[67.1] Boracay

8 1 0
                                    

Gail's Pov

"Yam, sabay tayo sa Boracay bukas ha?" Ako. Tumango lang si Troy

"Sure." Sabay gulo nya sa buhok ko. Nag empake na kami para sa Boracay bukas. Hininto na ni Troy ang porsche nya sa tapat ng bahay namin. "Susunduin kita bukas, sabay tayong pumunta ng Boracay."

"Okay." Lumabas na ako ng porsche nya tsaka pumasok. Nakita ko si Drake naka sandal sa pinto namin. "D-Drake what are you doing here?"

"Obviously, Waiting for you." Seryosong sabi nya. "Ba't ang tagal mo?"

"Eh ba't nagtatanong ka? Pake mo?"

"Concern lang sayo. " Maypa concern concern pang nalalaman. =_=

"Wala ka naman dapat ika alala, kasi kasama ko naman si Yam." Umalis ka umalis ka. =.=

"Ahh.. Naka move-on ka na pala? Kasi ako hindi pa. Umaasa pa kasi akong magkabalikan kami. Pero pagdating nya dito may kasama palang bago kagaya mo." Sabay ngiti nya ng malungkot. "Naghihintay ako sayo Gail, pero pala may kasama ka ng iba." Lalim ng hugot ni Kuya =_=

"Hindi ko naman sinabing hintayin mo 'ko, Pero sorry ha? Kung pinaghintay kita. Nagbigay na ako ng clue, Pero nagpatuloy ka pa. Di ko naman akalaing masasaktan ka. Pero sana kalimutan mo na ang tungkol sa atin nuon, may mahal na kasi akong iba. Sana din makahanap ka ng babaeng magmamahal sayo ng totoo kagaya ko nuon diba? Pero haha.. sinayang mo pa. Pwede na ba akong pumasok sa puso ng iba? Chosss! I mean pasok na ako ha? " Ano 'to? Hugot battle? Wahaha!

"Gail.. may pag-asa pa bang mabalik ang nakaraan?" Napahinto ako sa tanong nya.

"Ewan ko, Siguro ang time ang tanungin mo nyan hindi kasi ako time machine para ibalik ang nakaraan."

"Ikaw ang makapag disesyon nyan Gail. Pwede ba?"

"Kung akong tanongin mo Drake, para sakin.. depende nalang siguro. " Pumasok na nga ako tsaka sinara ang pinto. "Mahal pa naman kita Drake kaso.. ang sakit lang.." Bulong ko. Di ko mapigilang mapahikbi sa sakit.

Ba't pa nakaramdam ako ng ganito. Ba't nagpakita pa ang lalakeng yun, Ayoko na, ang sakit kaya ng ginawa nyang kalokohan. Putek, sa harap ko pa talaga.

***

Napagising ako kasi sa araw, pag dilat ko si Troy agad ang nakita ko. "Gumising ka na Yam." Hinawakan nya ang kamay ko at inalalayan akong tumayo.

"Maliligo muna ako Yam. Teka." Kumuha na ako ng towel tsaka pumasok sa cr.

"Sa labas lang ako Yam." Narinig ko namang sinara nya ang pinto.

Pagkatapos kong maligo syempre nag bihis tsaka nagsipilyo. Lumabas na ako ng kwarto at nakita si Troy na nanonood ng tv. "Yam, Tara kain tayo." Yaya ko sakanya.

"Sige Yam." Pumunta naman kami sa kusina, "Yam, ako nalang ang magluluto." Sabi nya tsaka lumapit sa fridge para kumuha ng ingredients.

Alam naman nyang magluto eh, Palagi nga syang nagluluto nung nasa Germany pa kami. "Thanks Yam."

"Magpa sitting pretty ka lang dyan Yam. " Sabay ngiti nya sakin kaya nginitian ko na rin sya sabay kuha ng iphone ko sa bulsa. 2 unread messages.

|Gail saan na kayo ni Troy? Patungo na kami sa boracay.| From: Yannie

|Susunod kami Yan, teka lang.| To: Yannie

Maya-maya lang ay tapos nang magluto si Troy at inilapag na nya ang mga plato sa table. Nagsimula naman kaming kumain.

Pagkatapos kong kumain bumalik ako sa kwarto para magbihis.

Season 1: The Gangsters and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon