KABANATA XXXIII

40 3 0
                                    

Tail

Mabuti na lamang at magaling si Jisha sa mga computer. Nandito sila sa computer lab, nakapasok sila sa internal system ng school upang maghanap ng information about kay Luis.

"Arghhh. Ang daming Student na Luis ang pangalan." frustrated na sabi ni Jisha.

Hindi kasi nila nalaman ang surname at course ni Luis kaya kailangan pa nila isa-isahin ang Luis na meron sa campus na ito. Sana nga lamang ay hindi sila madetect na nakapasok sa system kungdi ay malalagot sila.

"Paano nga pala tayo nakapasok sa system Jisha? Diba nadedetect na nila iyan?" Tanong niya rito.

"wag kang mag-alala gamit ko ang account ng nagbabantay nitong Com lab. Kaya hanggat di siya naglolog-in hindi tayo madedetect" confident na sabi nito.

"at isa pa, mababagal makadetect ng intruder sa system ng school kasi marami silang ginagawa" Paninigurado pa ni Jisha.

"Gotcha"Biglaang sinabi nito.

"He is, Luis Aiden G. Rivera ng BS Physical Education, already in his 3rd year" Sambit ni Jisha na binabasa ang mga impormasyon na nasa computer. "I'll print his file na lang"

Agad ngang pinrint iyon ni Jisha. Nilog-out ang account na gamit niya sa system.

~~

Tinignan lang nila ang file ni Luis. Nandon lahat ng impormasyon tungkol kay Luis. Pati na rin ang Schedule niya ngayong semester.

"Looks like an ordinary person to me" wika naman ni Eros.

"Yup. He looks so ordinary na pwede ding hindi talaga siya Ordinary" Umirap na sinabi ni Jisha.

"We should start to investigate about him. Kung tama nga ang hinala ni Ciel na pwedeng sinaniban nga siya kaya nagpunta siya dito"

"Or pwedeng ginamit lang din siya ng kulto para paglaruan tayo" Sambit niya na ngayon niya lang din niya narealize iyon.

"There is really a posibility about that. Pwede ngang mangayri yon. Since kilala ka na ng mga kulto na iyon Dlare."

"We really need to investigate. If we need to tail him, we should tail him" Wika naman ni Jayson.

~~

Nakaupo lang si Dlare sa kaniyang kama habang hawak ang diary ni Aryia.

Ika-24 ng Disyembre 1779

Ito ang unang noche buena namin sa mansyon na ito. Nakaraang buwan lang kami lumipat dito kaya naman nakakatuwa na ito ang unang noche buena namin sa bago naming tahanan.

Narinig ko sa usapan nila Ama na tumulong pala sina Don Alfredo Delos Reyes ang ama ni Ginoong Mikael sa pagpapatayo ng aming mansyon. Iyon pala ang dahilan kung bakit napapadalas ang pagdalaw nila Ginoong Mikael dito sa mansyon.

~Aryia

Napakunot ang noo ni Dlare sa nabasa. Ito na siguro ang sinasabi noon ni Isabel na ipagkakasundo kay Aryia noong nabubuhay pa siya. Si Mikael.

Ika-31 ng Disyembre taon 1779

Madalas kaming abala nitong mga nakaraang araw, dahil ang sabi ni Ina ay magkakaroon daw ng sayawan sa aming mansyon sa unang araw ng bagong taon. Napaka raming inaasikaso nitong nakaraang araw. Ang mga pagpili ng dapat na putaheng ihahain para sa araw ng kasiyahan. Pati na rin ang paglalagay ng dekorasyon at mga pagpili ng bulaklak na ilalagay sa mga lamesa ng bawat bisita.

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon