Ika-4 ng Hunyo taon 1780
Nagwakas na ang tag-init at nagsisimula na ang pag ulan. Nakadungaw lamang ako sa may bukas na pintuan ng Simbahan. Alas-diyes na ng umaga at malapit ng magsimula ang misa ni Padre Cristobal. Hindi ko magawang tignan ang aking katabi. Ngayong araw ang nakatakdang pagluwas ni Mikael papuntang maynila dahil siya ay nag-aaral roon. Ayokong tignan siya. Dahil ayaw kong bigyan siya ng maling pag-asa. Pansin ko rin ang pagdungaw ni Isabel sa kaniya.
"Senyorita, Hindi mo man lang ba pag-tutuunan ng pansin ang Ginoo? Ito na ang Huling araw niya sa ating bayan. Isipin mo na lamang ang kaniyang mararamdamang lungkot dahil hindi mo man lang siya matuunan ng pansin sa huling pagkikita niyo." Bulong ni Isabel sa'kin na katabi ko rin. Humugot lamang ako ng malalim na hininga. Hindi ko alam kung bakit niya ba ako pinipilit na pansinin si Mikael gayong alam ko naman na siya ang may pagtingin sa Ginoong katabi ko.
Tumayo akong bigla na siyang kinagulat nila Ama at Ina na kahilera rin namin.
"Aryia, saan ka magtutungo?" Ani ni Ina."Nais ko lamang magtungo sa palikuran habang hindi pa nagsisimula ang misa." mahina kong tugon. "Isabel, samahan mo ako" Ani ko kay Isabel. Tumayo na rin siya agad. Ngunit bago pa namin sila lisanin ay muling nagsalita si Ina.
"Inyong bilisan dahil anumang oras ay magsisimula na ang misa" Tumango lamang ako sa kaniya at naglakad na palabas. Nasa likuran kasi ng simbahan ang palikuran nito.
Ngunit hindi ako dumiretso sa palikuran, bagkus ay nagtungo ako sa Plaza, at tinatahak ang daan patungo sa Lawa.
"Senyorita! Wika niyo po'y kayo ay magtutungo sa palikuran? Hindi po rito ang daan papunta sa palikuran" Ani ni Isabel na pumipilit na habulin ang aking paglalakad. Tumigil ako sa paglalakad at siya'y nilingon.
"Siyang tunay. Ako nga ay magtutungo sa palikuran, ngunit hindi ko naman nabanggit kina Ina kung saang palikuran iyon" Ani ko sa kaniya at ngumiti bago muling naglakad.
"Napakapilya niyo ho talaga Senyorita" Ani ni Isabel. Muli ko siyang nilingon na ngayon ay kasabay ko na sa paglalakad.
"Aryia ang itawag mo sakin Isabel, kaibigan kita hindi ba?" Ani ko sa kaniya. NIlingon lang niya ako at ngumiti. Sabay kaming naglakad patungo sa may lawa.
"Hindi ho talaga kumukupas ang ganda ng tanawin rito sa lawa" ani ni Isabel. Napatingin ako sa kaniya. Nakangiti siya ng malaki.
"Oo isabel, hindi kumukupas ang tanawin rito. Hindi sa kalayuan ay makakakita ka ng iba pang bundok. Tila napapaligiran tayo ng mga bulubunduking ito. At nasa gitna nito ang Lawa ng Laguna." Pagsang-ayon ko sa kaniya.
Patuloy kami sa pagsulyap sa napaka gandang tanawin rito sa lawa. Mariin akong pumikit at dinama ang hangin na banayad na humahampas sa aking buong katawan.
"Aryia" Narinig ko na pagtawag sa akin ni Isabel.
"Hmm?" Iyon lamang ang tugon ko sa kaniya.
"Nais ko lamang malaman kung tunay nga bang wala kang pagtingin kay Ginoong Mikael?" Narinig kong tanong niya "Kahit sa panahong ito? Wala pa rin ba siyang puwang sa iyong puso?" Dugtong pa niya. Nagmulat ako at nilingon siya.
"Oo. Tunay na wala siyang puwang sa aking puso. Dahil alam kong may pagtingin ka sa kaniya Isabel. Sa mga bawat pagsulyap mo sa kaniya tuwing siya ay nasa mansyon ay kitang-kita ko ang kakaibang kinang sa iyong mga mata. Hindi man ako maalam sa mga bagay-bagay tulad ng pag-ibig, ngunit batid ko na ang kislap sa iyong mata ay siyang nakikita kong kislap sa mga mata ng nila Ama't Ina tuwing sila ay magkasama noon pa man." Halatang nagulat siya sa aking mga tinuran. Ngunit ako'y nagpatuloy pa rin sa pagsasalita "marahil iyon rin ang dahilan kung bakit hindi ko siya magawang magustuhan dahil mas mahal kita bilang aking kaibigan at ayoko na ika'y saktan"
"Ngunit, kahit pa man ako'y umiibig sa Ginoo, kayo pa rin ang nakatakdang magpakasal at hindi rin naman mabibigyang pansin ng Ginoo ang aking nararamdaman ukol sa kaniya."Nakayuko ito habang binibigkas ang mga salitan iyon. Batid ko sa kaniyang pananalita na malungkot siya. "Batid ko rin na ikaw ang tunay niyang nais at minamahal. Ako'y magiging masaya na rin na siya'y mapasa iyo. Alam kong nasa mabuting tao ang kaniyang kinabukasan" pagpapatuloy niya.
Awa at lungkot ang nadarama ko sa mga salitang iyon ni Isabel. Tila napupunit ang aking puso habang nakikita ang aking kaisa-isang kaibigan na nasasaktan ng ganito dahil sa akin.
Humarap ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang dalwang kamay.
"Napaka daya ng tadhana. Hindi ito patas. Kung sino ang siyang nagmamahal ng lubos ay siya pang hindi kayang mahalin pabalik. Hindi ko ibig na pakasalan ni Mikael kung masasaktan ka lamang ng ganito Isabel." Ani ko sa kaniya. Ngumiti lamang siya ng malungkot.
"Salamat Aryia. Napakabuti mong kaibigan. Huwag kang mag-alala at makakalimutan ko rin ang pag-ibig ko sa kaniya. Di magtatagal ay hindi ko na siya mamahalin pa" Ani niya. Nakangiti siya ngunit malungkot ang kaniyang mga mata.
Hindi ko kayang masaktan ang aking kaibigan dahil sa estupidong kasunduan nila ama. Kailangan kong gumawa ng paraan upang matigil ang aming pag-iisang dibdib. Marami-rami pa naman akong oras bago ang magaganap na kasal.
"Hindi Isabel, Pipigilan natin ang magaganap na kasal" Ani ko sa kaniya.
"Pipigilan? Natin?!" Naguguluhan niyang tanong.
"Oo. Tutulungan mo ako. Maaring maraming paraan upang matigil ang kasal na iyon. At tuluyan mo ng maipadama kay Ginoong Mikael ang iyong nadarama. Paglalapitin ko kayong dalawa." Nakangiti kong wika sa kaniya. Samantalang siya ay tila naguguluhan pa rin.
"Hindi ko po maintindihan ang inyong ibig-sabihin." Wika ni Isabel na tila naguguluhan pa rin sa mga sinasabi ko.
"Isabel, ang ibig ko lamang sabihin ay gagawa tayong dalawa ng paraan upang mapalapit sa iyo si Mikael. Sabi niya sa akin ang magsusulat siya sa akin at bibisita sa mga araw na wala siyang pasok. Doon tayo gagawa ng paraan upang kayo ay mapalapit."
"Ngunit Aryia, Hindi ko nais na mapilitan lamang siya sa akin. Mas kaaya-aya pa rin na siya'y magkaroon ng pagtingin sa akin ayon sa kaniyang kagustuhan" Sni ni Isabel.
"Wag kang mag-alala Isabel, Ako na ang bahala sa iyo. Ako ang mag iisip ng paraan upang mapalapit siya sa iyo. Magtiwala ka sa akin" wika ko sa kaniya at tiniyak na hindi na siya mag-aalinlangan. "Tayo ng bumalik sa mansyon" ani ko at nagsimula ng tahakin ang daan patungong mansyon.
"Ngunit hindi na ba tayo babalik sa simbahan? Marahil tayo ay hinihintay na ng inyong Ama at Ina" Ani ni Isabel.
Napatigil ako sa paglalakad. Naku! Lagot! Nakalimutan ko na nga ang tungkol doon. Nilingon ko na lang si Isabel at ngumiti sa kaniya bago pa nagsalita.
"Ayos lang iyon. Sasabihin ko na lamang na sumama ang aking pakiramdam kaya umuwi na tayo. Isa pa sarado na rin ang simbahan dahil marahil nagsimula na ang misa"
~~
"Pero hindi naman natin alam kung saan siya hahagilapin" Ani ni Dlare sa mga kasama. Napalingon ang mga ito sa kaniya.
"Tama si Dlare. Wala tayong clue rito" Sang-ayon ni JIsha sa kaniya.
"Marami pa sigurong paraan upang mahanap natin siya mga Ginoo at Binibini." Ani ni Isabel sa kanila. Tinignan lamang nila ang dalaga. Wala siguro itong idea sa mga paraan na ginamit nila upang mahanap lang si Luis.
BINABASA MO ANG
Three Centuries Afar
RandomDlare is an ordinary student until he met this not so ordinary girl. Then he met this weird members of this weird club. His life changes after he witness this unfortunate event and feel this uninvited feelings. R-16 po ito. Sa kadahilanang may mg...