ICU part 2
Nasa loob na ng ICU ang kaniyang kuya para magbantay. Ang Mama niya at si Daren ay kumakain na ng dala ng kaniyang Daddy. Nakatitig lang siya kay Odessa mula sa glass window ng ICU habang hawak niya ang burger sa isang kamay. Hindi pa rin maalis sa isipan niya ang sinabi ng kaniyang kuya.
It feels like, alam niya na mangyayari ang ganiyan sa kaniya.
Malaki ang posibilidad na totoo ang sinasabi ng kaniyang Kuya. Pero paanong alam ni Odessa ito? She Expected this to happen? Hindi niya maconnect ang lahat ng ito. Parang may isang dot pa rin na hindi niya makita kita. Kaya naman nababagabag pa rin siya. Natigil lang siya sa pag iisip ng tawagin ng kaniyang Mama ang atensyon niya.
"Palitan mo muna ang kuya mo para naman makakain na rin siya." Ani ng kaniyang Mama. Ngumiti lang siya at sumunod rito. Nagpatuloy lang siya sa pag suot ng mask at suit at pumaosk na sa loob.
"Kuya, kumain ka muna sa labas. Ako na lang muna ang magbabantay dito." Ani niya. Nagpasalamat lang ito sa kaniya at lumabas na rin. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman ngayon habang nakatingin sa babaeng nasa harapan niya na tulog at walang malay. Marami siyang gustong tanungin sa babaeng ito, na ito lamang ang makakasagot. Sigurado siyang ang pagkakaganito ng sitwasyon nito ay related sa kaso ni Aryia
~~
Dalawang araw na ang lumipas ngunit hindi pa rin nawawala sa isip niya ang sinabi ng kuya niya. Kailangan niya pang makausap sina Jayson patungkol dito.
Ika-20 ng Mayo 1780
Ito ang pinaka paborito kong panahon. Ang bukod sa tag-init ay nagmumukadkad na rin ang sari-saring bulaklak sa hardin ng masyon. Napakabango ng halimuyak nito tuwing umaga at dapit hapon. Halos araw-araw akong nagpupunta sa hardin tuwing umaga at dapit hapon upang malanghap ang mga halimuyak ng mga bulaklak. Dito rin kami nag lalakad-lakad ni Mikael. Kahit pa hindi ako masyadong umiimik at siya lamang ang palaging nagsasalita. Masaya ang tag-araw na ito dahil sa mga bulaklak. Napapawi ng ganda nila ang aking kalungkutan.
~Aryia
Binuksan ni Dlare ang pintuan ng kanilang clubroom at walang taong natagpuan don. Mukhang hindi pa tapos ang mga klase nito. Naupo lang siya sa sofa at muling binasa ang diary ni Aryia. Bagamat natapos na niya ito ay nagbabakasakali pa rin siyang may matagpuan na clue.
~~
Ika-29 ng Mayo Taon 1780
"Senyorita, nasa bababa na po si Ginoong Mikael" Ani ni Isabel sa akin. Hindi ako makasagot sa kaniya dahil ayaw kong harapin ang Ginoo. Ayoko lang naman bigyan ng maling pag-asa ang Ginoo na maari ko siyang mahalin kahit pa nakatakda na kaming ikasal
"Susunod na lang ako Isabel" wika ko. Nakatanaw pa rin ako sa bintana ng aking kuwarto, sinasamyo ang bawat sariwang hangin na pumapasok sa aking silid. Huminga ako ng malalim. Humarap ako sa salamin at pilit na ngumiti bago umalis ng aking silid. Naglakad ako pababa sa hagdanan ng mansyon. Nakita kong kausap niya sina Ama at Ina. Hindi ko man nababatid ang kanilang pinag-uusapan ngunit nakita na nila ako at sabay-sabay silang napalingon sakin. Malapad ang ngiti ni Mikael ngunit nag-iwas lamang ako ng tingin sa kaniya.
"Nandiyan ka na pala Hija. Hindi magandang pinag-hihintay ang bisita. Marapat lamang na humingi ka ng paumanhin sa Ginoo" Ani ni Ina. Yumuko lang ako at palimim na inikot ang aking mga mata. Dahil hindi ko naman nais na dalawin ao ng Mikael at ngayon ay kasalanan ko pa na pinag-hintay ko siya. Inangat ko na ang ulo ko upang humingi ng paumanhin kahit pa labag iyon sa loob ko.
BINABASA MO ANG
Three Centuries Afar
RandomDlare is an ordinary student until he met this not so ordinary girl. Then he met this weird members of this weird club. His life changes after he witness this unfortunate event and feel this uninvited feelings. R-16 po ito. Sa kadahilanang may mg...