Pagbalik
Nakatanaw lamang si Dlare sa Painting ng Langit, Lupa at Impyerno sa simbahan. Linggo na ng hapon at tapos na ang misa iilang tao na lamang ang naririto sa simbahan. Hindi niya mawari ang meron sa painting na ito. He feels something different about it.
"Hijo, tila nahihiwagaan ka yata sa painting na iyan." Napalingon siya sa nagsalita. Hindi niya ito kilala ngunit batid niya na tauhan ito ng simbahan.
"Ahm. Opo. HIndi ko nga po alam kung bakit feeling ko malapit sa akin ang painting na ito. Nostalgic po siya para sa'kin" Ani ko sa lalaing tingin ko ay nasa middle forties na ang edad
"Hmm. Ikaw pa lang ang nakapag sabi niyan sa akin. Kalimitan kasi ng mga tao rito ay ayaw nilang tignan iyan dahil nakakatakot daw ang image" Ani nito. "Ako nga pala si Ferdinand. Isa ako sa mga pari rito sa simbahan" Pakilala nito sa kaniya. Nagulat pa siya ng konti pero agad na nilingon ito upang magpakilala rin.
"Ay, Sorry po father hindi ko po kayo nakilala. Ako naman po Si Dlare bago lang po kami rito sa Paete. Last year lang po kami lumipat rito." Sabi niya bilang pagpapakilala rin.
"Ah, nakatira ka siguro roon sa Malaking mansyon. Pamilya mo ba ang nakabili ng mansyon na iyon?" Tanong nito. Hindi man niya alam kung paano nito nalaman iyon ngunit sumagot na lamang siya sa tanong nito.
"Oho, Kami nga po ang nakabili ng mansyon na iyon. Paano nyo po nalaman?" Tanong niya.
"Ah iyon ba?"bahagya pa itong natawa "Maliit na bayan lamang ang Paete Hijo, at dahil don ay halos lahat ng mga taga rito ay kilala ko na sa tagal kong naninilbihan sa simbahan. Kaya madaling malaman na kayo ay bago lamang rito sa bayan."sagot nito sa kaniya. Nginitian niya na lang ulit ang Pari. Katahimikan ang pumalibot sa kanila ng Pari kaya naman bumalik na siya sa pag-appreciate ng painting na nasa harap niya.
"Ano ang tingin mo sa painting na iyan?" Biglaang tanong ni Father Ferdinand na siyang bumasag sa katahimikan nila. Hindi niya nilingon ang pari. Bagkus ay napangiti na lang siya ng kusa.
"Sa totoo lang ho, Hindi ko alam. Pero sa t'wing titingin ako sa painting na iyan ay gumagaan ang pakiramdam ko. Kahit pa napaka bigat ng mensahe ng painting na ito. Ipinapakita nito kung saan ka maaring pumunta pag ika'y namatay. Ngunit ng makita ko ito ay tila may something dito sa painting na ito na attached sa'kin" Napailing na lang siya sa mga sinasabi niya.
"Pambihira. Ngayon lang ako nakarinig ng comment na ganiyan tungkol sa painting na iyan. Madalas kasi iyan katakutan ng mga bata rito sa Paete--Well kahit ng hindi mga bata. Haha. May iba naman na nakaka-appreciate ng ganda nito. Yung mga tunay na artist lang talaga. Pero ikaw, gumagaan pakiramdam mo riyan sa painting na iyan? Hindi naman siya sa weird pero hindi nga lang pangkaraniwan ang reaksyon mo na iyan" Sabi sa kaniya ni Father. Napangiti lamang siya sa sinabi ni Father.
"Hindi ko rin nga ho alam. Kaya nga tuwing may pagkakataon akong tignan ito, tinitignan ko na ho palagi." Sabi niya kay Father.
"Ngunit Hijo, Alam mo bang may Sikreto ang painting na iyan?"Ani ni Father Ferdinand. Agad siyang napalingon rito dahil sa sinabi nito.
"Ano hong sikreto?" ani niya.
"Isang babae ang gumuhit ng napakalaking painting na iyan. Ginuhit niya iyan bago siya namatay."Paninimula nito. Bagama't medyo nagulat siya sa sinabi nito, ay hindi siya nagsalita. Nakatingin pa rin ito sa painting "Dahil nga namatay siya, ibinigay na lamang ito ng mga magulang niya rito sa simbahan. Para naman daw kahit nagsisimba sila ay maaalala pa rin nila ang anak nila. Saka upang maibahagi sa iba ang talento ng yumao nilang anak" Dugtong pa nito
Napatingin siyang muli sa painting. Napapaisip siya kung gaano katagal kaya ang ginugol sa pagpinta ng ganito kalaking painting.
"Alam niyo ho ba ang katauhan ng babaeng gumawa ng painting na ito?" Tanong niya out of the blue. Sobrang curious ko ba at natanong ko iyon?ani niya sa sarili.
"Hmm Actually hijo, Hindi. Kwento lamang iyan na ipinapasa sa mga sumunod na heneresyon. Ilang daang taon na rin ang painting na iyan dito, base sa sabi ng mas nakatatanda."Sagot nito na hindi pa rin inaalis ang mata sa painting
" Hindi pa ako buhay nag-eexist na yang painting na iyan rito. Kaya yung kwento, ipinapasa-pasa na lang sa mga sumusunod na henerasyon para maiwasang ipatanggal ang painting na iyan. Kasama na rin iyan sa history ng bayan ng Paete"Dugtong pa nito.
Medyo na dissapoint siya sa narinig niya. Hindi niya alam kung bakit. Nagexxpect kasi siya na Baka-- "Baka" Lang naman si Aryia ang gumuhit nito.
Grabe Dlare, Ganyan ka na ba ka-adik kay Aryia? Maging ang painting na ito iniisip mo na konektado sa kaniya. Malala ka na Ani niya sa sarili. Pinalo niya ang noo upang matauhan sa iniisip niyang imposible.
"Maraming salamat po sa Impormasyon Father." Ngumiti siya kay Father Ferdinand.
"Ayos lang iyon Hijo. Marami rin naman ang nakakaalam sa kuwento ng painting na iyan kaya hindi na din big deal na sabihin pa sayo. Lalo na tila manghang-mangha ka sa painting na iyan." Ani sa kaniya ni Father. "Kung may tanong ka pa na may kinalaman sa simbahan maari ka pang magtanong. Sasagutin ko kung alam ko ang sagot." Patuloy pa nito at bahagyang natawa.
Natawa rin naman siya sa Joke ni Father. Sasabihin na niya sanang wala na siyang tanong ng may bigla siyang naalala.
"Ahm. Meron pa ho Father, may kilala pa ho ba kayong matanda na palaging bumibisita rito? May nameet po kasi akong matanda dito last 2 months ago. Pero hindi ko ho nakuha ang pangalan niya. Maitim po siya at puti na rin ang buhok. Nakadamit po siya ng kamisa chino." Tanong niya.
Nahalata sa mga noo ni Father Ferdinand ang pagkunot nito. Tila parang inaalala kung mayron ba siyang kilalang ganon. Ayon sa description niya.
"Hmm Hijo, Mahirap malaman kung sino ang sinasabi mo. Marami rin kasing ganong matanda dito. Marami rin namang magsasaka rito. Natural lang sa mga magsasaka maging maitim kaya hindi ko matumbok sa mga ka kilala kong magsasaka rito kung sino ang sinasabi mo."Sagot ni Father sa kaniya. "isa pa kung 2 months ago na iyon, mas lalong mahirap kasi marami ng tao at magsasaka na pabalik-balik rito." Dugtong pa nito.
"Ganon ho ba? Sige ayos lang po. Baka sakaling makasalubong ko naman po siya no? Salamat po sa tulong" Ani niya sa Pari.
"Nako pasensiya na Hijo. Sana makita pa kita ng madalas rito sa simbahan" Ani ng pari. Nagpaalam na rin siya kay Father Ferdinand dahil napapahaba na rin ang usapan nila.
Nagmuni-muni na rin siya habang naglalakad pabalik ng Kerr mansion. Pag-uwi niya ay nakaupo lamang sa sala ang kaniyang Mama at Daddy sa sala at nanunuod ng Tv. Hindi naman siya napansin nito. Nagtama ang paningin nila ni Daren na nagbabasa ng libro. Nagmake face lang si Daren sa kaniya na ginantihan niya din ng irap bago pa siya dumiretso sa kwarto.
Nang makarating siya sa tapat ng pintuan ng kaniyang kwarto ay napapikit siya. Ngayon lang sa mismong moment na ito, humihiling siya na sana pagbukas niya ng pintuan na ito ay makita niya ng muli si Aryia.
So delusional Dlare. Napaka imposible ng hiling mo pagsaway niya sa sarili niya. Huminga siya ng malalim at umiling-iling. He shake away his thoughts about Aryia being inside of his room. Tama na Dlare. Huwag mo ng pahirapan pa ang sarili mo.
Pumikit siya at pinihit ang doorknob saka binuksan ang pintuan. Dlare, Open your eyes and see the reality. Walang Aryiang lilitaw. Binuksan niya ang mata at natagpuan ang isang imposible. Kinusot lkusot niya pa ang kaniyang mga mata.
No way. How on earth did this happen?
Isang dalagang mahaba ang kasuotan at nakangiti habang nakasilay sa bintana tulad ng una niyang pagkakita rito. Di siya makapaniwala. Tila ayaw na muli niyang kusutin ang mata baka maglaho muli ang matagal na niyang inaasam na makita ulit.
Si Aryia. She's Back.q
BINABASA MO ANG
Three Centuries Afar
RandomDlare is an ordinary student until he met this not so ordinary girl. Then he met this weird members of this weird club. His life changes after he witness this unfortunate event and feel this uninvited feelings. R-16 po ito. Sa kadahilanang may mg...