KABANATA XXVI

46 3 0
                                    

Angela Rianne De Reyes

ARYIA
Madilim at walang kaliwa-liwanag ang aking paligid. Hindi ko nga alam kung ako ba ay nakamulat o nananatiling nakapikit pa rin. Ganito ang kadiliman na bumabalot sa nasa kung saan man ako.

Hindi ko na maigalaw ang katawan ko, sapagkat nanghihina na ito. Hindi ko alam kung maglalaho na ba ako ng parang bula o mananatili sa ganitong sitwasyon. Ngunit kung ako ang papipiliin, nais ko na lamang mawala ng parang bula. Gayon rin naman iyon sapagkat matagal na akong patay at hindi na nabubuhay pa sa mundong ito.

Napapikit ako at isang imahe ang aking nakita. Imahe ng isang lalaking kitang-kita ang lubos na pag aalala niya sa akin. DLARE. Hindi ko na alam kung paano ko pa masusuklian ang Ginoong iyon sa lahat ng kabutihan na kanyang ipinamalas sa akin.

-*-

Naalimpungatan si Dlare mula sa kanyang pagkakatulog. Napalingon lingon siya at napansin nasa loob siya ng Club room. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya.

"Gising ka na pala" kahit hindi na siya lumingon ay alam na niyang si Jisha iyon.

"Ah. Nasan ang sila?" Tanong niya nang mapansin na silang dalawa lang ang nasa loob.

"Ah. Nasa kanikanilang klase. Nauna lang matapos klase ko kaya nandito na agad ako" tugon nito.

Tumango lang siya. Kasabay noon ay ang pagbukas ng pintuan na mukha ni Eros ang bumungad.

"Jayson!" Sigaw nito na naging dahilan upang mapalingon sila dito.

"Bakit ano na namang problema mo?" Masungit na tamong ni Jisha.

Sa kanilang lahat ay si Jisha ang pinaka moody. Nagiging mabait ito sabay na nagiging masungit.

"May kakaibang nangyayari sa building ng mga kulto!" Deklara nito.

Nagkatinginan sila ni Jisha.

"Kailangan na nating ipaalam ito kay Jayson" sabi ni Eros.

"Anong dapat ipaalam?" Napatingin silang tatlo sa kanilang leader na kakapasok lang.

Lagi talagang sakto siyang tumiming

"May kakaibang kaganapan ang nangyayari sa building ng mga kulto dito sa school" tugon ni Eros.

"Mukhang kailangan na nating umaksyon ngayon." Deklara ng kanilang leader.

Isang pulang ulap ang nasa ibabaw ng lang building na iyon na siyang templo ng mga Kulto.

"Hindi nga ito isang ordinaryong ulap." Sambit ni Ciel. Na siyang kumuha ng atensyon nilang lahat.

"Ayon dito sa spell book, ang ulap na yan ay nagsisimbulo na magsisimula na ang isang ritual. Ritual ng pag aalay ng isang kaluluwa sa isang demonyo." Paliwanag ni Ciel.

Nanlaki ang kanyang mga mata. Bumilis ang tibok ng puso niya na siyang lalong tumulak sa kanyang pagpapanic. Hindi maaari. Lihim niyang hinihiling na mali ang hinala niya.

"Tara na. Simulan na natin ang misyon na ito." Deklara ni Jayson.

Naghiwahiwalay sila. Ang kasama niya ngayon ay si Jayson. Hawak nito ang Latigo habang siya naman ay ang hawak niya ay ang espada.

Pinilit nila na mahanap ang silid na may apat na letra gaya ng nakaraang pumaroon sila. Ngunit hanggang ngayon ay hindi nila makita. Wala rin silang nakakasalubong na mga myembro ng kulto na pagala-gala marahil dahil na rin may ritual na gaganapin.

Isang hilera ng mga kwarto na may pintuang bakal ang kanilang napuntahan habang sila ay naglalakad.

"Dlare, dapat siguro buksan natin ang bawat pintuan na nariyan. Sa tingin ko ay mga kulungan iyan. Base sa itura ng mga pintuan. Nakakita na ako  ganyan dati sa mga lumang building na itinayo pa noong panahon ng kastila."

Napatango na lamang siya sa sinabi nito. Maari rin nilang mahanap ang si Aryia.

Tinry nilang buksan ang isa sa mga pintuan. Ngunit hindi nila mabuksan. Nagkatinginan lang sila ni Jayson at tumango sa isa't isa. Hinati niya gamit ang espada. Ngunit walang anumang laman ang loob ng unang silid.

Bigla na lamang sila nakarinig ng isang malakas na kalabog na dulong silid ng hilerang pintuang bakal. Sa isang tinginan lang ay agad na silang tumakbo ni Jayson papalapit doon sa huling silid.

Malakas ang tibok ng puso niya. Lihim na hinihiling na narito ang kanyang hinahanap.

Hinati niya ang pintuan ng huling silid gaya ng kanyang ginawa sa unang silid. Upang bumungad ang isang babae. Na siyang ipinagtaka nya kung bakit naroon.

Si Angela.

"Angela?" Tawag niya rito ngunit wala itong malay.

"Kailangan na natin siyang ilabas dito." Narinig niyang wika ni Jayson.
Hindi pa sana siya kikilos kung hindi pa nagsalita ang kasama.

Sa pagbalik nila sa pinagmulan ay nakasalubong na nila ang iba.

"Nakita niyo ba ang silid?" Tanong niya sa mga ito. Ngunit sunod-sunod na pag-iling lang ang naging tugon ng mga ito.

"Kayo?" Tanong ni Eros.

"Hindi rin. Pero nahanap namin si Angela." Sabay tingin niya sa akay-akay nila ni Jayson.

"Paanong......." nagtatakang wika pa ni Ciel.

"Mamaya na natin usisain kung paano siya napunta dito. Ilabas na muna natin siya rito." Wika niya na sinang-ayunan naman ng lahat.

Hindi nila sa Infirmary dinala si Angela kundi sa Club room. Wala pa ring malay ang dalaga dalawang araw na ang nakakalipas ng mahanap nila ito. Kaya naman hindi pa rin nila magawang usisain ito.

Habang nananahimik sila ay bigla na lamang itong bumangon at nagsisisigaw.

"Wag! Waaaaag! Pakiusap!!!!" Sigaw nito at tila takot na takot.

"Angela" hinawakan ni Jisha ito sa braso. "Okay lang, ligtas ka na" aniya rito upang kumalma.

"Nasan ako?" Tanong nito.

"Nandito ka sa Mystery Club." Wika niya

"Ilang araw na ko dito?" Tanong nito.

"Dalawang araw kang walang malay" sagot ni Jisha sa tanong niyo.

"Tulungan nyo ako at ang kapatid ko. Pakiusap wag nyong hayaan na mawala ang kapatid ko sa akin" pakiusap nito at bigla na lang humagulgol.

Nagkatinginan silang lahat. Sa ikalawang pagkakataon ay naging biktima ito ng mga kultong iyon.

"Ayos lang kumalma ka lang. Sabihin mo ang nangyari para matulungan ka namin." Ani Ciel sa kanya.

Hindi pa rin tumitigil ang pag iyak nito ng magsimula itong magkwento.

"Pagkatapos ng gabing tinulungan nyo ako ay bumalik na ang kapatid ko sa dati. Pero sa sandaling panahon lang. Dahil ako naman ang kinuha ng mga taong iyon. Noong una ay nakiusap ako sa kanila na pakawalan ako. Pero sabi nila pagnagpumilit ako na umalis sa kamay nila ay muli nilang gagawing Sex maniac ang kapatid ko at mas malala pa doon. Ako lang ang susi upang lubayan nila ang kapatid ko"

Nanatiling tahimik silang lahat at wala ni isa ang nagtangkang magsalita. Habang patuloy ang kwento at pag hikbi ni Angela.

"Pumayag ako sa gusto nila at nagpaanib. Ngunit mas naging malala pa amg kapatid ko, dahil sa labas na siya pumapatay at hindi na sa loob ng campus."

Nanlaki ang mata niya. Kaya naman pala ay sunod-sunod ang napapabalitang patayan sa balita.

"Nang malaman ko iyon ay sinubukan kong tumakas pero nahuli nila ako. Ikinulong sa isa sa mga kulungan at sinabi na isasakripisyo kami ng kapatid ko sa Diyos nila. Noong una hindi ako na naniwala. Ngunit kinausap ako ng kapatid ko habang nakakulong ako na handa niya daw isakripisyo ang buhay niya para sa Diyos na Kinikilala niya."

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon