KABANATA L

35 2 0
                                    

Ibang Mundo

Walang gana si Dlare na makinig sa klase nila sa advertising. Kahapon nangyari ang halos lahat. Wala na siyang naiisip pa na paraan para lang mahanap si Aryia. Pero hindi lang dapat niyang pabayaan na magtagumpay ang dalaga sa kumuha nito. Hindi pa tapos ang klase niya ay agad na siyang lumabas ng classroom. Hindi naman ata siya nahalata ng kaniyang prof dahil hindi siya nito sinita. Dumiretso siya sa Dorm niya para kunin ang kaniyang lace at hood.

Buo na ang loob niya. Alam niyang hindi papayag ang mga kaibigan niya. Kaya balak niya na lang itong gawin ng mag-isa. Bumalik siya ng school at dumiretso sa old building na pinamamahayan ng mga kulto. Alam niyang nandito lang ang mga ito. Alas-singko pa lang ng hapon. Kailangan niya lang mahanap kung nasaan si Aryia, Wala siyang ibang naiisipan na lugar kungdi ito lang.

Humakbang na siya papasok ng biglang magbago ang lugar. Naging isa itong mapuno at parang gubat. Shit. What is happening ani niya sa sarili niya.

"Hindi naging tama ang iyong desisyon binata" Napalingon siya sa nagsalita. Nanlaki ang kaniyang mata. Ito ang Lolo ni Jayson.

"Nasaan ako?" Iyon lang ang naisip niyang itanong. Wala siyang clue sa mga nangyayari.

"Nandito ka sa mundo ng mga espirito." sagot nito sa tanong niya. Nagtaka naman siya.

"Mundo ng mga espirito? Ikaw ba ang nagdala sakin dito?" tanong niya ulit.

"wala ng iba pa. Kung nagtataka ka kung bakit, iyon ay dahil balak mong magpakamatay sa iyong gagawing pagsugod. Sa tingin mo ba ay kaya mo siya? Matagal na siyang nakamasid sa iyo. Alam niya ang bawat kilos at tumatakbo sa isip mo" Ani ng matanda.

"Sino ka ba talaga ? anong nalalaman mo? Sabihin mo na lang sakin ang dapat kong malaman para matapos na ang lahat ng ito" frustrated na sabi niya. Hindi niya alam ang dapat niyang isipin o dapat niyang gawin.

"Huwag kang masyadong mayabang at magmadali Hijo. Kayang-kaya kitang patayin diyan mismo sa kinatatayuan mo." Ani nito na kinagulat niya. "Pero hindi kita papatayin dahil may kailangan ka pang gawin" pagpapatuloy nito. Hindi niya alam kung bakit parang nakaramdam siya ng kapanatagan sa sinabi ng matanda.

"Tignan mo ito." Sabi nito at may biglang sumulpot na isang batis sa may hindi kalayuan. Naglakad ang matanda doon at sumunod naman siya rito. May nakita siyang imahe sa batis, isang nakahood na nakahandusay sa lupa. Pero muli siyang kumurap-kurap upang tignan kung tama nga ang hinala niya. Hindio nga siya nagkamali. Siya ang nakahandusay na iyon.

"Ako yan! Pero anong ginagawa ko diyan?" Pagtataka niya ng may bigla siyang marealize "Kung ganon, Katawan ko iyan? At kaluluwa ko ang nandito sa mundo ng espiritu."Ani niya. Tumango lang ang matanda bilang sagot.

"Pero Hindi ko ho maintindihan kung bakit ako nandito?" nagugulimihanang tanong niya.

"Nandito ka. Upang palakasin ang iyong spiritual na kapangyarihan. Masama at napakalakas ng espiritu na iyong haharapin. Kailangan mong mabuhay upang matupad mo ang iniwan na kahilingan ng kaniyang Ina. " Ani ng matanda.

"Kahilingan?" Tanong niya. Hindi niya alam ang tungkol sa kahilingan na iyon. Tumango ang matanda

"Iyon ang kahilingan na dapat matupad para makatawid na ang dalaga sa kabilang buhay."Sabi ng Matanda.

"Ano naman ang kahilingan na iyon?" Tanong niya ulit.

"Hindi ko maaaring sabihin sa iyo. Dapat ikaw mismo ang makadiskubre ng kahilingan na iyon" iyon lang ang sagot ng matanda.

"Anong lugar to?"

"Nasaan tayo?"

"ang weird naman ng lugar na ito"

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon