KABANATA XXXI

36 3 0
                                    

Ilang araw na ang mga nakalipas mula ng mapasa kamay ni Dlare ang Libro. Hindi niya pa rin iyon binabasa. Hindi niya kasi alam kung susuwayin niya ang babala na nabasa niya sa mga unang pahina ng libro.

Nasa bag niya lang ang libro na iyon habang papunta sa kaniyang klase.

"Dlare!" Napalingon siya sa tumawag sa kaniya. Si Jayson pala.

"O, Jayson ikaw pala."

"Hindi ka na napapadaan sa clubroom ah." sabi nito.

Nginitian niya na lang ito.

"Medyo busy kasi ako"

"Anong meron sa bag mo?"

Napatigil siya sa binanggit ni Jayson

"And Don't try to deny it" Nakakalokong tingin ang binigay sa kaniya ni Jayson.

Napabuntong hininga lang siya. Alam niya naman na sa umpisa pa lang ay hindi na niya maitatago kila Jayson ang sikreto na ito. Mukhang malakas ang enerhiya ang nangagaling sa librong meron ako.

"Pumunta ka na sa clubroom hinahanap ni Ciel" Nagtaka naman siya. Hindi niya mawari kung anong kailangan sa kaniya ni Ciel.

Sabay silang nagpunta ni Jayson sa clubroom.

Napatingin sa kanila si Eros, Ciel at Jisha. Agad siyang nilapitan ni Ciel.

"Akin na ang librong nasa bag mo"wika nito sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito sa kaniya. Paanong nalaman nito ang tungkol sa librong natagpuan niya sa mansyon.

"Alam ko ang tungkol sa libro na iyan Dlare. And trust me ako lang ang makakagamit ng librong iyan."

Hindi alam ni Dlare ang sasabihin at gagawin kaya naman agad niya itong dinukot sa bag niya at binigay kay Ciel ang Libro.

"Isa itong Spell book. Ang pinaka matandang spellbook sa buong mundo. At dalawang kopya lang ang meron nito sa buong mundo" Sabi ni Ciel.

Spellbook?

"Pero espanyol ang nakasulat diyan" Sabi niya rito.

"Mukha lamang siyang isang ordinaryong libro kung babasahin ngunit hindi." Inilapag ni Ciel ang libro sa lamesa at bumigkas ng chant na hindi niya maintindihan. Nagliwanag ang libro mula sa loob.

Binuksan ito ni Ciel at isang di pamilyar na mga sulat ang meron doon.

"Nakakamangha ito!" Puno ng excitement na sinabi ni Ciel.

"May itatanong lang ako Ciel" Kuha niya rito ng atensyon.

"Ano iyon?"

"Bakit dalawang kopya lamang ang meron niyan?"

Sabay-sabay ding napatingin kay Ciel ang iba pa nilang kasama. Mukhang nacurious rin ang mga ito.

"Hindi ko alam. Pero marahil ay dahil makapangyarihan ito. Isa itong mapagbalat kayong libro. Mukha lamang itong tipikal na libro. Tanging mga nakaka-alam lang ng enchant nito ang magpapakita ng totong kulay ng librong ito." Paliwanag ni Ciel.

"Okay. Buti na lang nasa museum na ang isang kopya niyan. Hindi na mapupunta ito sa masasamang kamay" Wika niya. Hindi niya akalain na napaka makapangyarihang libro pala nito.

"Saan mo nga pala nakuha itong libro na ito?" Tanong ni Ciel sa kaniya.

"Sa mansyon" Sagot niya.

Napatunganga ang mga kasama niya sa kaniya.

"Hanep din iyang mansyon niyo ah. Ang daming kakaibang gamit. May multo at may spellbook" Wika ni Eros.

Agad naman itong siniko ni Jayson.

"Ay Sorry Dlare" wika ulit ni Eros.

Napangiti lang siya upang hindi siya magmukhang offended. Muli niya tuloy naalala si Aryia.

~~

A/N: Hi.This is really a short chapter. Pero kasama pa rin ito sa story. Special chapter lang pero nagmamatter pa rin sa story. 

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon