KABANATA XVIII

59 3 0
                                    

Nobya

Hapon na umuwi ang magkakaibigan. Napagdesisyunan kasi nila na lubusin na. Hindi rin naman kasi sila naubusan ng mga kwento. Nagtricycle na sila pababa dahil baka abutin na ng dilim kung maghahagdan pa sila.

One message received

DAREN

Kuya, Kuya DJ is here. With her gf. Bilisan nyo na daw umuwi sabi ni Mama.

Nang mabasa nya iyon at sakto namang paghinto ng tricycle na sinasakyan nila sa tapat ng gate ng mansyon.

"Ugh. Parang ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Ang sakit ng binti ko" narinig nyang pagrereklamo ni Eros.

"Me too. Hay."si Jisha naman ang nagreklamo. Natawa lang sya sa dalawa. Maging sya rin kasi ay napagod.

"Sige na pumasok na tayo para makapagpahinga" sabi ni Jayson.

Naglakad na sila papasok. Sa ilang sandali pa ay sinalubong na sila ng Mama nya.

"Anak nandyan na kuya mo. Ang ganda ng girlpren nya."

Natawa lang sya sa sinabi ng mama nya.

Diretso silang pumasok sa loob hanggang makarating sa sala.


Natigilan syang bigla. Tila naistatwa sya sa kinatatayuan nya. Naramdaman nyang napatigil din ang mga kasama nya. Hindi nya iyon pinansin dahil hindi sya makapaniwala sa nakikita nya.

"Oh. Dlare nandyan na pala kayo. Sya nga pala. Si Des girlfriend ko" pakilala ng kanyang kuya.

Odessa Villarante. Bakit ka nandito?

Hindi nya maisatinig ang nasa isip nya. Di pa rin napuputol ang titigan nila ng babaeng nasa harapan nya.

"Hi. I'm Odessa. Des for short" sabi nito at naglahad ng kamay.

Napalunok sya at pinagpapawisan ng malamig.

Ang babaeng iyon ay ang nagtangkang pumatay sa kanya sa kubo. Paanong nangyari na girl friend ito ng kuya nya?

Inabot nya ang kamay nya. Pero sobrang saglit lang nagdampi ang kanilang mga palad dahil binawi din nya agad.

"A-ah m-mga kaibigan ko" napatikhim sya dahil nauutal sya.
Pull youself together Dlare. Nasa teritoryo mo sya.

"Nandito sila para magbakasyon" simpleng sabi nya. Nagpakilala naman ang mga ito isa-isa at nakipag shale hands.

"Ah sige akyat na kami. Napagod kasi kami. Tawagin nyo na lang kami pag kakain na"sambit nya at umakyat na sa hagdanan at hindi na hinintay pa ang tugon ng mga ito.

Mabilis ang pagtibok ng puso nya dahil sa kaba. Nasa kalagitnaan pa lang sya ng hagdan ng mmay tumapik sa balikat nya.

"May meeting tayo sa kwarto ko" sambit ni Jayson ng lumingon sya rito. Tumango lang sya at lahat sila ay dumiretso sa kwarto ni Jayson

Nang makapasok sila, ang lahat ay nakatingin lang sa kanya. Huminga sya ng malalim bago magsalita.

"Yes, I will confirm it. Sya nga ang babaeng nakita ko sa kubo noon. Sya yung babaeng nagtangka sa buhay ko"

"Dlare, honestly may iba akong naramdaman sa aura nya kanina ng makita ko sya. I don't really know na sya pala yung tinutukoy mong babae. Pero something is off about her" wika ni Jisha.

"Yeah. I feel it too kanina. Tingin ko ay may iba syang pakay dito sa inyo"si Ciel naman iyon.

"Well. We need to be careful lalo ka na Dlare. Dahil tingin ko ay ikaw pa rin ang pakay nya" sabi ni Jayson.

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon