Alex' Pov
Pupuntahan ko lang sana si Yannie may pinabibigay kasi si Nathan ako pa ang sinabihan. =.= nakakatamad lang kasi. Tsk.
Nakailang buzz na ako sa gate nila hanggang may bumukas na ito.. Panget. "Eh? Hayop anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.
Sasagot na sana ako kaso may dumating na lalake sa likod nya. "Alex ikaw pala, Buti nalang. " Sabay ngiti nya. Tsk, pacute lang kay Zoe eh. =_= Mas gwapo naman ako kesa sakanya.
"Sasabihin ko na sana sainyo na.. Girlfriend ko na si Zoe." Sabay akbay nya sakanya.Putek, ba't sa harap ko pa? Nagpapaselos? Asa siya na magseselos ako. Sige! Aaminin kong nagseselos ako. Nagseselos ako kasi ang sweet NILA. Sarap sapakin eh.
I force a smile infront of them so I did it. "C-Congrats." Tinanguan ko lang sila tsaka pumasok narin. Puchek wala na akong gana =_=
"Yannie.. pinabibigay ni Nathan. Susunduin ka narin daw nya mamaya." Sabay abot ko ng isang pouch.
"Pakisabi Thanks.. Dito ka na muna Ale---"
"Uuwi na ako, pagod na ako. Ayoko na." Double meaning ata ang nasabi ko eh. Agad na akong tumalikod tsaka naglakad palayo. Nakita ko pa sina Zoe at yung Caleb na yun na papasok.
"Oh Alex uuwi ka na?" Tanong sakin nung Caleb. Tinanguan ko lang siya ning hindi ko nga nalingon si Zoe.
Tahimik lang akong nagmamaneho, Pucha Pink. Ba't nakaramdam ako ng ganito? Ang bakla naman ata. =.= Buti na ang iba kong kaibigan may lovelife eh kami? Tch. Si Aiden? Meron na yan, di nga lang muna nya ipapakilala sa amin. Baka chakka ang fes. Shet ang bakla. ;P
Napahinto ako ng may biglang dumaan na sasakyan na napaka bilis magpa takbo. Putek, muntik na akong mabangga. Baka masira ang maganda kong mukha. Sarap sapakin nun eh.
***
Ilang araw ko nang hindi pinapansin si Zoe. Taga-uwi sinusundo ni Caleb. Tch. Ning hindi ko na nga sya kayang asarin. Nakakamiss lang, Epal lang yung Caleb na yun ba't pa dumating yun. =__=
Nakaka halata na nga yung iba kung bakit daw hindi na namin inaasar ang isa't isa ni Zoe. Kagaya ngayon nag iinuman kami ng XB11 kasama sina Gail, Yannie, Ayla at Zoe with her bastard boyfriend. =.=
"Something's wrong here, Ba't walang nag aasaran?" Parinig ni Gail. Tch alam ko naman yan sino. Nagsalubong naman ang mga mata namin ni Zoe pero agad naman kami napaiwas ng tingin.
"LQ ata." Bwisit na tanong yan Wayne. =___= Kita mo naman may Boyfriend na yung tao. Hindi ko man maamin na may gusto ako kay ano.. alam nyo na yan. =_= sa gwapong kong 'to aamin? Ay manhid. Tsk.
"Labas lang ako saglit." Paalam ko sakanila saka lumabas na ng bar. Puchek, sinipa ko pa ang maliit na bato sa harapan ko.
Zoe's Pov
May mali dito kay Hayop eh. May iba sakanya. Nag bago na sya =_= Ilang araw na nya akong hindi inaasar. Namimiss ko na yun eh kahit napipikon na ako sakanya. Ugh! Bakit ba ang kulit naman.
Nagpaalam muna si Alex para lumabas tinutulak naman ako ng mga kasamahan ko na sundin si Alex. Problema ng mga 'to. "Sige na Sab, sundan mo na yun. " Sabi ko nga masunurin akong tao kaya lumabas nga talaga ako.
Nakita ko si Alex nakaupo sa may bench. Naisipan kong gulatin sya.. "Yooow! " Sigaw ko sa likuran nya pero putek dinedma ako. =___= "huy! Problema mo Hayop?" Tumabi ako sakanya pero tinignan nya lang ako ng seryoso tsaka tingin ulit sa harap.
Tiningnan ko kung saan sya nakatingin pero wala naman kung anong bagay dun mga damo lang naman. Oh baka.. may nakikita sya na hindi ko nakikita. Kyyaaah! Nakakatakot~ "Uy wag mo 'kong dedmahin Hayop." =_=
Tinignan nya ulit ako tsaka tingin ulit sa harap. Putek, Ayoko ng makipag usap nito ang labo. =_= "Bahala ka nga dyan." Tatayo na sana ako kaso hinawakan nya ang kamay ko at hinila paupo ulit.
"Dyan ka nalang muna, Kailangan ko ng kasama." Sabi nya pero nasa harap parin ang tingin nya.
"So Hayop, Problema mo?" Tanong ko sakanya.
"Wala ka na dun, " Ay ang daya. =_=
"Ang daya, sabihin mo na kasi." Napakamot nalang ako sa buhok ko.
"Kahit na sasabihin ko hindi ka makakatulong. Aasarin mo pa ako."
"Hindi na kasi, ano ba kasi yan para may karamay ka diba? Diba?" Sabay binangga ko pa ang braso ko sa braso nya. "Yiieee! Sasabihin na yan. Ano ba kasi yun?"
"Ah basta nakakahiya.. sasabihin ko sa kaaway ko? Never." Ay sungit.
"Bahala ka. Maiwan ka dyan mag-isa." Tatayo na naman sana ako kaso hinawakan na naman nya ang kamay ko. "Sabihin mo na kasi ang problema mo kung hindi iiwan talaga kita dito." Umupo na ulit ako pero hindi nya ako pinansin. "Kung ayaw mo edi wag. Bahala ka dyan." =___=
Tumayo na ako at naglakad na palayo, buti nalang hindi na nya ako nahawakan nakaka sawa na. Amp!
Napahinto ako ng may biglang yumakap sa akin. "Ikaw ang problema ko Zoe ikaw.." Bulong nya sakin. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Gusto kita Panget.. "
BINABASA MO ANG
Season 1: The Gangsters and Me
RomanceGangsters may find their true love. But what if they don't like you?