KABANATA XXV

47 4 0
                                    

Kyle

Isang madilim na panaginip ang kanilang pinasukan mula sa portal.

"Maging alerto kayo." Kahit hindi niya nakikita kung sino ang nagsasalita dahil nag aadjust pa rin ang kanyang mata sa dilim,at alam niyang si Jayson iyon.

Iwinasiwas niya ang lace na dala at naging espada ito.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!"

Unti-unti niya nang nakita ang kanyang mga kasama. Mukhang nakapag-adjust na ang kanyang mga mata sa dilim .

Naramdaman niya na mas naging alerto ang kanyang mga kasama dahil sa sigaw na kanilang narinig.

"Tulooooooooong!"

"Walang hihiwalay!" Narinig niyang sigaw ni Jayson

Ngayong naaninag na niya kahit papano ang mga kasama ay sumunod lang siya rito.

May isang lumitaw na liwanag kung saan nila nakitang nakahiga si Fred.

Agad nilang nilapitan si Fred. Wala itong malay.

"Kailangan natin siyang gisingin dito sa kanyang panaginip kung hindi ay aalis ang kaluluwa nya sa kanyang katawan." Madiin na sabi ni Ciel.

Niyugyog ni Eros si Fred.

"Hahahahahahaha! Mamamatay na sya! Hindi na sya magigising" isang nakakatakot na dagundong ng boses ang kanilang narinig.

Mas naging alerto sila habang ipinagpatuloy ni Ciel ang paggising kay Fred.

"Sino kayo? Mga pakialamero! Hadlang kayo sa paghihiganti ko!"
Umalinggawngaw iyon sa buong paligid. Hindi pa rin nila makita ang kanilang target na si Kyle.

Pumikit si Dlare. Pinakiramdaman niya ang paligid. Kailangan niyang malaman kung nasaang eksaktong lugar ang kanilang kinakalaban. Hawak ang kanyang espada, ay nanatili siyang alerto kahit pa nakapikit.

Napapanuod niya lang sa mga pelikula ang eksenang kanyang ginagawa. Di niya akalain na makakaulong ito sa kanya ngayon.

Ang multo na kanilang kinakalaban ay nasa garapan lamang nila. Gumagawa lamang ito ng ilusyon na galing sa malayo ang pinaggalingan ng boses.

Ikinumpas niya ang kanyang espada na siyang direktang tumama sa multo na kaharap nila ni Jayson.

Isang nakakarinding tunog ang kanilang narinig matapos niyang gawin iyon. Napaluhod siya dahil doon
Ngunit hindi din nagtagal nawala rin iyon at namulat siya sa isang malaking kwarto na kulay puti ang lahat ng ding-ding at walang bintana ang kinaroroonan nila.

"Gising na ang Ginoo" wika iyon ni Isabel. Napalingon silang lahat kay Fred. Gising na nga ito. Ngunit isang hindi nila inaasahan na bagay ang mabubungaran nila rito.

"Bakit ka lumuluha Ginoo?" Malamyos na tinig ng nagtanong na si Isabel.

Oo. Maski siya ay nagugulat kung bakit ba umiiyak ito.

"Kasalanan ko ang lahat. Hindi ko sinabi sa inyo ngunit nandoon ako noong pinatay siya." Deklara ni Fred.
Nagulat sabay na nagkatinginan silang lahat sa sinabi nito.

"Hindi totoong nabangungot sya. Namatay siya dahil nasuffocate sya ng kasamahan niyang sundalo. At napadaan ako noon sa dorm nila ng makita ko ang nangyari. Pero hindi ako nagsalita dahil natatakot ako. Natakot ako na baka ako naman ang isunod ng mga kasamahan niya." Patuloy lamang ang pagluha nito habang isinasalaysay ang nangyari.

Wala naman ni isa sa kanila na magtangka na magsalita. Marahil ay katulad niya ay nirerespeto ito ng mga kasama.

"Kailangan na nating bumalik" deklara ni Ciel.

Sang ayon naman ang lahat. Kaya naman bumalik na sila mula sa paglalakbay sa panaginip.

~

Tahimik at mapayapang araw ang mga sumunod na araw para sa mystery club. Ni walang kaso silang naeencounter.

Naghahanap pa rin sila ng mga clue patungkol sa pagkawala ni Aryia.

"Another unsuccessful day." Napabuntong hiningang sabi ni Eros.

"Marami pa naman tayong araw." Deklara naman iyon ni Jayson.

Minsan ay napapaisip nalang talaga si Dlare kung napipilitan lang ba talaga ang mga kasama niya na tulungan siya sa paghahanap kay Aryia.

Hindi pa rin naman nila makwestiyon ang Girlfriend ng kuya niya na si Odessa. Wala pa ring malay ang kanyang Instructor. Kasabay ng pagkawala ng kaluluwa ni Aryia ay ang siyang pagkawalan ng malay nito at hindi pa rin ito gumigising. Maging siya nagtataka na. Nagpatulong na rin siya kay Ciel na alamin ang dahilan ng pagkawalan ng malay nito. Hindi kasi siya naniniwala na nagkataon lang ito.

"Ciel may balita na ba tungkol sa pabor na hiningi ko sayo?" Untag niya sa kanyang kamyembro.

"Ginoo. Nagpapahinga si Binibining Cielo sa loob ng katawang ito."tugon nito na halata namang kaluluea ni Isabel ang kumausap sa kanya.

"Ah, sige maraming salamat." Tugon niya at pilit na ngumiti.

"Walang anuman Ginoo. Ngunit ayos lang ho ba kung magtatanong ako sa iyo?" Tugon nito.

Wala na sana siyang balak tugunin ang tanong nito ngunit naalala niyang kaibigan ito ni Aryia kaya naman kahit pa gusto niyang magisip ng mabuti tungkol sa pagkawala ni Aryia ay pinagtuunan na niya ng pansin ito. Nilingon na niya ito bilang pagtugon na tanong nito.

"Ano ang iyong koneksyon kay señorita Aryia? Sa aking pagkakatanda ay si Ginoong Mikael lamang ang kaibigan niyang lalaki."

Nagulat siya ng bahagya sa tanong nito ngunit ang pangalang binanggit nito ang siyang biglang nagpabagabag sa kaniya.

"Sabihin na nating naging magkaibigan kami" tipid niyang sagot.
Napakunot ng noo ang dalaga ngunit hindi na ito nagsalita pa.

"Ako na man ang may tanong sa iyo, bininini...."
Napatingin ito sa kanya na siyang kinuha niyang tugon.

"Sino si Ginoong Mikael?" Tanong niya sa dalaga.

"Siya ang kaibigan at ang siyang nakatakdang mapapangasawa ni Señorita Isabel. Ngunit hindi natuloy ang kasal dahil sa pagkamatay ni Señorita." Tugon nito.
Tumango lamang siya at hindi na umimik.

Hindi niya alam kung bakit pero naging curious siya sa Ginoongb sinasabi nito.

"Isabel bakit naalala mo ang bagay na ito? Samantalang ang Binibining Aryia ay hindi?" Firekta niyang tanong mula rito.

Sa kanyang pagkakatanda ay wala ang mga mga ala-ala ni Aryia. At base rin sa dalaga na hindi na niya mismo maalala pa ang kanyang nakaraan.

"Hindi ko alam Ginoo. Basta kung ano lamang ang pumasok sa isip ko ay siyang sinasabi ko. Hindi ko alam kung ala-ala ba ito o gawa-gawa lamang ng isip ko."

Tumango na lamang siya rito at hindi na nagtanong pa.

Base sa mga sinabi nito, ay mulhang naguguluhan ang mga katulad nito kung ala-ala ba ang nasa utak nila oh kathang isip lamang nila.

Malaking posibilidad na ganoon rin si Aryia. Ngunit bakit sinasabi nito na wala itong naaalala?. May mga panahon din na bigla itong nakaka-alala ngunit nagbreakdown ito kagaya ng nangyari bago ito maglaho.

Nakuyom niya ang kanyang kamay. Kailangan na niya talagang iligtas si Aryia at tulungan ito. Walang katiyakan kung nasaan ito dahil, isa na lamang itong kaluluwa at maaring maglaho na ng tuluyan.

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon