Ciel
Para kay Dlare ay isang maaliwalas na araw iyon. Ngunit paglabas nya ng kwarto ay balisa ang lahat.
May kausap sa telepono ang Mama nya. Si Eros naman ay tila naiiyak na habang si Jisha ay tulala. At si Jayson ay tila malalim ang iniisip.
"Anong meron?" Tanong nya sa mga ito pero walang pumansin sa kanila.
"Nawawala si Ciel" deklara naman ni Eros. "Anong gagawin natin Dlare." Naiiyak nitong sabi.
Nanlaki ang mga mata nya.
"Paanong..."
"Kasalanan ko. Hindi ko kasi sya sinamahan." Sabi naman ni Jisha.
Sa lahat ng myembro ng club ay si Ciel ang alam nyang pinaka sensitive dahil marami itong alam sa witchcraft. Sa mga spell books pa lang na binabasa nito ay alam na nya. Hindi din ito pala imik. Kaya sa tingin nya ay kung may madaling mapasok ng masamang elemento dito ay si Ciel iyon.
"Kumatok sya sa kwarto ko kagabi at sinabi na samahan ko syang magCR. Pero hindi ko ginawa dahil antok na antok ako" pagkkwento ni Jisha.
Nabibigla sya sa nangyari at sa mha reaksyon ng mga kamyembro nya.
Well. Normal lang siguro na mag alala sila kay Ciel. Pero hindi ko akalain na ganto sila ka vulnerable pagdating kay Ciel. Mas lalo tuloy akong nag alala.
Napansin nyang medyo kalmado si Jayson. Nakadekwatro at nakapangalumbaba ito. Mukhang malalim ang iniisip.
"Mga anak tinawagan ko na ang mga pulis. At pinaalam na nawawala ang isa nyong kaibigan" lahat sila ay nabaling ang atensyon sa mama nya ng magsalita ito.
"Ah... salamat po tita. Pero alam na po namin kung nasaan si Ciel. Namasyal lang naman po sya. Kaya wag na po kayong mag alala." Deklara ni Jayson.
Lahat sila ay napalingon sa kanila."Teka paaanong....." apila nya ngunit di na nya natapos ng magsalita ulit si Jayson.
"Tara na guys." Anyaya nito at ngumiti pa sa kanila at naglakad palabas sa pintuan ng mansyon.
Agad namang sumunod sina Jisha at Eros kay Jayson kaya wala na syang nagawa kundi ang sumunod na rin.
Narinig nya pang nagsalita ang Mama nya pero di na nya ito narinig dahil nasa labas na sya. Kasunod na nag lalakad nila Jayson, Eros at Jisha.
"Teka Jayson! Saan ba tayo pupunta?" Tawag nya dito at pinantayan na ito sa paglakad.
Agad naman itong tumigil at nilingon sya.
"Ewan ko" simpleng sagot nito.
"WHAT? EWAN MO?" Hindi sya makapaniwala sa mga sinabi nito.
"Nawawala na nga si Ciel pero gamyan ka pa umasta?"
"Relax, Hindi naman talaga nawawala si Ciel eh. May napuntahan lang syang interesading lugar kaya di pa sya makabalik."
"What? Wait. Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan nyang tanong.
"What do you mean Jayson? Hindi nawawala si Ciel?" Naguguluhan na ring tanong ni Jisha. Maging si Eris din ay naguguluhan sa mga sinasabi ni Jayson pero hindi na ito nagsalita.
"Basta" sabi nito at tinalikuran silang tatlo at nag umpisa na maglakad.
Sa kakalakad nila ay napadpad sila sa Simbahan.
"Nandito si Ciel?" Tanong ni Jisha.
Tanging ngiti lang ang binigay ni Jayson sa kanya.
Pumasok sila sa main door kaya naman agad nilang nakita ang maliit na babae na kanina ay nawawala daw.
"Ciel!" Tawag ni Jisha sa Bbeng nakatayo saaa harap ng painting na tiningnan nila noong nakaraan. Agad namang tumakbo si Jisha sa napalingong si Ciel. At nagyakap ang mga ito.
"Ahh. What a scene" natatawang sabi ni Eros. Tila di mapigilang matawa nito sa senaryong nakita.
"Sus. Eh halos maiyak ka nga kanina." Si Jayson iyon at ito naman ang natatawa ngayon. Sinamaan lang sya ng tingin ni Eros dahilan upang matawa sya.
Lumapit na sila sa dalawang babaeng kasama nila.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito Ciel?" Tanong ni Jisha.
"Ewan ko. Nang magising ako ay nasa harap na ako ng painting na ito." Simpleng sagot nito dahilan para magkatinginan sina Jayson,Jisha at Eros na napansin nya.
"Hay. Basta sa susunod umuwi ka kaagad." Bilin ni Jisha na parang nanay.
Hindi pa rin matanggal ni Dlare ang pagtataka sa kanya.
Anong nangyayari dito?
"Ehem. Uh. Care to explain?" Sabi nya na sinadyang lakasan nya ang kanyang boses dahil hindi na nya maintindihan ang mga nangyayari.
"Ah. Tara na. Hindi magandang pag usapan iyan dito sa simbahan" anyaya ni Eros sa kanila. Lahat naman sila ay tango at naglakad na papalabas ng simbahan.
Napadpad sila sa Wawa park. Ngunit hindi katulad kahapon ay kakaunti lang ang mga tao rito. Wala na rin ang mga nagzuzumba dito. Sa isang mahabang kahoy na upuan sila umupo.
"Uh. Si Ciel, Dlare, ay isang professional exorcist." Panimula ni Jayson na syang kinalaki muli ng kanyang mata dahil sa gulat. Sumenyas naman ito na wag muna sya magsalita kaya naman kinalma nya ang kanyang sarili.
"Si Ciel ay isang professional Exorcist at isang spirit medium. Napapansin mo naman siguro na palagi syang may spellbooks at magaling sya sa mga orasyon. Marami syang kayang gawin."paliwanag ni Jayson.
"Pero ngayon lang nangyari na nag sleep walk ako after 3 years na hindi pagsleep walk"dugtong na mismo ni Ciel.
"Nagssleep walk na rin sya dati. At pag nagssleep walk sya. Ang bagay o lugar na pinupuntahan nya ay enerhiya ng namatay. Parang yung bagay na iyon ay ang nagiging dahilan ng pananatili ng isang multo o elemento dito sa mundo." Pagpapatuloy ni Jisha.
"At pag nag ssleepwalk si Ciel. Nagkakaroon kami bigla ng kaso na related sa bagay na iyon. Kaya ngayon, ineexpect namin na magkakaroon tayo ng kaso na related sa painting na iyon.
"Ahh okay malinaw na sa akin ang lahat. Pero.. paano mo nalaman kung nasaan sya Jayson? Imposibleng hindi mo inisip na nawawala or may kumidnap sa kanya." Diretsong tanong nya kay Jayson.
"Ako yon. Kinausap ko sya gamit ang isip. Dahil naiwan ko ang cellphone ko sa kwarto sa mansyon" sagot ni Ciel sa tanong nya na syang nagpanganga sa kanya.
"Youmeangumamitkangtelephaty?" Halos magrap na sya sa tanong nya.
"Ha?" Sabay sabay na tanong nila sa kanya.
"I mean marunong kang gumamit ng telephaty? " naglalakihan at laglag panga nya pa ring tanong.
"Ah yeah." Nakangiting sagot ni Ciel.
"Astig" manghangmangha nyang papuri rito.
Ngitian lang sya nito. Sabay sabay naman natawa ang kanilang mga kasama kaya naman natawa sya.
BINABASA MO ANG
Three Centuries Afar
RandomDlare is an ordinary student until he met this not so ordinary girl. Then he met this weird members of this weird club. His life changes after he witness this unfortunate event and feel this uninvited feelings. R-16 po ito. Sa kadahilanang may mg...