Identity
Dumiretso na si Dlare sa sala. Pinapasok na kasi ng kaniyang magulang si Jayson.
"nandito ka na pala. Kumain ka na ba? Gusto mo ba kumain muna?"Ani niya rito.
"Ah hindi na kumain na ako on the way. May ginagawa ka pa ba?" Tanong nito "Gusto ko sanang mag-usap na tayo" Ani nito.
"Kumakain pa ko eh. Gusto mo sa dining na tayo mag-usap" Sagot niya rito.
"Hindi na. Hihintayin ko na lang kayo ni Aryia sa Labas" Ani nito at dumiretso na sa labas.
Bumalik siya sa dining ng nangagamba. Nakita niya ang dalaga na patuloy na nagbabasa ng Diary nito. Hindi niya alam kung ano nga ba ang gustong sabihin ni Jayson sa kaniya. Isa pa hindi niya alam kung makakaya bang ihandle ni Aryia ang sasabihin ni Jayson. Kahit hindi niya pa alam ang sasabihin nito, pakiramdam niya ay mabigat at napaka importante nito para sa kaso ni Aryia. Hindi naman siguro ito babiyahe para lang sa walang kwentang bagay.
Nilingon siyang bigla ng dalaga. Nagtataka ang mga mata nito ng saglit ngunit nginitian rin siya nito agad. Nilapitan niya na lang ito. Nakita niya ang kaniyang pagkain. Malapit na rin kasi siya matapos kumain kanina. Kaya nagdecide siya na hayaan na lang iyon.
"Ahm. Naalala mo ba ang kaibigan ko na pinakilala ko sa iyo dati?" Tanong niya rito. Saglit na tila nag-isip ang dalaga maya-maya pa ay tumango na ito sa kaniya bilang sagot.
"Nandito kasi ang isa sa kanila. Nais ka rin niyang makausap." Sabi niya rito.
"Ganoon ba? Nakakatuwa naman. Tila pakiramdam ko ay mayroon na akong iba pang kaibigan kaysa sa iyo" Ani nito. Nginitian niya na lang ito at niyaya ng lumabas.
Nakatayo lang si Jayson at nakatingin sa mga palayan sa di kalayuan ng makalabas sila ni Aryia. Napansin marahil nito ang presensya nila kaya lumingon na ito sa kanila.
"Nandiyan na pala kayo. Ayos lang ba kung magpunta tayo sa wawa park?"Anyaya nito sa kanila. Nagkatinginan sila ni Aryia at tumango siya rito. Nagsimula na silang maglakad. Dahil mas malapit ang wawa park mula sa mansyon ay mabilis lang silang nakarating doon.
"Kamusta Binibini? Mabuti ba ang iyong kalagayan sa mansyon?" Tanong ni Jayson kay Aryia ng makarating sila sa wawa park. Wala ng tao doon dahil sa tanghali na. Mainit na rin. Mabuti na lamang ay may masisilungan sila doon. Isang Shed ang malapit sa bangbang ang pinagpwuestuhan nila.
"Mabuti naman Ginoo. Sa totoo lang ay ang araw-araw ay parehas lamang para sa akin. Nakakabagot lamang. Ngunit ngayong nandito si Dlare ay tiyak akong hindi na ako mababagot" Sagot ni Aryia kay Jayson. Napatingin naman sa kaniya si Jayson dahil sa sinabi ni Aryia. Umiwas lang siya ng tingin. Hindi niya kasi alam kung compliment ba ang sinabi ni Aryia tungkol sa kaniya.
"May naaalala ka na ba tungkol sa iyong nakaraan?" muling tanong nito.
"Wala pa rin hanggang ngayon. Kay tagal ko na sa mundong ito ngunit ni minsan ay hindi man lang ako nakaalala ng kahit ano. Kahit pa binabasa ko ang aking tala-arawan na ibinigay sa akin ni Dlare, tila ako'y nagbabasa lang ng kwentong ngayon ko lang nalaman kahit pa ako ang nagsulat." Sagot nito. Nanatili lamang tahimik si Dlare sa pag-uusap ni Jayson at Aryia.
"Nais ko sanang magpakilala sa iyo ng maayos binibining Aryia" Ani ni Jayson. Doon biglang naguluhan si Dlare dahil sa binigkas ng kaniyang club leader.
"Ako si Jayson Clemente. At ikaw ay aking ninuno" Sabi nito.
Gulat na napatingin si Dlare kay jayson. Paanong?...
Tumingin lang si Jayson pabalik sa kaniya habang ang dalaga ay nakakunot ang noo, halatang hindi naiintidihan ang sinabi ni Jayson.
"Yes. Tama iyon. I'm a descendant of your mother's clan. Sa pagpapatuloy ng lahi ng mga Clemente dito sa pilipinas. Alam namin na nandito pa rin ang multo mo Aryia. Na hindi ka pa rin nakakatawid sa kabilang buhay."
"Pero--" naputol ang sasabihin niya nang muling magsalita si Jayson.
"Let me finish Dlare." Huminga ito ng malalim "Kung nagtataka ka kung bakit wala kang naaalala, iyon ay dahil tinanggal sa iyo ang iyong ala-ala."pagpapatuloy nito. Habang siya ay hindi makapaniwala sa kaniyang sinasabi.
Nilingon niya ang dalaga at nakatingin lang ito sa malayo. Tila hindi rin mag sink in ang mga sinasabi ni Jayson rito. Hinawakan niya ang mga kamay nito upang kumalma ito. Napansin na rin niya kasing nagpapanic na ito.
"Tinanggalan ka ng ala-ala upang hindi ka maging masamang espirito. Dahil kung alam mong ang pumatay sa iyo ay hindi naparusahan, marahil ay hanapin mo ito at magkaron ka ng galit sa puso mo."
"Pero, paano? I mean hindi ko maintindihan kung bakit ngayon lang nangyayari ang mga bagay na ito. Bakit ngayon niyo lang nasabi sa kaniya? Tatlong daan na taon ang lumipas. Sobrang tagal na, bakit ngayon lang niya nalalaman ang lahat ng ito?" Hindi na niya mapigilan ang sariling magtanong kay Jayson. Malungkot na tingin ang ibinigay nito sa kniya ng magtama ang mga panignin nila.
"Iyon ay dahil hindi naniniwala ang mga sumunod na heneresyon bago pa ang henerasyon ko. May naniwala man, ay hindi na sila nagtangka na hanapin pa ang multo ni Aryia. May iba ring lumakas ang loob na sabihin ito ngunit namamatay sila.May isang masamang espirito ang pumipigil sa pagtuklas kung sino nga ang pumatay sa kaniya"
"Ang pamilya ng Clemente ay maalam sa witchcraft simula pa sa mga ninuno namin na ipinapasa sa henerasyon. Maging ang nanay ni Aryia ay marunong. Kaya nga niya nakuha ang ala-ala ni Aryia at inilagay sa isang lugar at ipinasa sa kaniyang mga kapatid. Umaasa na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng anak niya sa pagdating ng panahon"
"Pero hindi ko maintindihan. Diba patay na rin naman ang pumatay sa kaniya? Kung si Mikael ang pumatay sa kaniya, matagal ng nabura sa mundo si Mikael. So paano pa mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Aryia?" Tanong niya kay Jayson
"Iyon din ang hindi ko maintindihan. Matagal na kong nananaliksik tungkol sa bagay na iyan" sagot naman nito.
"Paumanhin Ginoo, ngunit sa aking palagay ako ay nakakaramdam ngayon ng galit sa inyong ginawang pagtatanggal ng aking Ala-ala. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan iyon gawin ng aking Ina. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong magdusa ng napakahabang panahon dahil lang sa ako ay pinatay. Marami rin namang pinatay sa mundong ito, ngunit hindi naman sila nagdusa sa napakalungkot na mundong ito ng kasing tagal ko" Ani ni Aryia at tuluyan ng pumatak ang mga luha nito. "Matagal ko ng nais makatawid sa kabilang buhay, matagal ko ng gustong manahimik. Ngunit hindi niyo iyon ibinigay sa akin. Hindi niyo batid ang sakit na taon taon patayin ng taong pumatay sa iyong pisikal na katawan. Matagal na akong nagdurusa sa taon-taon na pagpatay sa aking kaluluwa sa mismong araw ng aking kamatayan" pagpapatuloy nito at tuluyan ng humagulgol.
Ipinatong ni Dlare ang kaniyang kamay sa likod nito at paulit-ulit na hinagod iyon habang patuloy ang pag-iyak ng dalaga.
"Taon-taon na pinapatay? Anong ibig mong sabihin Binibini?" Naguguluhang tanong ni Jayson. Patuloy lang sa paghagulgol ang dalaga.
"Nakita ko iyon."Ani niya. Napatingin naman sa kaniya si Jayson "Iyong unang araw matapos niyang unang magpakilala sa akin" Pagkkwento niya. "Isang itim na espirito na pinilit siyang sinasakal. Buti na lang napigilan ko ang itim na espirito kaya hindi niya nagawa kay Aryia iyon last year. Nabanggit rin sa akin ni Aryia na taon-taon nangyayari ang bagay na iyon" Pagpapatuloy niya. Halatang nagulat si Jayson sa sinabi niya.
"Kaya nga ng managinip ako tungkol doon, ay sumali ako sa club niyo dahil gusto ko siyang tulungan. After din ng pagliligtas ko sa kaniya, madalas ko na siyang makita." sabi pa niya.
"Hindi ko alam na nangyayari iyon. Dahil hindi naman iyon kasama sa mga ipinapasang kuwento sa aming henerasyon. Patawad Binibini" Ani ni Jayson. Hindi kumibo si Aryia sa sinabi nito bagkus ay nakatulala lang ito sa malayo.
"Gusto ko lang tanungin Jasyon. Saan nakalagay ang ala-ala ni Aryia?"
BINABASA MO ANG
Three Centuries Afar
De TodoDlare is an ordinary student until he met this not so ordinary girl. Then he met this weird members of this weird club. His life changes after he witness this unfortunate event and feel this uninvited feelings. R-16 po ito. Sa kadahilanang may mg...