KABANATA XV

57 3 0
                                    

Pasyal

Tumambay muna sila sa Wawa.
Isang parke kung saan malapit sa Lawa.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May mga Nagsasayaw ng zumba silang nakita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May mga Nagsasayaw ng zumba silang nakita.

Aminado sya na Moderno na ang mga tao dito. Kahit pa masasabing probinsya ito ay hindi pa rin nagpapahuli ang mga tao sa uso.

"Ang ganda naman dito at nakaka relax" Sabi ni Ciel at Huminga ng malalim upang lasalin ang sariwang hangin.

"Oo nga eh. Parang ang sarap tumira sa lugar na ito. Di katulad sa Manila puro bahay at usok." Pag sang-ayon naman ni Jisha.

"Wait. Nasan na si Eros?" Pagtatakang sabi nya.
Napalingon lahat sila sa paligid.

"Oh my gosh. Is this for real?" Napanga nga ang dalawang babaeng kasama nila.
Habang sila ay natatawa lang sapagkat nakita nila si Eros na nakikisayaw na sa mga kananayan na nagzuzumba.

"Ugh. Itinatakwil ko na sya. Hindi ko sya kilala." Wika ni Jisha. Habang tumatawa lang silang tatlo nila Jayson.

"Date Prisa a Isabel!(Hurry Isabel!)"

Napalingon si Dlare sa sumigaw. Nanlaki ang mata nya ng makita nya si Aryia. Isang masiglang aryia. Napaka haba at ganda ng damit na suot nito.
Pagbalik nya ng tingin sa mga nagsuzumba ay wala na ito. Tanging malawak na taniman ng palay ito. At may mga nakadaong na bangka sa may lawa.

Hindi rin ganoon kadami ang tao. Ang iba ay nakasimpleng baro't saya lang.

Muli nyang kinusot ang kanyang mga mata.

What the heck is going on here?

"Hintayin nyo po ako Señorita Aryia!" Sigaw ng babaeng humahabol kay Aryia.

Napatitig lang sya kay Aryia ng lumagpas ito sa kanya. Napakaganda at napaka inosente ng ngiti nito. Tila may kumalabog sa kanyang puso nang mapalingon ito sa direksyon nya ng 2 seconds dahil agad na nalipat ang tingin nito sa babaeng tinawag na Isabel.

Dumiretso ang mga ito sa bangkang nakadaong sa may lawa.

Naglakad sya papalapit sa mga ito upang marinig ang nga usapan nito.

"Ngunit Hindi maari señorita, Ako'y pagagalitan ng iyong ama kapag nalaman nyang sumakay tayo diyan." Tutol ng babaeng nagngangalang Isabel.

"Ngunit Isabel, Alam mo naman na nais ko talagang sumakay dito. Kaya pakiusap samahan mo na ako. Saglit lamang tayo. Hindi tayo magtatagal pakiusap" pagmamakaawa ni Aryia.

"Sige po. Pero ipangako nyo po na Saglit lamang señorita."

Abot langit ang ngiti ni Aryia. Halos matawa naman si Dlare sa inasal ng dalaga. Sumakay na ang mga ito at nagsagwan na ang bangkero palayo.

naramdaman nyang may humawak sa kanyang balikat.
Paglingon nya ay sumalubong sa kanya ang mukha ni Jayson.

"Dlare? Bat ka nandito?" Tanong nito sa kanya.

Napalingon naman sya sa paligid. Muli nang nagbalik ang mg nanay na nagzuzumba at kadsma pa rin si Eros. Ang palaruan ay puno ng mga bata.

Mukhng bumalik na sa normal ang kanyang paningin.

"Ah yeah. Nagpunta ko dito kasi mahangin. Saka gusto ko sanang subukan mamangka." Palusot nya.

"Ahh. Oo nga mahangin dito at mukhang masaya sumakay sa bangka. Kaso baka takot sila. Kaya sa susunod na lang siguro." Tugon ni Jayson at ngumiti.

Marahil naiisip nito na gusto nyang sumakay sila sa bangka.





Agad naman silang bumalik sa mansyon pagtapos mamalengke.

"Ang galing talaga ng pamamalengke dito. Yung mga isda buhay pa tapos papatayin na lang pag bibilhin na." Tuwang tuwa na sabi ni Ciel. Pati sa pamamalengke ay tuwang tuwa ang mga ito.

"Truth. At talaga namang sariwang sariwa pa." Pag sang ayon naman ni Jisha.

Natutuwa si Dlare sa mga nangyayari. Dahil nakikita na nya ang mga soft at funny side ng kanyang mga kasama. Hindi katulad noong nasa maynila sila puro kaso ang inaasikaso nila kaya naman seryosong mukha lamang ang nakikita nya sa mga ito. Ngunit binabagabag pa rin sya ng mga nakita nya sa simbahan at sa Wawa park.

Bakit parang nakaraan ang nakikita ko at hindi naman future? Kung Nakaraan man ang nakikita ko, Paano nangyari yon? Posible ba yun?

Agad naman nilang ibinigay sa mama nya ang pinamili nila. At naupo na sa sala.

Nagpaalam naman sya na aakyat muna sya sa kwarto nya. Nagsitanguan lang ang mga iti habang busy sa pag cecellphone.

Pag akyat nya ay dumiretso sya kwarto nya. Pagbukas nya ay automatic na napangiti sya.

Ang babaeng multo na nakasilip sa bintana ang naging dahilan ng pagngiti nya.

Nang isara nya ang pintuan ay napalingon ito sa kanya at ngiti rin.

"Bienvenido a casa el Señor(Welcome home Mister)" Bati nito sa kanya.

Nginitian na lang nya ito. Hindi naman kasi nya maintindihan ang sinabi nito kaya minabuti na lang nyang ngitian ito.

"Saan kayo nagtungo Señor Dlare?" Mahinhing tanong ni Aryia sa kanya.

"Ah namasyal lang........ ah.... Binibini" sagot nya kahit medyo nag aalangan pa sya sa huling salitang binigkas.

Napabuntong hininga ito at narinig nya ang kalungkutan nito. Iyon ang nakakuha ng atensyon nya kaya sya lumingon dito.

"Masaya siguro ang magtungo sa labas ng mansyong ito." Malungkot na sambit ni Aryia.

"Bakit? Hindi ka pa ba lumalabas ng mansyon na ito?" Tanong nya rito.

"Mula nang mamatay ako ay nananitili na lamang ako dito sa mansyon. Natatakot kasi akong baka mawala ako at hindi na makabalik sa mansyon kaya hindi ko na tinangka oang lumabas." Muli nitong ibinaling ang atensyon sa tanawin sa labas ng bintana kung saan sumasayaw ang mga palay sa bugso ng hangin.

Napngiti naman sya nung agad na makaisip sya ng bright idea.

"Gusto mo bang mamasyal? Ipapasyal kita." Anyaya nya rito. Na agad na nakuha nya ang atensyon nito.

"Paano?" Tanong nito.

"Edi mamasyal tayo sa bayan. Dadalhin kita sa simbahan at sa Wawa park. Pati na rin sa Tatlong krus." Nakangiti nyang sabi dito

"Talaga señor?" Kitang kita ang saya nito sa mukha.

"Oo naman basta ikaw" sagot mya na nakangiti na rin.

"Maraming salamat!!!" Bigkas nito at bigla syang niyakap.

Nanlaki ang mga mata nya kasabay ng malakas na kalabog ng kanyang puso. Tila may nagrarambulang daga sa loob ng kanyang tyan.

Shit. Bakit parang may mga hayop sa tyan ko na nagrarambulan. Sa pagkakaalam ko, wala naman akong bulate sa tyan.

Yayakapin nannya sana pabalik ang dalaga ngunit kumalas na ito sa pagkakayakap.

"Lo siento señor (sorry mister)" nahihiyang sabi nito at bigla ng nawala sa paningin nya.

May sasabihin pa sana sya kaso nawala na to. Hindi naman nya mapigilan ang mapangiti. Dahil sa nangyari.

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon