Gail's Pov
Pagdating namin dumiretso agad kami sa C.H.U tapos sa Deans office. Buti nalang nandito ang Dean kaya nakapasok kaming dalawa ni Mia.
"Good morning, " Bati namin ni Mia."Ang aga nyo ata, Ano, napagdesisyunan na ninyo?" Nagkatinginan naman kami ni Mia na may ngiti tsaka sabay tango.
"Opo Dean, Pepermahan na po namin ang contract.. sasama po kami sa Germany. " Tumawa naman ng mahina si Dean tsaka ibinigay ang contract at consent.
Agad namin yun pinermahan, tsaka tumingin kay Dean na nakangiti. "Thank you for signing it Girls. Ngayong sunday na ang flight nyo be ready. " Tumango tango naman kami. Ngayong sunday na pala.
"Excited na nga po kami Dean eh. " Tumawa lang kami tsaka lumabas na rin.
"Pumayag na tayo Mia.. It means wala ng atrasan 'to. Ayokong makita ang pagmumukha nung lalake." Tumango tango naman si Mia.
Paglabas namin ng C.H.U nakita namin ang XB11 tsaka ang mga kaibigan naming mga babae. "GAIL! MIA! " Kumaway lang kami na may ngiti.
"Napermahan nyo na?" tanong ni Zoe na may tonong lungkot.
"Haha Zoe, Naman. May Skype naman eh. Kayo lang naman ang gusto naming makita atsaka ang.. XB9." Sabay tingin sa XB9 without looking at the two guys.
"Gail.." Napalingon sila sa tumawag sa pangalan ko. Alam nyo na sino yun.
"Ay. Alis na kami ni Mia guys mag eempake lang." Hinila ko na si Mia sa van na ginamit namin. Ayokong sabihin ko sakanila na sa sunday na ang flight namin.
Nagmaneho na ako at ibinaba si Mia sa bahay nila, sinabi naman nya kung saan ang bahay nila eh. Tapos dumiretso na ako sa bahay namin. At nagsimulang mag empake. Friday ngayon kaya dalawang araw nalang.
Habang nag eempake ako bigla namang nag vibrate ang iphone ko kaya kinuha ko na 'to.
|Gail, Punta kami dyan, Sina Ayla, Zoe, Sandy, Mandy at Jessica lang. | From: Yannie
|Sige sige :))| To: Yannie
Excited ako na may pagka lungkot. Maiiwan ko ang mga kaibigan ko.
Maya-maya lang ay bumukas ang pinto tsaka pumasok ang mga kaibigan ko. "Gail.. Kailan flight nyo?" Nginitian ko lang sila ng malungkot.
"Sa sunday na.. Please wag nyo munang sabihin sa XB11.. " Tumango tango naman sila.
"Suporta kami sainyo ni ate Mia, ate Gail. May skype naman eh." Sandy.
Tumango tango lang ako tsaka inilagay na sa tabi ang maleta ko. "Basta Gail, pasalubong namin! " Sabay tulak ng mahina ni Zoe sa braso ko.
"Oo na, Pagdating namin dun." Tumawa naman sila ng mahina.
"Kami na bahala kay Drake at Aiden. " Sabi naman ni Jessica. Malamang boyfriend niya si Kent na pinakamatanda sa XB11 19 years old palang. XD
"Haha pwede namang wag na Jessica, alam naman nila paano mabuhay eh." Tumango tango naman sila.
"Oh mayghad sissy! Sabihan mo kami pag may gwapo dun. Haha! Hihiwalayin ko agad si Hayop." Pabirong sabi ni Zoe. Kaloka.
"Huy Zoe, That's not funny." palo sakanya ni Ayla. Arg! Mamimiss ko 'tong mga kulitan namin.
"Girls night tayo mamayang gabi Gals." Yannie
"Suree! " Sabay na sigaw namin. Umalis muna sila saglit babalik lang daw sila para sa girls night. Haha.
Humiga muna ako sa kama, habang nakatingin sa ceiling. Nang mag vibrate ang iphone ko.
|Gail mag-usap tayo please.| From: Baby loves
What's with his name? Tsk. I immediately change his name into his real name. Di ko nalang sya nireplyan. Pero patuloy na nag vivibrate ang iphone ko. 14 na nga eh. It means 14 narin ang texts nya.
I just press the power off. And close my eyes to relax.. Wag ko ng iisipin si Drake. May iba na yun.. di ka na mahal Gail. Hindi ka na mahal..
BINABASA MO ANG
Season 1: The Gangsters and Me
RomanceGangsters may find their true love. But what if they don't like you?