KABANATA XLIII

42 4 0
                                    

Date

Nagtagumpay naman sina Dlare at Aryia sa kanilang ginawa. Nakuha na ni Aryia damit. Ngayon, nakahiga na lamang si Dlare sa kaniyang kama. Sinabi na rin niya sa kaniyang magulang na hindi siya papasok sa kalse niya bukas. Wala naman naging kaso sa mga ito. Naglaho na ang dalaga sa kaniyang paningin. Tutol man siya sa paglalaho o pag-alis nito sa paningin niya ay hindi niya na ito sinabi pa. Wala kasi itong naaalala tungkol sa pagkawala nito. Doon naman siya nagtataka. Ang bigla na lang pagkawala nito sa mismong harapan niya noon. At ngayon ang muling pagbalik nito. Sigurado siyang may nagyayaring hindi maganda sa dalaga. Pero hindi niya din maisip kung paanong nangyaring nawala ito at bigla na lamang lumitaw.

Marami na rin silang Clues na nahanap tungkol sa pagkawala nito. Ngayon naman ang pinaka nakakalitong pangyayari sa lahat. Ang pagbabalik nito at wala pa itong naaalala kaya wala rin silang makukuhang clue kay Aryia tungkol sa kung sino ang mga kumuha rito. Kailangan malaman ito nila Jayson.

Agad siyang nagdial ng number sa kaniyang phone. Number ito ni Jayson.

"Hello"

"Hello. Dlare"

"Ah, Jayson may mahalagang nangyari ngayong araw dito sa mansyon"

"Ano yon?"

"Bumalik na si Aryia dito sa Mansyon"

"ANO?! Totoo ba iyan?"

"Oo Jayson. Kahit ako hindi makapaniwala. Pero totoo ngang nagbalik na siya. Pero...."

"Pero? Anong meron?"

"Wala siyang maalala. Hindi niya alam na nawala ang kaluluwa niya"

"Alam mo Dlare. Magandang pag-usapan iyan pag balik mo dito sa Valenzuela."

Huminga siya ng malalim.

"Oo alam ko pero hindi ako papasok bukas. Tatawagan na lang kita kung may makukuha akong mahalagang impormasyon kay Aryia tungkol sa pagkawala niya" iyon lang at ibinaba na niya ang tawag.

~~

Maagang nagising Si Dlare. Naghanap na siya agad ng magandang susuotin. Agad na naligo at nag ayos ito.

Argh. Dlare masyado kang natataranta. Mamamasyal lang naman kayo.

Nakahanap lang siya ng semi formal na damit. Nakakahiya naman sa mahabang kasuotan ni Aryia kung magt-shirt lang siya. At sobrang nakakahiya naman kung maraming makakakita sa kaniya mag-isa na naka formal.

Pagbukas niya ng pintuan ng kaniyang kwarto. Halos kulang na lang ay tumulo ang laway niya. Nasa harapan niya ang pinaka magandang babae na nakita niya sa talambuhay niya. Bagay na bagay ang kulay ng suot nito sa balat nitong mestiza. At isa pa. Napansin nyang may kulay ang mga pisngi at labi nito. Nakaayos ng paalon ang buhok nito. Gumanda itong lalo kung siya ang tatanungin.

"M-maayos ba ang aking itsura?" untag nito sa kaniya kaya siya natauhan sa pagkakatulala rito. Agad siyang umayos ng tayo.

"Ahm Oo. Tara na?" sagot niya rito.

Naglakad na silang dalawa pababa ng hagdan.

"San ka naman pupunta kuya?" Napalingon siya sa kapatid niyang si Daren.

"aalis. May lakad ako ngayon." Simpleng sagot niya rito at nilagpasan na ang kapatid.

"Mama! Si Kuya may Date kaya umabsent!" Sigaw nito. Nagpanic naman siya agad. Kaya naman binilisan niya agad ang lakad papalabas ng mansyon. Mabuti na lamang at nakasunod lang sa kaniya ang dalaga.

"Pasensya ka na sa kapatid ko. Baliw lang kasi iyon" Ani niya kay Aryia.

"Ayos lang. Masaya ako na nakalabas na tayo" Ani nito na hindi makatingin sa kaniyang mga mata. Nginitian niya lang ito at nagsimula na silang maglakad.

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon