School underground
Natapos ang klase nya kasama ang bagong instructor nila. Dali dali syang lumabas at naglakad papuntang Club room.
Napalingon sa kanya ang lahat ng myembrong naroon sa loob ng club room. Wala si Jayson. Marahil ay may klase pa ito.
"Kilala ko na sya"
Nagsalubong ang kilay kanyang mga kasama.
"Who?" Tanong ni Ciel.
"Yung babaeng nagbalak na patayin ako sa kubo"
Nagkatinginan ang kanyang mga kasama habang nanlaki ang mga mata.
" Instructor ko sya."
"Anong pangalan? Anong subject ang itinuturo nya.?" Sunod sunod na tanong baman ni Jisha sa kanya
"Odessa. Odessa Villarante. Instructor ko sa economics"
"Kailangan malaman ito ni Jayson" wika ni Eros
"Ang alin?"
Napalingon silang lahat sa pintuan nandoon si Jayson.
Coincidence lang ba talaga na tuwing mababanggit ang pangalan nya bigla syang susulpot? Nasabi na lang ni Dlare sa kanyang isip. But he throw away that thought. Seryoso ang sitwasyon ngayon. Dapat ay hindi nya naiisip ang mga ganoong bagay.
"What is it Dlare?" Natauhan sya sa tanong ni Jayson.
"Kilala ko na yung babaeng nasa kubo. Instructor ko sya sa economics. Her name is Odessa Villarante"
Hindi nagbago ang expression ni Jayson sa narinig na sya namang ipinagtaka ni Dlare.
"Let it just slide. May bago tayong kaso ngayon"
"What? Let it slide?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dlare.
"Yes. We have many time for that. We must solve this case first"
"What case?" Seryosong tanong naman ni Jisha.
Hindi pa rin makapaniwala si Dlare sa sinabi ni Jayson. Sa mga ito na rin mismo nanggaling na muntik na syang mamatay.
"Jayson seriously? Let it Slide?"
Nag angat ito ng tingin sa kanya mula sa isang brown folder na hawak nito.
"Yes."
"Are you Crazy? Sayo na mismo nanggaling na muntik na akong mamatay. Then let it slide? What the Hell is wrong with you?"
Huminga muna ng malalim si Jayson bago ito magsalita. Lumapit ito sa kanya
"Look. Dlare. Oo alam ko na muntik ka na mamatay. But the Hell!!" Inihampas nito sa dibdib nya ang brown folder na hawak.
"The whole school is at stake in that case!" Sabi nito kasabay ng pagturo nito sa folder."We will Let go that case for now kasi mas urgent yan!"
Tiningnan nya ang folder at binuksan ito. Nanlaki ang mga mata nya sa nakitang mga pictures at mga nakasulat dito.
"They're doing an Exorcism under this campus. At alam nating lahat na delikado iyon dahil maaring magpalipat lipat lamang ang mga ispirito sa mga tao dito sa campus." Paliwanag ni Jayson nang magkasalubong ang tingin nila.
"What? May ganyan dito sa campus?" Di makapaniwalang sabi ni Eros.
Maging si Ciel ay isinara ang libring hawak ng marinig ang sinabi ni Jayson."They're doing it for 3 years. At kagagaling ko lang sa Chairman's office humihingi sila ng tulong sa atin. "
"Why us? Exorcism is too much for us. Di tayo ganoon ka expert" pagtataka ang nangingibabaw sa boses nya.
"Dahil gusto nila na wag kumalat ang balita na ito. Ayaw nilang malaman ito ng publiko. Kaya hanggat maari ay pinapanatili lamang nila ito sa Loob ng campus ang impormasyon" sagot ni Jayson
"Paano kung hindi tayo maging successful?" Tanong ni Eros.
"Wala silang Choice kundi ang humingi ng tulong sa labas. Kaya hanggat maaari ay gawin na natin ang kaya nating gawin"
"So what' s the plan?" Tanong nya rito.
~
Ika-17 ng Marso
"Seryoso ba 'to?" Di makapaniwalang naisatinig ng katabi nyang si Eros. "Dude, we have flashlights. No need for torches."Napatango naman sya sa sinabi ng katabi. Sa ilang araw ng paghahanda ay hindi nya ineexpect na Ibang klase ang ipapadala sa kanila ni Jayson, Isang Sulo. Hindi nya maintindihan kung bakit iyon pa ang kailangan nilang dalhin samantalaang pwede namang flashlights.
Hindi man lang pinansin ng Leader nilang si Jayson ang pag angal ni Eros.
Madilim na sa parte ng eskwelahan ang nilalakaran nila. Freshman palang sya kaya naman hindi nya pa alam ang ilang lugar sa campus nila. At katulad ng nilalakaran nila, isa ito sa mga parte na hindi nya alam sa campus nila.
"Nasan na ba tayo?" Tanong nya sa katabing si Eros.
"Nasa lumang part ng school. Kung tawagin ito ay Old school. Ito yung parte ng school na ginawa pa nung mga panahon ng kastila. Ngayon, hindi na sya masyadong ginagamit dahil marurupok na ang mga building." Paliwanag nito.
Napatango na lamang sya at tumigil ng napatigil ang mga kasama nya. Madilim, pero dahil sa mga torch nila ay nakita nya ang building na nasa harap nila.
Hindi nya mabasa dahil ibang lingguahe ang nakasulat dun.
May iniabot sa kanila si Jayson. Na agad naman nilang isinuot. Isa itong mahabang hood gown na kulay itim.
"Ayos. Kultong kulto dating natin nito." Sabi ng katabi nya.
"Guys. Paalala lang. Kahit anong mangyari walang magsasalita. Okay? At sa baba ang tingin para hindi tayo mahalata." Instruction sa kanila ni Jayson.
Pagpasok nila sa lumang building ay nagpasalamat sila sa Hawak nilang mga sulo sapagkat sobrang dilim.
"Mas mabuti pa rin kung flashlight ang hawak natin" bulong ni Eros
Hindi na lang nya ito pinansin. Patuloy silang naglakad kahit hindi alam ni Dlare kung saan sila pupunta. Suot suot nya ang Lace na ibinigay sa kanya ni Eros. At sigurado din naman sya na dala ng mga kasama nya ang kanya kanyang armas nito.
May nakasalubong silang naka itim na hood gown din at may mga hawak na sulo. Yumuko lang sila upang hindi mahalata habang nagpapatuoy sa paglalakad.
Isang hagdan ang nakita nya. At dahil sumusunod lang sya may kutob sya na doon ang lugar na sunod nilang tatahakin.
Hindi nga sya nagkamali. Doon nga sila pupunta.
Pababa ng pababa ang direksyon ng hagdan na tinutungo nila.
Sa tingin nya ay walang hanggan ang tinatahak nilang hagdan pababa. Habang humahaba ang kanilang paghakbang ay nakakaramdam sya ng kilabot. Kilabot na hatid ng kadiliman. Feeling nya ay nilalamon sila ng kadiliman habang tumatagal. Halos kalahating oras na yata ang kanilang paglalakbay tungo sa napakalalim na hagdan na hindi nya alam kung may hangganan pa.Maya maya pa ay nakatanaw sya ng liwanag. Isang liwanag na nagmumula sa dalawang sulo. Tumambad sa kanilang harap ang isang malaki at lumang pinutan na may Dlawang ulo ng Usa kung saan nakalagay ang sulo.
"Jayson, sobrang lakas ang nararamdaman kong presensya na nanggagagaling sa loob." Untag ni ciel na syang bumasag sa katahimikan nila.
"Lahat kami ay nararamdaman iyon Jayson. At bago pa tayo pumasok ay nakakaramdam na ko na may nagmamasid sa atin na hindi isang tao" wika naman ng nasa harap nyang si Jisha.
"Pag pumasok tayo dyan, alam mong mamamatay lang tayo Jayson. Alam kong alam mo yun sa pagsisimula pa lamang ng pagbaba ng hagdan natin kanina" wika ulit ni Ciel.
Napabuntong hininga lamang si Jayson at walang nagawa kundi sundin ang gusto ng iba nilang kasama.
Napatitig sya sa malaking pintuan. Mga letra ang napansin nyang nakaukit doon.
"AR-DR" basa nya.
"Tara na at bumalik na tayo. Kailangan pa nating maghanda "
Nakakunot ang noo ni Dlare habang humahakbang pataas ng hagdanan. Iniisip nya pa rin kung anong ibig sabihin ng mga Letra na nakaukit sa maaking pintuan.
BINABASA MO ANG
Three Centuries Afar
DiversosDlare is an ordinary student until he met this not so ordinary girl. Then he met this weird members of this weird club. His life changes after he witness this unfortunate event and feel this uninvited feelings. R-16 po ito. Sa kadahilanang may mg...