KABANATA XXX

45 3 0
                                    

Hi Guys. Sorry for not updating hehe. Pero I currently have what they called writer's block. And things aren't really good this past months. So I really apologize.

So Here is a special chapter. Ito pa lang ang tingin kong kaya ko. I really miss Dlare and the squad. Thanks for reading :>

*******************

Binabasa ni Dlare ang mga libro na nakita niya sa basement ng mansion. Oo bored lang siya kaya naman naisip niyang maglibot sa mansion at hindi inaasahan na makatagpo ng isang maliit na Library doon.

Namangha siya sa mga nakita niya. Tila kasing-edad ng mansion ang mga librong ito. Dahil nakasulat pa ang mga sa salitang espanyol. May isang libro siyang nakita. Walang pamagat ito. An old brown book. So unsual compare to other books. Karaniwan kasi sa mga ito ay mga kulay, dilaw, pula at marami pang iba. Bukod tangi ito dahil walang pamagat sa harapan. Maingat niyang kinuha ito dahil sa tingin niya ay kaunting hindi pag-iingat dito ay posibleng masira ito. Hindi na siya nagtingin pa at agad na umakyat sa kwarto niya.

Naupo lang siya sa kama niya at dahan dahang binuksan ang lumang libro.

Walang laman ang unang pahina.

Inilipat niya upang makita ang susunod na pahina.

"No Leas"

Niresearch niya kung ano ang ibig sabihin ng salitang nabasa niya sa pangalawang pahina ng libro.

No Leas- Don't Read

"Don't read" Bigkas niya. Napakunot-noo niya.

"Wag basahin?" It catches his curiosity. Like the same old human habit, pag sinabing huwag, ginagawa. Kaya naman inilipat na niya ang susunod na pahina.

"No Leas si No Terminas"

Muli niyang sinearch ang ibigsabihin nito.

"Don't Read if you will not Finish"

Isinara niya ang libro. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. It is not a big deal kung babasahin niya ba ito o hindi. But his curiosity want him to read the book.

Hindi niya nabasa ang libro hanggang sa makabalik na siya sa maynila. Ngunit hindi niya ito mabitawan. Maging hangaan g sa pag pasok sa school ay dala niya ito sa kaniyang bag. Inilagay niya ito sa isang Crosswise size na envelope. Dahil kasiya naman ito doon at para narin maingatang masira.

Maya-maya pa ay naramdaman niya si Ciel na nakasunod sa kaniya.

Napalingon siya dito at kahit alam na niya na kasunod niya lang si Ciel at nagulat pa rin sila sa isa't isa.

"Dlare, Anong meron sa bag mo?" Tanong ni Ciel sa kaniya.

"Ah.. Anong ibig mong sabihin? Anong meron sa bag ko? Alam na niya ang sinasabi ni Ciel pero wala siyang balak aminin agad ito.

"ah wala may nararamdaman lang siguro ako sa loob ng Bag mo. May kakaiba kasing enerhiya." Sagot nito sa kaniya. "hayaan mo na lang. Okay lang Minsan mali din tong pakiramdam ko eh" iyon lang at nilagpasan na siya ni Ciel.

No Ciel, Hindi ka nagkakamali sa pakiramdam. Dahil maging ako ay may naramdaman sa libro na ito. Kaya nga hindi ko ito mabitiwan. Hindi na lang niya iyon sinabi at hindi na rin niya hinabol pa si Ciel.

Pumasok na siya sa klase niya. Filipino subject lang naman. Kaya Inaattendan niya lang kahit wala naman siyang balak makinig sa itinuturo.

Nagsimula na ang klase ngunit wala pa rin siyang balak makinig. Nakatunganga lang siya sa mga powerpoint presentation ng kaniyang prof. Lumilipad ang isip niya tungkol sa libro na iyon.

His Filipino Prof. Press the remote to turn the slide. Napatunganga siya sa nakita niya.

It is the Old brown book na nasa bag niya

"Ito ang Librong walang pamagat. Isa sa pinaka matatandang libro sa pilipinas."

Tila biglang nagbalik loob ang diwa niya ng magsimula na siyang makinig sa professor niya.

"Hindi alam kung Sino ang sumulat niyan. Dadalawang Kopya lamang ang meron nito sa Buong mundo. Dahil ginawa ito ng Author para sa dalawa niyang pinaka mamahal na asawa at anak. Iyon ay ayon lamang sa mga salin ng salita noong unang panahon. Na kung tawagin ngayon ay chismis" Paliwanag ng kaniyang Prof na siyang ikinatawa naman ng iba niya pang mga kaklase.

Nagpatuloy lang siya sa pakikinig.

"Ayon sa mga nakakita ng libro at sa mga nakabasa nito, Isa itong napaka gandang libro kung babasahin. Yun nga lang ay nakasalin ito sa salitang espansyol."

Napa "oooooooooooooohhhhhhhhh" Ang mga kaklase niya. Samantalang siya ay hindi man lang siya maka[paniwala na hawak niya ang isa sa mga kopya nito.

"Nasaan na po ngayon ang dalawang libro na iyan?"Tanong ng isa niyang kaklase.

"Sa totoo lang, ang isang kopya ay nasa museum na sa ibang bansa at ang isa naman ay hindi pa nakikita."

Napalunok siya

"Wala silang mahanap na clue kung nasaan ang isa pang Kopya."

Hindi makapaniwala si Dlare sa naririnig niya. Paano kaya kung malaman ng kanyang prof na nasa kanya ang isang kopya nito? Anong mangyayari?

"San po ba natagpuan ang unang kopya.?" Tanong ng isa niya pang kaklase.

"Natagpuan nila ito sa isa sa mga kuweba na ginamit ng katipunero. Pinaghihinalaan nila na pag-aari ito ni Bonifacio. Ngunit wala itong patunay dahil hindi naman ito nakasama sa nasabing ari-arian ni Bonifacio nung mamatay siya. May ilan ding nagsasabi na baka pag-aari iyon ni Jose Rizal, pero wala rin nakapagpatunay. Kaya naman ay pinagdesisyunan na ilagay ito sa isang museum sa ibang bansa dahil hindi naman daw maalagaan dito sa pinas."

Madami na sa mga kaklase niya ang nagtalo na dapat ay nasa pinas ang librong iyon ang iba naman, ay pabor na nasa ibang bansa iyon.

Pero hindi iyon ang nasa isip ni Dlare. Ang iniisip niya ay paanong napunta ito sa Mansion na tinitirhan niya.

Dadalawang kopya lamang ng librong iyan ang mayroon sa buong mundo. Kaya naman hindi niya alam ang magiging reaksyon niya.

Umuwi siya ng Dorm. At hinawakan ang libro. Ngayon na nalaman niya na na kasama ito sa kasay-sayan, kumbaga ay historical ito ay lalo niya itong gustong basahin.

Pero hindi pa rin siya sigurado kung babasahin niya ito dahil sa babala na napasa niya sa unang dalawang pahina ng libro.

Huwag babasahin kung hindi tatapusin.

Huwag basahin.

Sigurado siya na babala ang mga iyon.

********************

A/n: Wala talaga akong maisip. Huhu Grabe yung writer's block ko. Its been months na. Thank you for reading this story though ang tagal kong mag update. IDK kung special chapter to haaha baka magbago pa isip ko hehehe

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon