa mga kaibigan mo." Sabay ngiti nya.
"Okey." Tumango naman ako. Nagsimula naman syang magmaneho patungong C.H.U
Pagdating namin pinagbuksan nya ako ng pintuan at huminto muna kaming dalawa. "I'll visit you at your house tonight. To make sure you're doing okay. Wag kang gumala kung hindi ko alam, Kung kasama mo ang mga kaibigan mo okay lang. Tsaka kasama ko naman sina Josh, Jeydon tsaka si Derrick."
"Baka iinom lang kayo, Bahala kayo dyan. " Tumawa naman sya.
"Nope, That would never happen." Umiling iling pa sya. "Pumasok ka na baka malate ka pa."
"Okey. Take care of yourself, be careful of driving. " Ngumiti naman ako. Tsaka sya tumango.
"I'll call you if i got there." Tumango naman ako tsaka nya ako hinalikan sa pisngi. Hanggang sa pisngi lang. Birhen pa 'tong lips ko. Waaah!
Pumasok naman sya sa kotse nya kaya pumasok narin ako sa campus. Nakita kong may mga estudyanteng nagtipon tipon tsaka nagbubulungan.
'Away! Away!' Sigaw nung isang lalakeng estudyante. Away? Makitsismis nga. Sumingit ako sa mga estudyante nabigla ako ng makita ko sina Stephanie at ang dalawa nyang ducklings tsaka sina Ayla, At Zoe. What's happening here?!
"So who cares?! Dapat lang yun sakanya! Kulang nalang si Gail para masampal ko! Mga mang aagaw!!" Lumapit na ako sakanila kasi narinig ko ang pangalan ko.
"S-Stephanie? What's your problem??" Singit ko sakanila. Napatingin naman silang lahat sakin.
"So you're here? Great! " Sabi nung Stephanie at pumakpak ng ikatlo at agad sumeryoso ang mukha. Ba't ba ang sama ng loob nila sakin?!
"Nandito ako kasi nandito ang mga kaibigan ko. Eh ikaw? Nandito ka para manggulo? Pakshet.. pinahiya mo lang ang sarili mo--" Napaputol ako ng bigla nalang nya akong sinampal. "Sige! Sampalin mo pa ako, sampalin mo kami! Gagu ka! Dahil ikaw ang sasampalin ko pag tapos ka na!" Puno na ako sa babaeng 'to eh. Hindi sya makapag salita kaya inunahan ko na. "Ano?? Ako na?! Ako na ang sasampal sayo?! Sumagot ka! " Tumawa lang sya ng nakakaloka kaya hindi ko na pinabayaan pa kaya agad ko syang sinampal. "Gagu ka! Sabi kong sumagot ka! Hindi ko sinabing tatawa ka! Baliw!"
Akma nila Ayla na hilahin ako palayo kay Stephanie kasi nahila ni Stephanie ang buhok ko. Pero sinabunutan din sila ng mga kasama ni Stephanie.
Hanggang sa may dumating na grupo. Naramdaman ko nalang na hindi na nakahawak si Stephanie sa buhok ko. Yun pala dumating yung XB11. "Stephanie! Michelle! Kate! " Sigaw nung membro ng XB11.
"K-Kent.. they.. they hurt us.." Sabay iyak nya. Wow! Galing umarte ha? Amp! Nabigla kami hinila ni Drake si Stephanie tsaka tinulak palayo.
"Baliw ka na ba Stephanie?? Hindi nila yun magagawa kung hindi ka pasikat! " Sigaw ni Drake. Okaaaay~ why are they helping us?
BINABASA MO ANG
Season 1: The Gangsters and Me
RomanceGangsters may find their true love. But what if they don't like you?