Gail's Pov
Waaah! Malapit na mag dedecember! Ilang months na kami ni Baby Love. Haha! "Calling the attention of Azalea Gail Nicole Smith, please proceed to the Deans office now." Ay Putek pinatawag ako. Shumay.
Lumabas naman agad ako ng classroom hanggang sa makarating na ako sa Deans office. Kumatok ako ng tatlong beses tsaka pumasok. "Good morning po." Bati ko.
"Good morning." Sinenyasan naman nya akong umupo. "Pinatawag kita kasi ikaw ang napili na maging exchange student sa Germany, with Mia Pearl Valencia. Ngayon bibigyan kita ng conract, pag isipan mo yan ng mabuti kasi plus points yan sa academics mo. Permahin mo nalang kung papayag ka." Bumilis naman ang tibok ng puso ko. Exchange student?
"I-lang araw po ba yan?"
"Siguro mga 7-10 months lang. " Da heck?! Maghihiwalay kami ni Drake tsaka sa mga barkada ko?
Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae. She must be Mia. "Hi po, Good morning." Bati nya. Maganda sya tsaka mukhang mabait.
"Okay, Gail meet Mia Pearl Valencia. Siya ang magiging kasama mo sa Germany." Napatango naman ako.
Academics, or Friends and boyfriend? Ano na? Ugh.. Nakakasakit ng ulo. Pagkatapos kaming interview-hin. Lumabas kami sabay ni Mia.
"Exchange student sa Germany? How sh^#.." Bulong ko.
"Gail, Sasama ka ba?" Tanong nya sakin habang nasa likod ko ang kamay nya.
"E-Ewan ko Mia.. Ayokong iwan ang mga kaibigan ko dito tsaka si Drake." Napahawak nalang ako sa masakit kong dibdib.
"Gail! " Napalingon kami sa tumawag sa pangalan ko. Ang XB11 pala wala si Ayla at Zoe si Yannie lang.
Lumapit naman sakin si Drake tsaka ako nyakap. "Anong ginagawa nyo dito sa harap ng Deans office?" Ayoko munang sabihin sakanya ang tungkol sa Germany. Ewan ko ba..
"W-Wala lang." I lied. Napansin kong nagbablush si Mia, si Aiden naman tahimik lang. There's something in here. Lunch na naman, pwede ko siguro isama si Mia. "Mia, sabay kanang kumain sa amin."
"A-ah? Ay.. w-wag na Gail. Nakakahiya naman. " Nahihiyang sagot nya.
"Sige na Mia." Yannie retorted. Tumango nalang si Mia tsaka sumabay sa amin sa canteen. Hindi parin makatingin si Mia kay Aiden si Aiden naman panay sulyap ng tingin kay Mia.
Pag upo namin sa table namin, naalala ko ang Germany. Naisipan kong mag bonding kami sa palawan, gusto ko silang makasama kung ano man ang disisyon ko. "Guys, Mag bonding kaya tayo sa palawan?" Sabi ko sakanila.
"Suree! Nice idea Gail! " Sabay sabay nilang sigaw. Gusto ko sila makasama na may memories. Nag volunteer na si Nathan at Alex naman ang mag order kaya kanya kanya naman naming bigay ang mga order namin.
Tiningnan ko ang mukha ni Drake. How I will miss this guy's face. Napangiti nalang ako ng maisip ko yun. "Stop staring me that makes me melt." Ay ang OA. XD
Napahinto ako sa pagtitig sakanya ng inilamos nya ang palad nya sa mukha ko tsaka hinalikan ako sa noo. "I love you." Bulong nya. Lagi nalang syang nag I-I Love you. Hihihi.
"I Love you too." Bulong ko pabalik sakanya.
"Hoy! Nasa pagkainan tayo wala sa ano.. I mean public 'to! " Sigaw naman sa amin ni Zoe. Ang bitter talaga ni Zoe kahit may Alex na. XD I wonder how they got together.
"Wag kang maiingit sakanila Panget. " Sabay akbay ni Alex kay Zoe. Ganyan yan eh! Wahaha!
"Chansing ka na sakin Hayop ha." Ngumiti lang si Zoe nasarapan naman. XD
"My loves, ba't ka nga pala nakaisip na mag bonding sa Palawan?" Drake. Naisip ko na naman ang Germany. Ano ba 'to?
"Wala lang gusto ko lang na mag bonding tayo magkasama. " Lumingon naman ako kay Mia. "Mia, sama ka sa bondin namin ha?" Tumango tango naman si Mia.
Maya-Maya lang ay dumating na sina Nathan with trays. Nilapag na nila ang dalawang Tray tsaka bumalik sa canteen. Walong Tray kasi ang nagamit sa dami namin.
May tatlong linggo nalang kami para mag desisyon sa Germany. Gusto kong sumama para sa academics pero ayokong iwan ang mga barkada ko dito.
Kung pwede lang sumama sila, TT_____TT Sana papayag sila sa Germany eh. Sana nga lang.. mamimiss ko 'tong mga 'to kapag umalis ako. Haha! Akala mo naman napermahan ko na ang consent.
BINABASA MO ANG
Season 1: The Gangsters and Me
RomanceGangsters may find their true love. But what if they don't like you?