KABANATA III

151 3 0
                                    

THE MYSTERY CLUB AND ITS MEMBERS

IKA-12 ng Pebrero taong 2017

Puno ng decorationg puso ang buong campus nila dahil sa nalalapit na araw ng mga puso. Punong-puno ng kasiglaan ang buong kampus. Kaliwa't kanan ang mga couple na konting gestures na lang ay dudumugin nang langgam ang buong campus nila.

Sa lalim ng pag iisip ay may nabunggo syang isang estudyante nang hindi nya napapansin. Nagbagsakan ang mga dala nitong libro na agad naman syang nagsquat upang tulungan ang kanyang nabangga.

"The Excorcism" Mahinang sambit nya ng basahin nya ang libro na nadampot nya. Agad din naman itong nawala sa kanyang paningin sapagkat may kung sinong kumuha dito. Pag angat nya ng tingin ay isang babaeng naka nerd glasses. Agad itong tumayo kaya naman tumayo na rin sya.

"Sorry"
Nagkatinginan sila dahil sabay silang nagsalita.

"Okay lang" sambit ng babae. At agad sya nitong nilagpasan.

Ngunit muli nyang narinig na nagsalita ito.

"Hindi kita kilala, pero sana mag iingat ka" iyon lang at narinig na nya ang yabag nito palayo.

Nanlaki ang mata ni Dlare sa mga binanggit nito. Hindi nya alam kung bakit nakaramdam sya ng kaba sa mga sinambit nitong babala. Hindi na nya maalala ngunit sa kanyang pagkakaalam, hindi ito ang unang beses na may nagsabi sa kanya ng salitang iyon. Hindi nya alam kung bakit paweird ng paweird ang kanyang pakiramdam tuwing naririnig nya ang salitang "Mag iingat ka". Nagkibit balikat na lamang sya at hindi na pinansin ang sinabi ng babae.


Isang hikab ng pinakawalan ni Dlare nang matapos ang subject nilang management. Nag-inat sya ng konti para mawala ang kanyang antok.

"Hi Dlare"

Napalingon sya sa nagsalita.

"Jayson?" Nakakunot noo nyang tugon. Napangiti naman ang lalaki.

"Natutuwa ako at naalala mo pa ako."

Nginitian na lang din nya ito. Jayson sure is friendly. Meron din naman syang mga kaibigan sa campus nila ngunit tuwing may gagawin lang silang school stuff ang mga ito nakakasama. Itong si Jayson lang ang nakilala nyang palaging nakangiti.

"Ah, kamusta na ? halos isang buwan din mula noong huli tayong nagusap"

Oo nga ehh iyon din ang unang nakilala kita.

"Ahh Oo mukhang naging busy ka."

"Ah yeah. You know, hindi rin kasi madaling mamahala ng isang club na may mga weird na members" Hindi na napigilang matawa ni Dlare sa sinabi ni Jayson.

Hindi na rin sya nagtaka kung mayroong ganoong responsibilidad si Jayson, base sa kilos nito ay isa itong responsableng tao.

"Mukhang madaming activities ang club nyo."

"Ah yeah, something like that. sige mauna na ako sayo. Madami pang gagawin sa Org namin."tumango na lang si Dlare sa sinabi ng binata.

"At Mag iingat ka lagi Dlare"
Sinambit na naman nito ang mga katagang nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam.

Pakiramdam na may kung anong masamang nangyayari. Tinalikuran na sya nito at nagsimula nang maglakad noong magsalita sya.

"Weird. Ikaw na ang pangatlong tao na nagsabi sa akin nyan ngayong araw na ito" Yeah. Lagi kasi sang sinasabihan ng kanyang landlord na mag iingat sya.

Mukhang nakuha nya ang atensyon ng Binata kaya muli sya nitong hinarap ng nakangiti.

"Ows?" napatingin sya rito. Kakaiba ang kislap ang nakikita nya sa mga mata ni Jayson na parang nakakita ito ng isang treasure box na naglalaman ng maraming ginto.

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon