Vacation at Kerr's Mansion
Isang linggo ang napagkasunduang itatagal ng mga kamyembro nya sa Mystery Club.
Kasya sila sa Van na ipinadala ng kanyang Ama. May kasama pang Driver.
" I can't really imagine what it feels living inside a 300 year old mansion. Anong pakiramdam Dlare?" Si Eros iyon.
Kanina pa ito maingay at halatang halatang excited sa kanilang pupuntahan. Napabuntong hininga na lamang sya. Mukhang sya lang ang hindi natutuwa sa nangyayari.
Its not that I don't want them to go to our House. Pero kasi........ ah basta, ayaw ko.
Ang dalawang babae ay naaaliw na sa nakikitang malawak na laguna lake habang nasa byahe ng bundok ng sierra madre.
Zigzag ang daanan pero mukhang wala namang nahihilo sa kanilang lahat.
At ang totoo pa nga nyan ay nag eenjoy pa ang mga ito sa magandandang tanawin na dala ng malawak na laguna lake.
Hindi makappaniwala si Dlare na pumayag ang kanyang mga magulang.
Nakatayo na ang silang lahat sa tapat ng malaking gate ng mansyon.
"Napakalaki talaga!! Masarap ba tumira dito Dlare?" Manghang manghang tanong ni Eros.
"Uhh..."
Hindi nya alam kung alam ang isasagot dahil hindi naman pa sila ganun katagal naninirahan sa mansyong ito.
"Di bale, mararanasan mo naman na Eros" biglang sabad naman ni Jayson. Na lumingon naman sa kanya at ngumiti.
Ngumiti naman sya ng pilit. Nang ialis naman ni Jayson ang tingin sa kanya ay napabuntong hininga naman sya .
"Ma!! Nandito na sila!" Sigaw ng kanyang kapatid na babaeng si Daren na sumalubong sa kanila ng pumasok sila sa loob ng mansyon.
Pinanlakihan naman sya ng mata ni Daren na parang sinasabi nitong ipakikilala nya ito sa kanyang mga kasama.
Napabuntong hininga muli sya bago magsalita.
"Uh. Guys, ito yung kapatid kong si Daren. Bunso namin"
Agad naman ngumiti ito sa mga kasama nya.
"Uh, Daren ito si Jayson, Eros, Ciel at Jisha. Mga kaibigan ko"pakilala nya.
"Hi!. Buti naman at may kaibigan pala si Kuya." Sarkastikong sabi ni Daren sa kanya sabay tingin sa kanya.
"Ah. Kung may kailangan kayo wag kayong mahiya na tawagin ako." Dagdag pa nito at agad na napangiti naman ang kanyang mga kasama.Bumaba na ang kanyang ina sa engrandeng hagdanan nilang medyo luma na ay agad itong napangiti at sinalubong sila.
Ipinakilala nya rin ang mga ito sa kanyang ina.Dinala na ni Dlare ang kanyang mga kasama sa kani kanilang kwarto. Marami naman kaseng bakanteng kwarto ang mansyon kaya naman binigyan nila ng tigiisang kwarto.
"Salamat Dlare" nakangiti namang sabi ni Jisha dahil ito ang huli nyang inihatid sa kwarto.
"Uh..welcome" saka pilit syang ngumiti.
Hindi nya alam kung bakit hindi sya kumportable na nandito ang kanyang mga kasama.
Naglakad na sya patungo sa kanyang silid. Pagbukas nya nakita nyang ganun oa rin ang ayos nito. Kumpleto na ang kanyang gamit. Kahit na luma ang itsura ng kwarto nya ay puro bago naman ang kagamitan nya.
Naglakad sya patungo sa bintana at binuksan iyon. Tanaw na tanaw nya ang mga palayan at ang buwan.
Huminga sya ng malalim at pumikit. Umihip ang hangin na syang nagdala sa kanya ng kakaibang freshness sa pakiramdam.
BINABASA MO ANG
Three Centuries Afar
Ngẫu nhiênDlare is an ordinary student until he met this not so ordinary girl. Then he met this weird members of this weird club. His life changes after he witness this unfortunate event and feel this uninvited feelings. R-16 po ito. Sa kadahilanang may mg...