KABANATA XXXII

41 3 0
                                    

Conclude

Sabado, Nasa kaniyang dorm lang si Dlare at tahimik na nag-iisip. Nasa harapan niya ang notebook na ibinigay sa kaniya ng matanda. Binasa niya pa lang nag mga unang pahina nito. Napagtanto niyang diary ito ni Aryia.

Ika-30 ng Nobyembre taong 1779

Muling dumalaw ang pamilya nila Mikael rito sa aming mansyon. Nakakatuwa at may makakausap na naman ako. Hindi ko nga lang mawari kung bakit palagi na lamang narito ang pamilya ni Mikael dito sa aming tahanan.

Mabuti na nga lang din at palagi ko ring kasama si Isabel. Tila wari kongnahihiya si Isabel sa pamilya Delos Reyes dahil palagi na lamang siyang tahimik pag nandito ang pamilya Delos Reyes.

Masaya namang Kausap si Mikael. Natutuwa ako sa mga Kwento niya sa akin ng mga karanasan niya noong nag aaral pa siya sa Espaniya.

Mabuti pa siya ay pinag-aaral sa Espaniya. Nais ko rin sana na mag-aral ngunit hindi daw akademiko ang dapat pinag aaralan ng mga dalaga kung hindi kung paano maging mabuting may bahay.

Ang wika ni Isabel sa akin, ay ako'y napaka palad dahil tinuruan ako ng mga madre. Bagamat hindi ako pinag-aral ng kolehiyo ngunit ako'y may sapat ng kaalaman upang hindi maging mang-mang katulad niya. Nalulungkot ako para sa aking kaibigan na si Isabel. Panalangin ko ay makapag-aral rin siya.

-Aryia

Nagulat siya sa kaniyang nabasa. Tagalog ang mga salita rito. Hindi ka tulad sa unang Entry nito na purong espanyol. Mabuti na lamang at tagalog ang Entry dahil igogoogle translate na naman niya ito upang maintindihan.

Patuloy niyang babasahin sana ang diary ng marinig niyang tumunog ang kaniyang phone.

"Hello?"

"Dlare. May klase ka ba ngayon?" Tanong ni Eros. Ito ang tumawag sa kaniya.

"Wala. Wala akong klase ngayon. Bakit?"

"Ahm pwede ba tayo magkita? May mahalaga lang akong sasabihin sa iyo" Wika nito sa kabilang linya.

Nagtaka naman siya sa sinabi nito.

"Ahm. Sige. San tayo magkikita?"

"Text ko na lang sayo ang location."

"Sige" Iyon lang at binaba na nila ang tawag.

Bago pa makapasok si Dlare sa pintuan ng sikat na cafe dito sa SM ay nakita na niyang kung saan nakaupo si Eros. Agad naman siyang dumiretso sa kinaroroonan nito.

"Ano yung sasabihin mo?" Tanong niya agad rito pagka upo.

"Ah bago iyon, umorder ka muna. Nakaorder na kasi ako." Sabi nito. Kaya naman lumapit siya sa counter at nag order lang ng Latte.

Agad namang siyang umupo ng makuha na niya ang order niya.

"May nasesense akong mali sa kaso natin" Bungad nito sa kaniya pag-upo niya. Agad namang napakunot-noo siya sa sinabi nito sa kaniya.

"What do you mean?" Agad niyang tanong dito.

"It seems like, Merong isang tao nagmamanipulate sa lahat ng dapat nating gawin. Yung kay Aryia, Odessa, Angela at Allia. Parang magkakarugtong lang ang lahat sa kanila."

"Napansin ko nga rin iyon" Pagsang-ayon niya rito.

Halos lahat ng mga sumunod na kaso nila bago pa man at pagtapos ng pagkawala ni Aryia.

"May mga bagay tayong nakakaligtaan sa lahat ng ito." Wika nito

"Bakit sakin mo lang sinasabi ito?" Tanong niya.

"Hindi ko kasi alam kung ako lang ba ang nakakapansin nito. Kaya sinure ko muna kung napapansin mo rin ba?"

Nanatili lang siyang nakatitig sa Latte na inorder niya.

Pinilit niyang pinagkokonekta ang lahat sa kaniyang isipan.

~~

Dalawang araw na ng mag-usap sila ni Eros. Marami pa silang napag-usapan tungkol sa mga napapansin nila sa mga kasong hinahawakan nila.

Hindi tuloy siya makapag-concentrate sa klase. Iniisip niya rin ang diary ni Aryia. At kung sino ba ang matandang nagbigay non sa kaniya.

Dapat pala pinakita ko ang notebook kay aryia upang naka-alala siya. Napabuntong hininga na lang siya sa naisip niya.

Bakit nga ba kasi hindi man lang niya naisip na ipakita kay Aryia ang notebook na iyon bago pa ito mawala? Kung naipakita niya siguro iyon ay mag naalala na ang dalaga.

Though hindi ko pa naman alam na Diary niya pala yon. Hay ano ba yan

Napabuntong hininga na lang ulit siya.

Tama na ang pagsisi mo sa sarili mo. Wala ka naman na din magagawa.

Nang matapos ang kaniyang klase ay agad siyang nagpunta sa clubroom.

Tawanan ang naabutan niya sa Clubroom. Naglalaro ng Snake and Ladder sina Eros, Jisha at Ciel. Ngunit sa paraan ng pagtawa nito, mukhang si Isabel ang kalaro nila.

"Oh Ginoo nariyan ka na pala. Halika't sumali ka sa aming laro. Tunay na nakakatuwa ito" Pagyaya sa kaniya ni Isabel na nasa katawan ni Ciel.

"Si Jayson?" Tanong niya sa mga ito.

"Bakit? Anong kailangan mo sakin?" Wika nito at kakapasok lang sa clubroom. Napabuntong-hininga na lang siya. Bakit ba tuwing hinahanap ito ay sakto ang laging pagsulpot nito.

"Ah may gusto lang sana akong Idiscuss sayo." Tumango lang ito at naupo sa palaging pwesto nito.

"Maupo ka muna. Bago mo sabihin kung ano ba iyan?"

"I find it weird kase. Nakasalubong ko si Luis last week. Pero Hindi niya ko kilala. Nagalit pa siya dahil tinawag ko siya samantalang parang hindi niya ako kilala" Panimula niya. "And it seems like yung pagpunta niya rito ay hindi nangyari. Or nakalimutan niya."

Napakunot ang noo ni Jayson sa sinabi niya.

"Baka naman nakalimutan niya na ang nangyari? Kasi diba nahimatay din siya?" Wika ni Jisha. Naglalaro pa rin ito.

"Pero parang imposible naman yung sinasabi mo. Paano niya makakalimutan yon?" pag tutol niya sa sinabi ni Jisha.

"Tama ka Dlare, Napaka weird naman kung makakalimutan niya ang lahat ng nangyari sa kaniya. That day to think na sobra pa ang pagkatok niya sa pintuan natin. At nagsalita tungkol kay Aryia."

"May posibility na sinaniban lang din siya ng araw na pumunta siya dito sa clubroom." Wika ni Ciel.

Agad lahat napunta ang atensyon nila Kay Ciel. Mukhang bumalik na si Ciel sa surface ng katawan niya.

Nagulat siya sa realization sa sinabi ni Ciel. HIndi malayong ganoon nga ang nangyari.

"Ngunit sino naman siya? At bakit niya alam ang tungkol sa diary ni Aryia?" Wika niya.

"So diary ang notebook na iyon?" tanong sa kaniya ni Jayson.

"Oo. Sinimulan ko na ring basahin." Sabi niya.

"Hmm. Sige ipagpatuloy mo muna ang pagbabasa ng diary ni Aryia baka may mga clue tayong mahanap doon at baka malaman natin kung bakit wala siyang maalala"

~~

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon