[61.3] Palawan

7 1 0
                                    

Mia's Pov

Nandito kaming dalawa ni Aiden sa sala ngayon. 6:20 na ng gabi. Ginawa kong unan ang braso ni Aiden. I think this is the time to tell him about the Germany. "Mahal..." Tawag ko sakanya. Habang sya naman ay hinimas himas ang buhok ko pataas pababa.

"Hmmm?" Napabuntong hininga ako and compose myself.

"Mahal.. mawawala ako ng 7-10 months.. Payag ka?" Napatigil naman sya sa panghihimas nya. Tsaka tumingin sa akin.

"7-10 months? Ang tagal nun Mahal. Bakit saan ka ba pupunta?"

"Exchange student ako sa Germany. Okay lang ba sayo Mahal?"

"No." Tumayo sya tsaka akmang aalis pero hinawakan ko agad ang braso nya.

"Mahal, academics naman yun. May skype, Facebook at more social medias para magkita tayo diba? Payag ka na mahal."

"Ano ba Mia, Sino ba kasama mo?" Galit na tanong nya.

"Kami lang naman dalawa n-ni Gail.. Sige na Mahal. Kaya nga nagbonding ngayon para makasama kayo."

"Pucha.. 2 weeks nyo 'tong tinago? Bakit Mia? "

"Oo Mahal.. Academics naman yun eh. Tapos kasama ko naman si Gail duon." Lumabas sya ng bahay kaya sinundan ko naman sya. Ito na nga ba yung kinatatakutan ko eh. Hindi nya matanggap na maghihiwalay kami.

"Mahal! Teka lang, Papaliwanag lang ako." Naiiyak na ako dito sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Ano ba Mia.. ".. F-Fine.. Fine Aiden I'll sacrifice my grades.. For you."

"Umalis ka nalang." Biglang pumatak ang luha ko. Umalis ka nalang Gusto nya ba talaga akong paalisin?!

"Aiden galit ka? Pwede naman hindi nalang ako sasama." Lumingon sya sakin na galit yung expression nya.

"Gusto mong umalis? Edi umalis ka! Tinago nyo pa. Sana sinabi nyo nalang agad ng mas maaga para mapag disesyunan 'to." Di ko mapigilang umiyak feeling ko gusto nya talaga akong paalisin.

"Kung yan ang sabi mo sige! Gagawin ko! Pero Aiden, Okay lang naman sakin kung.. kung hindi ako makakasama! Ikaw lang naman ang pag asa ko! "

"Sinabi kong umalis ka, umalis ka! " Patuloy paring pumapatak ang mga luha ko.

"A-Aiden huy! Anong ginagawa mo?! " Tanong ni Gail na pasigaw kay Aiden. Kasama pa niya sina Drake, Ayla, Yannie, Nathan, Sandy at Dustin.

"Gail, Aalis ba talaga kayo papuntang Germany?"

Gail's Pov

"Gail, Aalis ba talaga kayo papuntang Germany?"

"G-Germany? Para saan Gail?" Tanong ni Drake sakin. Putek ano na 'to?! Hindi pa ako handa sabihin kay Drake. Hindi pa kami nakapag pasaya dito sa Palawan.

"H-Huh? " Lumingon ulit ako kay Aiden. "Aiden kung ano man ang pinag awayan 'nyo wag mo 'kong idamay damay." Tumalikod na ako pero nagsalita si Drake.

"Pucha Gail, Ilang araw ka dun sa Germany?" Lumingon ulit ako sakanila pero si Drake ang tiningnan ko.

"A-Ano lang naman.. 7-10 months. " nauutal kong sagot.

"Kailan kayo sinabihan?" Lagot na.. 2 weeks namin hindi 'to sinabi.

"A-Ano Drake.. 2-2 weeks ago." Napakamot nalang ako sa buhok ko.

"Tinago nyo 'to sa loob ng dalawang linggo? P-Paano mo nagagawa yun Gail?! " Lumapit sya sakin. "Gusto mo ba dung sumama?"

"G-Gusto sana.. kaso baka.. Magalit ka.. "

"Oo galit ako. Hindi ako papayag na pupunta ka ng Germany."

"Drake naman. Academics naman yun. Pang future eh. Promise ko yun kila Mama.."

"Ugh! Gail! Putek, Wag mong kalimutan nandito kami! Ano? Aalis ka pa rin? Edi umalis nalang kayo! Kaya mo naman pala magsinungaling ng 2 weeks. Tsk." Umalis sya tsaka pumasok sa loob ng bahay.

Tiningnan ko lang ng masama si Aiden tsaka tumalikod na rin. Nagpapadyak padyak pa ako patungo sa kwarto ko. I slammed the door harder tsaka umupo sa kama ko. Nagsimula na ring pumapatak ang mga luha ko kaya bawat patak nito pinupunasan ko.

Hindi ko naman alam na maabot 'to sa ganito. Biglang bumukas ang pinto tsaka pumasok si Ayla tsaka si Daryl. Tinignan ko lang sila tsaka umiwas agad ayokong nakikita nila akong umiiyak. "Gail.. totoo ba yung Germany?"

"O-oo Ayla pero hindi ko pa napepermahan yung consent. Kung makapag salita sila akala mo napermahan na. Pucha.. "

"Gail, Okay lang naman sa amin na umalis ka pero di namin alam para kay Drake. Siguro ayaw nya kasi gusto ka nyang makasama.. Pag-isipan mo lang Gail.. Suportado kami sainyo ni Mia. Miskin si Aiden galit dahil siguro ayaw nya mawala sa tabi si Mia.. " Alam kong ayaw ni Drake na mawala ako sa tabi nya.

"W-Wag nalang siguro.. Ayaw ko nalang pumunta. I'll sacrifice my academics and grades then.. for Drake." Tumayo na ako para kausapin si Drake.

"Gail, wala si Drake sa kwarto nya nasa may bar." Tumango tango lang ako tsaka lumabas. Nakita ko pa si Mia na palabas rin.

"Mia." Tawag ko sakanya lumingon naman sya na may ngiti. "Saan ka pupunta?" Tanong ko sakanya.

"Kakausapin lang si Aiden, Siguro wag nalang akong sumama eh ikaw Gail?"

"Nope, Hindi na rin siguro."

"Ahhh.. Nasa may bar raw sila." Tumango tango lang ako tsaka sabay kaming dalawa pumunta dun.

Pagpasok palang namin dun si Mia nasa likuran ko. Ang nakita ko agad ay Drake is kissing the girl. Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib. Si Aiden naman hinahalikan ang babae sa leeg.

Nang makita ako ni Drake agad syang huminto tsaka tumingin sa akin. He even said my name pero tumalikod na ako at umalis dun. Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa nakita ko.

Season 1: The Gangsters and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon