ACCIDENTAL MEMBER
Ika-1 ng Marso taong 2017
Nalalapit na ang pagtatapos ng semester. At kaliwa't kanan na ang requirements sa school. Kabilaan ang projects at sunod-sunod na ang exams.
Dlare admit that it is a tough year for him. Kahit na freshmen pa lang sya ay nararamdaman na nya ang kalupitan ng college life. Bagama't nahihirapan ay masasabi nya na hindi talaga mabait ang buhay kolehiyo sa kahit sino."Dlare!" napalingon naman sya sa kung sino mang tumawag sa kanya. Hindi nya kilala ang pangalan nito kahit mismo ang last name ng kaklase nyang ito ay hindi nya alam. Isa lamang ang alam nya, kaklase nya ito at kagrupo nya ito.
"Ah, bakit?" tugon nya rito paglapit nito sa kanya.
"Ano, kailangan kasi natin magroupings mamaya. Sa cafeteria tayo magkikita-kita. Mga 8pm"
"Ah ganun ba? Ah sige pupunta na lang ako. Salamat sa pagsabi"
Ngumiti lang ito sa kanya at umalis na.Nagtaasan bigla ang kanyang mga balahibo. Napalingon sya sa paligid. Sigurado syang may nagmamasid sa kanya. At hindi ito isang tao.
Matapos ang pakikipag usap nya sa mga club members noong nakaraang buwan, ay bihira na syang makaramdam ng pangingilabot.
Ika-1 ng Marso 8pm
Sakto lamang sa oras ng pagkikita ang pagdating ni Dlare sa Cafeteria. Sya na lamang ang nakaupo doon at wala ng tao.
Kalimitan ay wala naman na talagang tao ng ganoong oras dahilang iba ang nasa klase pa ang karamihan naman ay umuwi na.
Halos mapatalon si Dlare ng may humawak sa kanyang mga balikat. Paglingon nya ay ang kaklase nya na nakasalubong nya kanina."Sorry, hindi ko alam na magugulatin ka pala" halata sa mukha nito ang pagpipigil ng tawa.
Tanging ngiti lang ang naiganti nya dito dahil sa hiya.
"Nasa chapel na ng school ang mga kaklase natin at hinihintay na tayo" deklara nito.
"ah sige"
Naglakad na sila papunta ng chapel. Nauuna ang kaklase nyang babae habang sya ay nakasunod lang dito.
Pagdating sa chapel. Madilim na at wala na syang nakikitang ibang tao bukod sa kanilang dalawa.
"ah excuse me, nasaan sila?" tanong nya sa kaklase nyang nananatiling nakatalikod sa kanya. Napatigil ito sa paglalakad naang magtanong sya kaya naman lubos na ang pagtataka sa kanyang mga mata.
"hey" untag nya ulit dito. Hindi pa rin ito humaharap sa kanya.
Kaya naman lumapit na sya rito at iniharap nya ito sa kanya.Muntik nang mapamura si Dlare sa nakita nya. Hindi ito ang kaklase nya! Isang nakakatakot at duguang mukha ang nakita nya.
Napaatras sya ngunit biglang sumara ang pintuan ng chapel. Sobrang kinakabahan na sya at hindi na nya malaman ang gagawin nya. Ito ang unang beses na naranasan nya ito.
Lalong bumilis ang tibok ng puso nya nang makitang nyang nakatitig ito sa kanyang mga mata. Tumawa ito. Tumawa ng isang nakakatakot na tawa.
Pumikit sya, kinakalma nya ang kanyang sarili hindi dapat syang magpanic, Isa lamang itong masamang espirito. Kayang-kaya nya ito.
Pagdilat nya ay patakbo na sa kanyang kinatatayuan ang multo. Sa pagkabigla ay hindi agad sya nakapagreact kaya naman nahampas sya nito ng mahahabang kuko.
Natumba sya at naramdaman sya ang paghapdi ng kanyang pisngi. Hindi nya ininda iyon at tumayo. Sinugod nya na ang multo at sinuntok ito sa mukha.
Napaatras ito at natumba. Muli nya sana itong lalapitan upang sipain nang may nauna na sakanya at sinaksak ang multo hangang sa naglaho na ito.
"Nice one Jisha"
Napalingon sya sa nagsalita sakanyang likuran. Nagtaka sya kung anong ginagawwa ng mga ito salugar na iyon.
"And good job sayo Dlare." lalong kumunot ang noo nya nang purihin sya ni Jayson.
"Anong ginagawa nyo rito?" tanong nya sa mga ito.
Oo lahat ng myembro ng Mystery Club ay naroon.
"Kami ang dapat na magtanong sa iyo nyan. Anong ginagwa mo rito?" halata ang pagkairita sa tono ng pananalita ni Jisha. Nilingon nya lamang ito.
"Jish, stop that" saway ni Jayson sa babae.
"Pero, hindi naman dapat talaga sya nandito, Except sya ang biktima ng multong ito"
"Exactly what you say Jish. Sya nga ang biktima" lumapad ang ngiti ni Jayson habang nanantili ang tingin sa kanya.
"yeah what ever" sabi ni Jisha at tumitirik ang mga mata.
"Ang cool, bagay nga syang maging member ng club natin Jayson" narinig nyang sainabi ni Eros. Lalong lumapad ang ngiti ni Jayson.
"You see Dlare, isa ito sa mga dahilan kung bakit gusto kitang maging club member namin."
"Dahil nalabanan ko ang multo?" nagtataka nyang tanong.
"oh, gosh I didn't expect that you're an idiot.oh well atleast now, I know" narinig nyang sabi ni Jisha.
"Yep, that's right Dlare, You have a potential to fight bad ghosts."nakangiti pa ring sabi ni Jayson.
"Ugh! I can't believe this. I'm outta here" nagmartsa na palabas si Jisha, na agad namang sinundan ni Cielo. Nanatili sa loob si Jayson, Eros at Dlare.
"So, it is a yes?" Tanong ni Eros.
Napayuko sya. Ayaw nya. Bagamat nalabanan nya ang multo ay hindi nya pa rin alam ang gusto kung sasama ba sya sa club ng mga ito."My answer is no." Sagot nya
"Pasensya na at ayoko talaga mainvolve sa mga Gawain nyo. This incident is nothing but an accident. Nagkataon lang siguro."
"Oh,I'm disappointed." Narinig nyang wika ni Jayson bagamat hindi naman ganito ang nais iparating nito sa tono ng pananalita nito. "Hindi ka na namin pipilitin pa Dlare, since nagdecision ka na, But remember kung magbabago man ang isip mo ay hand aka pa rin naming tanggapin." Iyon lang tumalikod na ito sakanya gayun din ang ginawa ni Eros at naglakad na ang dalawa palabas ng chapel.
BINABASA MO ANG
Three Centuries Afar
RandomDlare is an ordinary student until he met this not so ordinary girl. Then he met this weird members of this weird club. His life changes after he witness this unfortunate event and feel this uninvited feelings. R-16 po ito. Sa kadahilanang may mg...