ANG HULING KABANATA

66 3 3
                                    

Ang Paglaya

Kinuyom ni Isabel ang kaniyang kamao na nagpapalutang kay Aryia kasabay nito ang biglang hirap sa paghinga ni Aryia. Tila muli itong pinapatay.

"Hindi pa ba.......... sapat ang..... tatlong daan..... taon.........na... p-pag...hihirap... ko..?" Ani ni Aryia. Mas hinigpitan pa ni Isabel ang pagkuyom ng kaniyang kamao dahilan upang mas mahirapan sa paghinga si Aryia.

"Hindi pa! Kahit kailan Hindi magiging sapat iyon!" Pagsigaw ni Isabel.

Nagkatinginan muli silang magkakaibigan sabay-sabay silang tumango. Agad na tumayos sila ng sabay sabay. Hiniwa ni Jisha ang tiyan ni Isabel gamit ang arm blade nito dahilan upang mapayuko ito. Kitang-kita sa pag-iinda ni Isabel sa sakit na ibinigay ni Jisha. Kasabay niyon ang pagbagsak ni Mikael at Aryia ng sabay parehas na rin itong nakahinga ng maayos.

Agad tinakbo ni Dlare si Aryia upang alisin sa tronong kinauupuan nito. Habang si Jayson naman ay ginamit ang latigo upang sakalin si Isabel. Ginamit ni Eros ang baril niya upang maglabas ito ng mga tila bula na kumapit sa palapulsuhan ni Isabel at nang hindi na nito magalaw ang kamay nito.

Umusal naman ng Dasal si Ciel. Paulit-ulit na dasal hangaang sa sumigaw na sa sakit si Isabel. Maya-maya pa ay humiwalay na ang kaluluwa ni Isabel sa katawan ni Odessa. Bumagsak na ang katawan ni Odessa sa sahig ngunit sakal pa rin ni Jayson gamit ang kaniyang latigo si Isabel. Ganoon pa din ang epekto ng bala ng baril ni Eros sa dalaga.

"Aryia ayos ka lang ba?" Tanong ni Dlare sa dalaga. Hingal pa rin ito at nanghihina dahil sa ginawa ni Isabel. Tumango-tango lang ito bilang pagsagot sa kaniya.

"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!" Biglang sigaw ni Isabel. Isang nakakarindi at napakalakas na sigaw. Nakawala si Isabel sa pagkahawak sa kaniya ni Jayson at Eros dahil sa lakas na kapangyarihan gamit ang sigaw na iyon.

Ngunit hindi natinag si Jayson sa ginawa ni Isabel. Patuloy niyang pinaghahampas ang kaluluwa ng dalaga. Sa bawat hampas ay bumabakas ang sakit at sugat sa kaluluwa nito.

Binitawan na ni Dlare si Aryia at Isinandal ng maayos sa isang shelf. Tumayo na si Dlare hawak ang kaniyang espada ay patuloy siyang lumapit sa kaluluwa ni Isabel. Nagkatinginan sila ni Jayson at tumango sa isa't isa.

Magkasabay nilang inatake si Isabel. Inihampas ni Jayson ang kaniyang latigo at kumapit ito sa leeg ng dalagang multo at sinakal ito. Samantalang si Dlare naman ay sinaksak ang dalaga sa dibdib. Nakarinig sila ng pag-inda ng dalaga sa ginawa nila.

Nawala ang itim na mahika sa kamay nito na mukhang ititira pa sa kanila kung nagkataon. Nawalan na ito ng malay at biglang naging kulay itim na usok na hinigop ng pinakamalaking istatwa ng demonyo sa may likuran ng malaking trono.

Napatingin sila sa isa't isa. Lahat ay hingal na hingal. Tinulungan ni Jisha na tumayo si Mikael. Mabuti na lamang at hindi masyadong nagalusan ang katawan ni Luis. Binuhat naman ni Eros ang katawan ni Odessa na wala pa ring malay. Habang si Dlare naman ang tumulong kay Aryia na tumayo.

Si Jayson ay tumulong na rin sa pag-alalay kay Mikael. May biglang sumiklab na apoy mula sa malaking upuan. Nagkatinginnan silang lahat dahil kusang nasunog ang malaking upuan na iyon.

"Umalis na tayo rito" Ani ni Jayson sa kanila. Nagsimula na silang maglakad patungo sa pintuan. Doon lang napansin ni Dlare na walang tao roon kungdi sila lang dahil mga hood na lang ang nakakalat at wala ng iba pang katawan.

Nagsimula ng lumaki kumalat ang apoy sa loob kaya naman nagmadali na silang lumabas ng pintuan. Nakita niyang muli ang sign na AR-DR.

"Ano bang ibig sabihin ng AR-DR na iyan?" Tanong niya sa mga kasama.

"Aryia Delos Reyes" Sagot ni Mikael.

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon