[24] Jealous Punishment

11 1 0
                                    

Yannie's Pov

Pag-uwi namin sabi nga ni Nathan yung rule number 7. Amp! Pinagbuksan ako ni Nathan ng pintuan sa front seat tsaka sya pumasok sa drivers seat.

"Y-Yannie.." Tawag nya sakin kaya lumingon naman ako sakanya. Tinaas ko lang ang kilay ko. "Yannie.. Alam na ng XB11 tungkol sa atin. Sa bet na 'to." Nabigla naman ako sa sinabi nya. Ang XB11 alam na tungkol sa bet namin?!
"But Yannie.. Hindi pa naman alam ng mga kaibigan mo tungkol sa atin." Nag-alalang sabi nya.

Oo nga naman, di pa alam nila Gail tungkol sa amin. "Ba't nalaman nila? Sinong nagsabi?"

"Si.. Mark, nangangati kasi ang dila nya. Di mapigilang sabihin yun." Napabuntong hininga nalang ako. "Pero Yannis.. wag mong sabihin tungkol dito ha? "

"Ano yun?"

"Don't tell your friend.." Ano ba kasi yun? Naiirita na ako eh. "Daryl likes Ayla. Haha! Wag mong sabihin sa kaibigan mo." Dafuq?! Gusto ni Daryl si Ayla?! Aww~ maka react ako parang kilala ko yang Daryl eh pangalan lang naman ang alam ko hindi mukha =.=

"Sinong Daryl?" Nakakahiya..

"Eh? Di mo sya kilala?" Umiling iling lang ako tsaka nya kinuha ang iphone nya sa bulsa nya. May pinakita syang picture ng XB11 buo talaga sila. Sabay nyang itinuro ang mga mukha with their names. Now I know who are they.

"Oh.."

"Alam mo na?" Tumango naman ako tsaka nya ginulo ang buhok ko. "Kain muna tayo." Tumango nalang ako tsaka nya pinaandar ang kotse nya.

Huminto sya sa isang restaurant tsaka sabay kaming pumasok doon. Umupo kami sa empty table, pagkatapos ibinigay na ang mga order namin sa waiter. "Y-Yannie.. what if your friends found out about us?"

"Hmm? Depende.. Kung suporta sila, O hindi man." Nagkibit balikat lang ako.

"Ehem.." Napalingon kami sa umubo. Napalaki ang mga mata ko ng nakatayo si Gail sa harapan ng lamesa namin. Shomayyy~ Nagkatinginan kaming dalawa ni Nathan. Tumingin ulit ako kay Gail na nakataas ang isang kilay.

"G-Gail..." Napapikit sya tsaka ngumiti bigla na parang walang nangyari anyare? Bigla syang umupo sa tabi ko.

"I knew it guys! So you're dating? Or already.. " Pinutol nya ang sasabihin nya tsaka palipat lipat ang tingin nya sa amin ni Nathan. Ng bigla nalang syang tumawa ng nakakaloka. "I-- What's your name?" Tanong nya kay Nathan.

"Nathan, Gail."

"Ahh.. Okey, I support both of you but.." tingin kay Nathan. Umaygaad! Support sya sa amin.. pero.. di nya alam na bet lang pala lahat ng 'to. "Never hurt her.." Sabay ngiti nya kay Nathan. "Haha! Sinundan ko lang kayo dito. I need to go na. Byeee~" Kumaway na sya tsaka lumabas na ng restaurant.

"Support si Gail.. " Nginitian ko sya ng malungkot. Takot talaga ako baka masaktan ako.. dahil baka mahulog ako.. ugh.. pinagsasabi ko.

"Great." Ngumiti narin sya. Kahit ang layo pa ng 2 months. Parang nararamdaman ko na ang sakit.. Ano ba 'to?! Ugghhh! "Do you want to eat with us tomorrow? Para naman makilala mo sila."

"No. Nakakahiya, gusto ko sina Gail lang." sabay ngisi ko sakanya. Napatingin ako sakanya ng may katext. May pa ngisi ngisi pa. Amp! Bahala ka dyan. "Uy? Sino yan?"

"H-huh? Wala.." Patuloy parin sya sa paghahalungkat ng iphone nya.

Pupunta nalang ako ng cr pero hindi naman talaga babasahin ko lang sinong katext nya. "Cr lang ako." Di nya ako sinagot, tumayo nalang ako at naglakad na.

Pero sa totoo naman hindi naman talaga ako pupunta ng cr. Tumayo ako sa likuran ni Nathan at binasa ang text nya. Casey tangena sino yan?!

Agad kong pinalo ang braso nya. Kaya Napalingon naman sya sakin. "Gagu ka Nathan." Tumalikod na ako tsaka naglakad palayo. Napipikon ako! Sino yang Casey?!

"Yannie! Uy teka!" Tawag nya sakin. Dedma. Bahala sya dyan! Arg! Ba't ba ako nagagalit? Kaloka.

Naglakad lang ako at hindi sya pinapansin. "Bahala ka dyan.. pumunta ka dun kay Casey! Tangena.." Bulong ko.

Naramdaman ko namang may kamay sa beywang ko. Alam ko na kanino 'to eh. Kaya agad ko 'tong kinuha sa beywang ko tsaka inilayo. "Yannie naman.. selos ka ba?" Ako selos?! Norway!

"Asa ka! Hindi kaya! Kung masaya ka dun kay Casey edi pumunta ka. Pucha." Nilagay na naman nya ang kamay nya sa beywang ko tsaka ako hinila pabalik.

"Selos ka nuh?" Asar nya akong tinignan. Kaya pinalo ko sya sa braso.

"Sinabing hindi nga! Tumahimik ka nalang! Pumunga ka sa Casey na yun. Arrrrggg! " Hinila pa nya ako palapit sakanya. "Nathan naman! Bitaw muna!"

"Selos ka eh. "

"Oo na-- Ay hinde! HINDE! Hindi ako nagseselos! Basta bitaw nalang!" Tumawa naman sya ng nakakaloko.

"According to Rule number 6. " Tinignan nya ako ng nakaka asar. Naaasar talaga ako sa tingin na yan! "Kiss please~" Para syang bata! Basta ayoko!

"No! Basta bitaw na Nathan!" Pinalo palo ko pa sya sa chest nya. Pero ako lang ang nasaktan eh! "Nathan naman, Just let go. "

"Nope, Your jealous." Inirapan ko lang sya at napaiwas ng tingin.

"Then what's the punishment?"

***

Dinala ako ni Nathan sa isang cliff na makikita ang mga bahay at buildings sa baba. "Bakit mo 'ko dinala dito?"

"I want to be with you just for tonight." Napabilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nya. Totoo?

Nasa beywang ko parin ang kamay nya hindi nya kinukuha eh. "Let me explain who's Casey.." Bulong nya tsaka niya ako hinila palapit sakanya. He even push me gentle on the car. Pero wala syang ginawang something ha, niyakap nya lang ako.

Daig pa namin ang mag dyowa nito eh. XD "She's my cousin.. We were so close since childhood.. With Zico, Aiden, and Jake. Don't get jealous.." Naramdaman kong nakangiti sya ngayon. Waaaah! Pinsan lang pala nya kala ko kung ano na. "Ba't ka nagseselos?"

"Wala lang.. Siguro, ikaw ang palagi kong kasama kaya ganun." Isiniksik pa nya ang mukha nya sa leeg ko. Waaah! "Uy! Ang cheesy ko na Nathan! Daig pa natin ang mag dyowa eh."

"Kahit malayo pa ang 2 months.. Gagawa na tayo ng memories." Kinabahan tuloy ako.

"Amp! Nathan! Hindi naman 'to punishment eh! Ano ba kasi yun?" Inilayo nya ang mukha nya tsaka tumingin sa akin.

"Makalimutin ka naman. Kiss please?" Oo nga pala. Ugh! Ba't kiss pa?!

"Saan?" Tinuro nya ang lips nya. WTH. Lips?! "Ba't Lips?! Sa pisngi nalang! "

"Fine.." Inilingon nya ang mukha nya kaya nag tip-toe na ako para halikan sya sa pisngi. Pero nabigla ako ng inilingon nya ulit ang mukha nya, lips nya tuloy ang nahalikan ko. Kyyaaah! Waaah! Lips?!

"Kyaaah!! Nathan!! " Niyakap nya ulit ako habang tumatawa lang. "andaya mo!!" Waaah! Sya first kiss ko.. putek.

Season 1: The Gangsters and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon