KABANATA LIII

28 3 0
                                    

Mikael

Naghiwa-hiwalay ang grupo nila Dlare upang hanapin kung nasaan si Aryia. Naghati sila sa tatlong grupo. Sina Ciel at Jayson ang unang grupo, habang si Jisha at Eros naman ang nasa pangalawang grupo at ang huli ay siya at si Luis. Hindi man niya gusto ang kasama ay hindi na lang muna niya iyon inisip dahil ang mhalaga ay ang paghahanap nila kay Aryia. Isa pa tingin niya ay kaya naman niyang labanan ito kung sakali man na traydor nga ito. Nasa underground sila. May mga liwanag naman at sana lang ay wala silang makasalubong rito. Malakas kasi ang kutob niya na nandito lang ang dalaga. Ang unang dalawang grupo naman ay nasa mas mataas na palapag ng building.

"Alam kong wala kang tiwala sa'kin pero handa talaga ako na patunayan sa'yo na nandito ako para tulungan ka sa iyong hangarin" Sabi ng kasama niya. Hindi agad siya kumibo. Tumigil siya paglalakad at nilingon ito.

"Sino ka ba talaga? Alam mo hindi ko maintindihan kung ano nga bang ginagawa mo doon nang araw na lumitaw ulit si Angela. Tapos nung nakita ulit kita sa school, umarte ka na hindi mo ko kilala. At hinanap ka pa namin at hindi ka namin nakita, bigla ka na lang nawala. At ngayon, kasama ka na namin dito. Sobrang weird lang. Hindi ko maisip kung ano ba ang pinaplano mo" Sabi niya rito. Hindi niya kasi talaga alam kung ano ang iisipin niya dahil sa mga ginagawa ng lalaking ito.

"Naiintindihan ko. Gusto ko lang sabihin na handa akong magbuwis ng buhay para lang mailigtas si Aryia" Wika nito.

Sobrang naweirduhan siya sa mga sinabi nito ngunit hinayaan niya na lang dahil baka may makarinig pa sa pag-uusap nila.

Sobrang dami ng pintuan na binubuksan nila pero kung hindi ito tambakan ng mga gamit ay isa naman itong silid na walang laman. Pagtingin niya sa orasan ay alas-otso na ng gabi. Hindi na pala niya namalayan ang oras. Nanatili pa rin siya sa paghahanap. Nakakasiguro siya na nandito lang sa lugar na ito si Aryia.

"Dlare!" Narinig niyang tawag sa kaniya. Bago pa siya mapalingon ay nakaramdam na siya ng biglang pagsakit ng batok niya. Naramdaman niyang bumagsak siya at tuluyan na siyang nawalan ng malay.

~~

Nagising si Dlare sa isang hindi pamilyar na lugar. Napansin niya agad ang mga katabi niya. Shit. Hindi maganda ito. Napalingon siya sa paligid. Napakadaming dekorasyon na sa palagay niya ay tungkol sa black magic. Hindi niya alam kung anong lugar na naman itong kinaroroonan nila ng mystery club. Tingin niya pa ay wala ni isa sa mga ito ang nakahanap kay Aryia dahil tulad niya ay nakatali rin ang mga kamay nito. Magkakatabi silang nakaupo, nakataas ang mga kamaya habang nakatali ito sa isang bakal na railing.

Marami siyang nakitang nakahood na biglang pumasok sa silid. Tinignan niya pang mabuti isa-isa ito, baka sakaling makilala niya ang isa sa mga ito. Ngunit dahil na rin sa haba ng mga suot at haba ng hood nito ay bigo siyang makilala ang isa sa mga ito. Nasa gilid lang sila ng silid kaya medyo malapit sila sa mga pumasok sa pintuan. Hanggang isa-isang nahawi ang mga ito. Mukhang daan ang isang napaka importanteng tao.

Narinig niya ang yabang ng sapatos ng isang babae, sa palagay niya pa ay si Odessa ang naglalakad na iyon. Unti-unting nahawi ang mga taong nakahood sa harapan niya. Hindi nga siya nabigo ng makitang papalapit sa kaniya ang babaeng kinamumuhian na niya ngayon.

"Pangalawang beses na ito sa araw na ito Dlare, Sadya bang mahilig kang magpahulli?" sabi nito at ngumisi. Isang ngising nagpapakulo ng dugo niya. "Pero mabuti na rin iyon, dahil ngayon hindi ka na nag-iisa, anim na kayo" Sabi pa nito at naglakad pa palapit sa mga kasama niya. Hindi niya maalis ang tingin kay Odessa. "Mukhang may bago kayong recruit ha? The Old Lover?" muling wika nito at tumawa ng malakas.

Napakunot noo niya sa sinabi nito. She even bow to reach Luis's chin and lifted it up.

"Kamusta na? Matagal din kitang hinanap, Mikael or should I say Luis?" Ani ni Odessa at tumawa. Agad siyang napalingon sa kaniyang katabi.

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon