Si Aryia at ang kanyang misteryo
Magpapasko na kung tutuusin. Pero ngayon lang nawala ang pagiging excited ni Dlare sa kapaskuhan. Nabalot ng matinding kuryosidad ang kanyang pagkatao dahil sa sinabi ng babaeng multo, na ngayon ay nakatayo sa harap ng bintana.
" Senyor" napalingon sa babaeng multo nang magsalita ito.
"Kung iyong pahihintulutan, nais kong malaman ang iyong ngalan" nakayukong sabi ng babaeng Multo. Base sa kinilos nito, tila ito ay nahihiya.
"Dlare" sagot nya. Nag-angat naman ito ng tingin sa kanya.
"Dlare ang pangalan ko"
"Dlare? isang kakaibang pangalan. Ngayon lamang ako nakarinig ng ganyang pangalan" Ngumiti ito sa kanya. Tila ito pa lamang ang pinakamagandang ngiti na kanyang nakita sa buong buhay nya.
"Gracias senyor Dlare sa iyong pagliligtas sa akin." Nakangiting sinabi ng babaeng multo.
"I-ikaw?" bakit ako nauutal?!
Bahagyang napayuko muli ang babaeng multo na tila nahihiya at kinikilig sa kanyang tanong."Me llamo Aryia"wika nito. Napatitig lang si Dlare sa babaeng multo at naalala nyang ito rin ang sinabi nito nung una nya itong makita.
"Ah, ano nga ulit yung sinabi mo? Pasensya na at hindi ko maintindihan"
"paumanhin senyor, sa aking akala, ikaw ay marunong ng salitang espanyol. Ngunit mukhang nagkamali ako. Ang aking ngalan ay Aryia"
"Ah Aryia. Pasensya na at hindi na kasi ginagamit ang lingwahe ng espanyol ngayong taon."
Nakangiti nyang sabi. Hindi nya alam pero parang ang babaw ng usapan nila upang ngumiti sya."Naiintindihan ko senyor. Matagal na panahon na rin noong umalis ang mga magulang ko sa bahay na ito at hindi ko na silang nakita pang muli."
Isang malungkot na ekspresyon ang nakita ni Dlare sa mukha ni Aryia. Maging sya ay nakaramdam bigla ng lungkot.
"Anong taon ba noong namatay ka Aryia?" lumingon ito sa kanya at ngumiti.
Isang malungkot na ngiti at umiling. Mukhang maging ang taon ng pagkamatay nito ay hindi na nito maalala. Muling tumingin sa labas ng bintana si Aryia. Habang sya naman ay nanatiling nakatitig sa dalagang multo.
Ika-6 ng Nobyembre taong 1779
"Senyorita!"
Napalingon si Aryia sa kanyang kaibigan na si Isabel. Nakita nyang hingal na hingal ito habang bitbit ang kanyang mga damit na nakabalot sa malaking tela.
"Prisa Isabel! Ako'y hindi na makapag hintay na makita ang loob ng bagong mansion!" nakangiti at masayang masayang wika ni Aryia.
Masayang masaya at sabik na sabik si Aryia na makita ang Loob ng kanilang bagong mansion. Halos Tatlong taon itong ipinagawa ng kanyang Ama kaya naman sabik na sabik sya.
Napatigil sa harap ng mansion si Aryia upang titigan ang kabuuan ng mansion sa malapitan. Lalong lumapad ang kanyang ngiti sapagkat mas maganda ito sa malapitan kumpara sa malayo.
Nilingon nya ang katabi nyang si Isabel na hinahabol pa ang hininga habang nakangiting tinitingnan ang kabuuan ng mansion.
"Napakaganda senyorita Aryia!" wika nito.
"Katotohanan ang iyong binanggit Isabel.! Kaya naman tayo na't magmadali upang masilayan na natin ang loob nito"
Sabay silang pumasok ni Isabel sa loob at Umaasa na isang bagong buhay ang kanilang masisilayan at makakamtan sa bahay na ito.
BINABASA MO ANG
Three Centuries Afar
RandomDlare is an ordinary student until he met this not so ordinary girl. Then he met this weird members of this weird club. His life changes after he witness this unfortunate event and feel this uninvited feelings. R-16 po ito. Sa kadahilanang may mg...