KABANATA IX

73 3 0
                                    

KAMBAL

Ika-20 ng Marso.
Tatlong araw na mula nang pumunta sila sa School underground. Hindi nya pa rin nasasabi sa kanyang mga kamyembro ang tungkol sa Apat na letra na kanyang nakita sa malaking pintuan.

Nag research pa sya tungkol sa Apat na letra na iyon. Pero wala syang mahanap.

Wala sya sa klase. Nakatambay sya sa Clubroom kasama ang iba pang myembro. Tanging si Eros lamang ang wala sa club room.

"We must still investigate that underground. Delikado pa rin na pabayaan natin ang mga freak na gumagawa ng exorcism doon" biglang wika ni Jayson.

"Yeah. Pero kailangan pa rin nating maging mas ganda dahil hindi natin alam kung anong klaseng mga elemento ang nasa loob nun." Tugon naman ni Jisha at inadjust ang kanyang eyeglasses sabay sa paglipat ng pahina ng binabasang libro

Nakarinig sila ng katok. Agad naman syang tumayo dahil sya ang pinakamalapit sa pinto para na rin mapagbuksan ang kung sinoman yon.

Pagbukas nya ay isang babae ang bumungad sa kanyang harap. Halata sa mukha nito ang takot at palingon lingon ito sa magkabilang gilid.

"Tulungan nyo ko" banggit nito sabay hablot sa kanyang damit. Lumandas ang luha nito sa pisngi at tila hindi mapakali. Nang wala itong makuhang reaksyon sa kanya ay agad sya nitong nilagpasan at dire-diretsong pumasok sa loob.

Kasabay ng pagsara nya ng pinto ay ang paghagulgol sa iyak ng babae.
Lahat sila ay napatingin dito. Agad naman tumayo si Ciel at may kung anong gagawin. Nanatili ang kanyang tingin sa babaeng umiiyak.

Bumalik na sya sa pwesto niya kanina ngunit di nya pa rin naalis ang tingin sa babae.

Lumapit si Ciel sa babae ah hinaplos ang likod nito kasabay ng paglapag ng isang basong may tubig sa harap nito. Ininom naman ito ng babae at kumalma.

"Hmm. So Can you tell us your name?" Untag ni Jayson. Marahil ay napansin din nitong kumalma na ang babae.

"Angela Rianne De Reyes"matipid na sagot ng babae kay Jayson.

"So ano bang maitutulong namin sayo?"

Tahimik ang lahat at parang walang gustong magsalita at natatakot na mulo na namang umiyak ang babaeng nasa harapan nila.

Hindi agad sumagot ang babae. Nanginginig ang kamay nito habang hawak ang baso na kalahati ang lamang tubig.

"It's okay. You can trust us. This room is secured. May proteksyon ito kaya naman walang makakapasok na anuman dito" mahinahong paliwanag ni Jayson sa babae.

Huminga ng malalim at pumikit ang babae at tila kinakalma nito ang sarili.

"Taga CHTM ako."

Tumango si Jayson

"Anong maipaglilingkod namin sayo?"

"Y-yung k-kambal k-ko" nauutal nitong pagsasalita.

"M-may k-kumuha s-sa ka-kanya." Muling pumikit ang babae sabay sa pag ubos sa natitirang laman ng baso. Huminga ito ng malalim bago pa magsalita.

"Tatlong araw na ang nakakalipas. Magkikita dapat kami may Gym dahil sabay kami umuwi. Lalapitan ko na sana sya ng makita kong may kausap syang isang babae at dalawang lalaki. Nakita kong may binulong lang ang babae sa kanya tapps bigla syang nawalan ng malay" pagkwento nito.

"Mukhang nagkakamali ka ng pinuntahan Miss. Hindi kami detective club. Dapat ay pulis ang tinawagan mo at hindi kami." Sabi ni Jisha.

Umiling ang babae.

"Hindi. Hindi ako nagkakamali ng pinuntahan." Pagtutol ni Angela. "Matapos nyang mawalan ng malay ay bumagsak sya sa sahig ng gym at umalis na ang babae at dalawang lalaking kasama nito. Nilapitan ko ang kapatid ko at pilit na tumawag ng tulong. Nung  dadalhin na dapat sya infirmary nagising sya. Pero mula non, Nag iba na sya. Hindi na sya yung kakambal na kilala ko."
Nagtinginan silang lahat. Tanging si Jayson lang ang nananatiling nakatingin kay Angela.

"Pagkatapos ng nangyari sa kanya ay umuwi na kami sa Dorm. Sabay naman kaming natulog. Nagising na lang ako ng makarinig ako ng isang ungol. Pagmulat ko. Nakita kong katalik nya ang bestfriend namin since Highschool. May liwanag na tumatagas mula sa bintana namin galing sa poste ng ilaw sa labas ng kwarto namin kaya naman nakilaka ko kung sino yung lalaki. Magkatapat lang ang kama namin sa kwarto ng Dorm kaya naman nakita ko iyon." Napalunok ang babae at nakatulala habang nagkkwento. It seems she really reminiscing the moment.

"Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Hindi ako nakialam sa kanila ng bestfriend namin. Maya-maya pa ay narinig kong may nagbukas ng pintuan. Nang narinig ko itong sumara at saka ako bumangon at binuksan ang ilaw. Pero natakot na ako sa nakita ko..." muling tumulo ang luha sa mukha ni Angela. "Dugo. Napakaraming dugo ang nakakalat mula sa Kama ng Kakambal ko hanggang sa sahig papalabas ng pinto." Nagsimula nang humikbi ito.

"Natatakot ako sa naiisip ko na baka may namatay sa kanilang dalawa. Pero paano yun mangyayari diba? Nagtalik lang naman sila. Kaya wala na akong ginawa kungdi ang linisin ang dugo na nasa sahig. At palitan ang kubrekama nya ng gabing iyon. Kinabukasan ay okay na sya. Parang walang nangyari nung gabi. At yung mismong araw na iyon ay nabalitaan ko na nawawala ang kaibigan namin. Nung tinanong ko sya. Sabi nya lang ay wala syang maalala nung gabi."

hindi na ito tumigil sa pag iyak pero nagpatuloy pa rin sa pagkkwento.

"Pangalawang gabi. Hindi kami sabay umuwi. Pag uwi ko ay nahiga ako. Pero hindi para matulog kundi abangan kung anong mangyayari sa pangalawang gabi. Pasado alas dose na sya umuwi. May kasama sya. Hindi ko kilala pero ayon sa kulay ng uniform nya ay galing sya sa CIT. Noong gabing iyon, Hindi ako nagtalukbong. Pinanuod ko lang sila. Hindi ko alam kung alam nung lalaki na nanunuod ako. Pero sigurado akong alam ng kakambal ko. Nang matapos sila sa ginagawa nilang dalawa. Ay nakita kong May hawak na kutsilyo ang kapatid ko....." Humagulgol itong muli. "Hindi ko alam kung saan nya nakuha iyon. Pero Diretsong itinarak nya ito sa dibdib ng lalaki. Hinugot nya at sa isang iglap bumagsak ito at patay na."

"Hinila nya ang katawan nito palabas ng pinto. Nang makalabas sya ay para akong mababaliw na lahat ng nasaksihan ko." Tinakpan na nito ang mukha nito at inilabas ang iyak na tila kanina pa nito pinipigilan.

"Anong nangyari  kagabi?" Curious na tanong nya. Hindi sya nito nilingon at umiling lang ito.
"Pagkatapos kong linisin muli ang dugong nakakakalat sa kwarto namin ay umalis ako dun dala ang ibang mga gamit. At tumuloy sa apartment ng kaklase ko."

"Kung ganoon,ay bakit tila natataranta ka ng dumating ka dito" tanong nya ulit.

"Dahil simula ng gabing umalis ako sa apartment namin ay nararamdaman kong laging may nakamasid sa akin. Laging nakasunod sakin kahit anong gawin ko. Lagi akong nakakaramdam ng takot kaya naman nagpasya ako na humingi ng tulong sa inyo."

"Hmm this is an interesting case" deklara ni Jayson

"Pero Jayson may mga Hang ups pa tayo sa mga previous case natin." Tutol nya.

"So? Matitiis mo ba na maubos ang mga kalahi nyong adan dahil sa isang sex maniac demon para unahin ang iba nating kaso?" Sarcastic na tanong ni Jisha.

"Jisha's right Dlare. It's more urgent than  our other cases na hindi naman tayo makausad. Mas mabuti na sigurong may masolve tayong kaso habang hindi tayo makausad sa ibang kaso natin" sabi sa kanya ni Ciel.

Wala na syang nagawa kundi ang umiling na lang

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon