Kampo
"Sigurado ba kayo sa gagawin natin?" Tanong ni Eros sa kanila.
"Kailangan natin iligtas ang buong kampo na ito." Tugon ni Jisha rito.
Kasalukuyan silang nasa loob ng kampo kung saang lugar nagttraining ang kanilang kliyenteng si Fred. Hindi na rin nila sinama pa ito dahil magiging delikado.
Hawak ni Dlare ang kanyang lace bilang paghanda sa pakikipaglaban.
Kasama si Fred, isang Dormitory ang kanilang pinasukan. Kanya kaniyang bukas sila ng flashlight nila.
"Pumwesto na kayo sa bawat kama." Utos ni Jayson sa kanila.
Huminga muna siya ng malalim bago pumwesto sa kama na napili."Okay. Tandaan niyo na hintayin nyo na bumukas ang portal na nagdudugtong sa mga panaginip. Pero gusto ko lang din na ipaalam na ang portal ay hindi lamang lalabas ng kusa dapat nyo itong hanapin. Maaari itong maging bagay o kung ano man ang lalabas sa inyong panaginip. Fred, hintayin mo lang sila at gawin mo ang lahat upang hindi ka masaktan ni Kyle sa panaginip mo. Magtiwala ka lang at darating kami." Instruction ni Jayson habang si Fred naman ay tumango lang kahit halatang natatakot ito ay mukhang pinagana pa rin ang lakas ng loob.
Si Fred ang kanilang magiging pain kay Kyle. Sigurado na na ito ang susunod na target ng pumapatay na multo.
"Jayson, paano kung hindi namin magawang kontrolin ang panaginip namin? O kahit maglakbay ?" Tanong ni Eros.
"Ugh. So stupid shit. Gumawa na nga ng spell si Ciel kanina and she cast it to us. Kaya magagawa na nating maglakbay sa mga panaginip ng iba." Tugon ni Jisha.
Totoong nag cast ns ng spell sa buong katawan nila si Ciel kaya naman sa oras na ipikit nila ang kanilang mga mata ay diretso na silang makakatulog.
Tumingin siya sa kanyang wrist watch halos kulang isang minuto na lang ay mag aalas-dose na.
Ipinikit na niya ang kanyang nga mata upang masimulan na ang misyon.
Isang maaliwalas na langit ang medyo sumilaw sa kanya. Napaka ganda ng paligid at payapang-payapa. Lumingon lingon sya sa paligid ng mapansin nya ang mansion Ang mansyon kung saan sya nakatira. Ang Kerr Mansion.
Nakakita siya ng isang pigura na nakatayo ngunit hindi niya maaninag kung ano man iyon.
Paliramdam niya ay sumisikip amg kanyang kinaroroonan.
"Shit. Anong nangyayari? Bakit hindi ako makahinga?" Sambit niya.
Kailangan hanapin ang portal na nagdudugtong sa mga panaginip
Naalala niya ang kailangan niyang gawin.Isang babae ang nakita nyang naglalakad papalapit sa kanya mula sa pintuan ng Mansyon.
"Aryia"
Nakita nya ang pigura ni Aryia na unti-unting naglalakad papunta sa harapan nya. Nang mas makalapit pa ito sa kanya ay nakangiti ito.
"Aryia..." mahinahing tawag niya rito.
"Dlare...."
Nang makalapit ito sa kanya ay agad niya itong hinigit upang yakapin.
"Nagagalak akong muli kang makita" sambit nito habang magkayakap sila.
Kumalas na siya sa pagkakayakap. Hinawakan nya ang mukha nito ay inalis ang buhok na makaharang sa mukha nito.
Nanatili pa rin ang kanyang purong kagandahan. Napangiti siya sa sinabi ng munting tinig sa kanyang utak.
Ngumiti ito sa kanya. Ngiting miss na miss na niya. Ngiting kay tagal niyang hindi nasilayan. Ngiting palaging nagpapagaan sa kanyang nararamdaman. Ngiting nagpapakita ng kagandahan ng mundo nya. Ang ngiting nagpapabilis ng tibok ng puso nya.
BINABASA MO ANG
Three Centuries Afar
De TodoDlare is an ordinary student until he met this not so ordinary girl. Then he met this weird members of this weird club. His life changes after he witness this unfortunate event and feel this uninvited feelings. R-16 po ito. Sa kadahilanang may mg...