KABANATA XXI

47 3 0
                                    

Ligtas
Maganda ang pag sikat ng buwan sa gabing iyon. Pero hindi iyon maappreciate ni Dlare dahil sa sobrang pag iisip.

Bumabagabag  pa rin sa kanya ang pagkawala ni Aryia.

"Dlare." Napalingon sya kay Jayson na siyang nagsalita at pumasok sa kanyang kwarto. Nasa usual spot siya ng kwarto. Sa tapat ng bintana.

"Ikaw pala." Kahit gusto nyang ngitian ay hindi niya magawa dahil sigurado siyang bakas sa kanyang mukha ang pagaalala sa isang babae na palagi na lamang laman ng kanyang isip. Muli niyang ibinalik ang kanyang tingin sa labas ng bintana na may magandang tanawin.

"Babalik na kami ng manila bukas." Deklara nito na siyang muling nakakuha ng kanyang atensyon.

"Uhm. Yeah. I know. Nawawala si Aryia but you know 1 week lang ang paalam namin sa parents namin and for sure they'll freak out pag hindi kami umuwi." Paliwanag nito.

Napatango naman siya. Hindi mapigilan ang panghihinayang na nararamdaman. Iniexpect niya kasi na tutulungan siya ng mga ito. Well it's not just na hindi sya tutulungan ng mga ito. Siguro ay nakalimutan na niya na isang linggo na rin ang lumipas mula ng dumating sila sa mansyon.

"Mahahanap rin natin siya Dlare. Don't worry" wika ni Jayson na hindi niya alam kung paniniwalaan niya. Napabuntong hininha na lang siya at naramdaman ang pagtapik nito sa kanyang likod.

"Jayson!"
Pabalabag na bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at hapong-hapo ang itsura ni Eros.

"Si Ciel!"
Agad silang nagkatinginan ni Jayson at sabay-sabay silang napatakbo palabas ng kanyang kwarto patungo sa kwarto ni Ciel at Jisha.

Tila isang malakas na pagtambol ang naramdaman ni Dlare sa kanyang puso.
Nakahiga si Ciel sa Ere. Oo nakalutang ito sa ere. Lahat sila ay nakatingala lang rito.

Unti-unting bumangon ang katawan nito na nakahiga sa ere. Bumukas ang mga mata.

"Ginoo" isang kakaibang boses ang kanilang narinig. Hindi boses ni Ciel ngunit hindi maipagkakailang isang boses rin ng babae.

"Pakiusap. Tulungan nyo si Señorita"
Unti-unting bumaba ang katawan ni Ciel. Mataimtim na nakatingin sa kanya ang mga mata ni Ciel na punong-puno ng pagmamakaawa.

"Sino ka?" Lakas na loob niyang itanong sa espirito ng lumapat na ang paa ni Ciel sa sahig at nakatindig na ito ng maayos.

"Ako si Isabel---Aaaaaaaaaahhhhhhhhh!" Pagtapos ng nakakarinding sigaw na iyon ay bumagsak ang katawan ni Ciel sa sahig na sinalo naman ni Eros.

Lahat sila ay nagtungo papalapit kay Ciel. Wala pa rin  itong malay maklipas ng ilang minuto kaya napagpasyahan nilang ihiga sa kama at hayaan itong makapagpahinga.

Isang tunog ng cellphone ang bumasag sa katahimikan nila. Cellphone niya pala iyon.

"Hello ma." Pagsagot niya sa tumatawag. Napatingin siyang muli lay Ciel. Mabuti na laman pala ay nasa ospital ang kanyang magulang at mga kapatid.

"Gabi pa kami makakauwi diyan. At hindi pa rin kasi nagigising si Odessa" sabi ng kanyang ina sa kabilang linya

"Sige ma ako na ang bahala dito sa bahay." Tugon niya bago ibaba ang tawag.

Napabuntong hininga na lang siya.

"Ciel!"
Napalingon siya sa sigaw ni Jisha. Muli nang nagkamalay si Ciel.

"S-sa s-sim.....ba...han.." nanghihina nitong sabi.

"Ano?"nagugulumihanang tanong ni  Jisha.

"Si-m...b-a...ha-n" ulit ni Ciel.

Napanganga silang lahat  Sa Simbahan ang tinutukoy ni Ciel.

~

Napatigil si Dlare sa harap ng St. James Apostle church. Ang nag iisang simbahang romano sa buong Paete.

Narinig nya ang hingal ng mga kasama dahil sa pagtakbo nila.

"Dlare, anong plano mo? " Si jayson iyon na hingal pa rin dahil sa pagbuhat nya sa kanyang likuran ang nanghihinang si Ciel.

Hindi sya sumagot at taimtim na nakatingin sa saradong pintuan ng simbahan. Palubog pa lamg ang araw at buhay na buhay pa ang diwa ng mga taong nasa plaza na malapit sa simbahan.

"Dlare maraming makakakita. Hindi pa ito ang tamang oras." Dinig nyang wika ni Jayson .

"Oo nga Dlare. At maaring mas mapahamak pa si Aryia ng ginagawa natin" Si Eros iyon.

Naikuyom nya ang kanyang kamao. Gusto nyang Magmura ng malakas dahil sa sobrang inis nya sa kumuha kay Aryia at sa sarili mya na hanggang ngayon ay wala pa rin syang nagagawa.

"DLARE." matigas at puno ng autoridad na bigkas ni Jayson. Napalingon sya dito. Sinamaan nya lang ng tingin ang kanyang lider.

Ganun rin naman ito sa kanya.

"What the. Guys hindi ito ang tamang oras para mag away.ano ba?" Reklamo ni Jisha.

Napayuko na lang sya at huminga ng malalim. Naiinis man sya. Pero tama ang mga kasama nya. Hindi dapat sya magpadalos dalos. Kailangan nya ng plano.

Tinalikuran na nya ang simbahan at naglakad na palayo.

~

"Hindi ko pa nakita na ganoon kagalit si Dlare." Bigkas ni Eros na sinang-ayunan naman ni Jisha.

"What do you think Jayson? Nag aalala kasi ako. Palagay ay hindi muna dapat natin isali si Dlare sa misyon na iligtas si Aryia"  napabuntong hininga lang sya at nanatiling nakatingin sa kawalan habang nag iisip.

Nag iisip sya ng plano upang mailigtas si Aryia.

"Ciel" tawag nya.

"Bakit?"

"Noong sumapi sayo si Isabel, mayroon ba syang iniwang impormasyon?" Ininaling na nya ang tingin nya rito.

" Meron. Pero hindi ko pa maaring isiwalat."

Napansin nyang napanganga ang dalawa oa nilang kasama. Habang siya naman ay hindi na nagulat dahil normal lang naman iyon sa mga kaluluwa ang madaming sikreto.

"Nagtitiwala ako sayo Ciel" wika nya.

Tumango lamang ito.

Nang makarinig ng ingay mula sa baba ay nagpasya na silang bumaba. Marahil ay dumating na ang magulang ni Dlare.

"Ma. Kamusta?" Iyon ang bungad ni Dlare sa kanyang ina.

"Okay naman. Sabi ng doktor ay kailangan ng pahinga ni Des. Kaya naman nagdesisyon na lang kaming umuwi dito dahil mukhang na over fatigue lang sya."

Nakita nyang sumunod ja pumasok ang kuya ni Dlare at syang diretsong umakyat sa taas upang makapagpahinga na ang buhat nitong babae.

Napansin nyang nanlaki ang mata ni Ciel at hinabol nito ng paningin ang babaeng buhay habang patuloy na umaakyat si DJ.

Tila nabahala sya ng wala sa oras ng muntikan ng mapaupo si Ciel kung hindi lang inalalayan ni Eros.

Fuck. He knew it. There something they need to know about Odessa.

~

A/N: Hi Guys It's me Ezra. Yung last POV ay kay Jayson. I hope di kayo naguluhan. Next chapter ay kay Aryia lang na POV . Ito yung unang chapter na sya ang may View. Anyway thanks for reading :)

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon