KABANATA XLVII

37 3 0
                                    

Memories/Invitation

Hindi agad nakasagot si Jayson sa tanong niya. Napansin niyang nagdadalawang isip ang kaniyang leader kung sasabihin sa kaniya ang pinaglalagyan ng ala-ala ni Aryia.

"Sa Isang Painting ito nilagay ng kaniyang Ina" Sabi nito.

"Sa painting?"

"Oo"

Napaisip si Dlare dahil sa nalaman niya. Iniisip niya na marami siyang nakitang painting sa basement ng mansyon. Alin doon sa mga iyon nakalagay ang ala-ala ni Aryia. Pero biglang pumasok sa isip niya ang painting na iyon at malaki ang kaniyang hinala na doon nga nakalagay ang mga ala-ala ni Aryia.

"Dlare." Tawag sa kaniya ni Jayson. Napalingon naman agad siya dito ngunit lagpas ang tingin nito sa kaniya. Kaya napalingon siya sa kinaroroonan ni Aryia. Nangyayari na naman ito. Ang bagay na kinakatakot niya. Unti-unting naglalaho na naman ang kaluluwa ni Aryia.

"Aryia. Please wag kang mawala ulit" bulalas niya. Tila doon lang napansin ng dalaga na muli na naman siyang naglalaho.

"Dlare!" sigaw nito habang nagpapanic na sa nangyayari sa kaniya. Hinila niya ang dalaga upang yakapin ito ng mahigpit. Naramdaman niya ang mabilis na paghinga nito at ang pagdaloy ng luha nito sa kaniyang mga damit. Hindi na rin niya napigilan ang maluha. Nangyayari na naman ang pangamba niya mula ng muling lumitaw ito.

Pinakawalan niya ito mula sa pagkakayakap at marahan niyang hinawakan ng dalawang kamay ang mapuputlang mukha nito. Pinahid niya ang mga luha nito at tinitigan ng maigi.

"Dlare, natatakot ako" Sabi nito sa kaniya at kitang-kita niya sa mga mata nito ang takot.

"Shhh. Wag kang mag-alala. Pangako hahanapin kita kahit nasaan ka pa. Hindi ako titigil hanggat hindi kita naiiligtas pangako" Iyon lang at tuluyan na namang naglaho ang kaluluwa ni Aryia.

~~

Humahangos pa sila ni Jayson ng makarating sa simbahan.

"Sa simula pa lang alam mo na na iyan ang painting na may laman ng mga ala-ala ni Aryia?"Tanong ni Dlare kay Jayson. Narito na sila sa tapat ng painting ng langit, lupa at impyerno.

"Naging sigurado lang ako ng saniban ni Isabel si Ciel at mapadpad siya dito sa harap ng painting na iyan."Simpleng sagot nito sa kaniya. "Hindi samin sinasabi kung anong painting ba talaga ang pinaglalagyan ng mga ala-ala niya. Hindi rin kasi nalaman ng mga bawat henerasyon kung paano ba maibabalik sa kaniya ang ala-ala na iyon" patuloy nito.

"Huh? Hindi ba iyon tinuro sa inyo bawat henerasyon? As in hindi nyo talaga alam kung paano maibabalik ang ala-ala niya?" Tanong niya rito. "Bakit pa nila tinanggal ang ala-ala niya kung hindi naman pala alam kung paano ibabalik iyon?"Frustrated na niyang tanong. Sa totoo lang, kung hindi niya lang kaibigan at wala siyang tiwala kay Jayson ay sasapakin na niya ito sa sobrang frustration na binibigay nito sa araw na iyon.

Lalo pa ngayon na nawala na naman si Aryia. Ngayon, sigurado na siyang ang kumuha sa dalaga ay ang mismong pumatay rito. Hindi siya makakapayag na hindi na niya muling mahanap si Aryia ngayong nawala na naman ulit ito.

"Dlare. Kung tayong dalawa lang, hindi natin kakayanin. Maigi pang pagbalik mo sa Valenzuela saka na lang tayo magusap-usap doon. Kailangan na din malaman lahat ng members itong nangyayari ngayon." Pirmadong sinabi ni Jayson. Alam niyang kailangan nga nila ng tulong ni Ciel at ni Isabel para mahanap si Aryia.

Maaaring malaki ang maitulong ng dalawang iyon. Given na ang ang kayang gawin ni Ciel. Pero si Isabel, siya lang ang may konektado kay Aryia ngayon at sa nakaraan. Tumango na lamang si Dlare kay Jayson at bumalik na lang sila sa mansyon.

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon