KABANATA XXXIV

39 3 0
                                    

Tail part 2

Ika- 1 Pebrero Taon 1780

Hindi malaman ni Aryia ang kaniyang gagawin. Isang buwan na siyang nagkukulong sa kaniyang silid. Simula ng ianunsyo ng kaniyang ama na si Don Idoncio ang nalalapit na pag-iisang dibdib nila ni Mikael Delos Reyes.

Patuloy pa din ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Sobra pa rin ang kaniyang pagtutol sa kaniyang pagpapakasal sa Ginoong tinuring na niyang kaibigan.

"Tahan na Senyorita. Kumain na ho kayo. Hindi po iyan makakatulong sa inyong kalusugan"ani Isabel.

"Ngunit Isabel, Alam mo ang dahilan ng aking pagtangis" Patuloy ang paghagulgol niya.

Hindi pa rin makapaniwala ang dalaga. Nais siyang ipakasal ng kaniyang ama sa taong hindi niya tinatangi. 


~~

Taong Kasalukyan.

Wala na silang clue na mahanap kung saan man nalalagi si Luis. Nagtanong na rin sila sa mga iba pa nitong kapit bahay at ni-isa ay walang nakaka-alam kung saan nalalagi ang binata. Mukhang wala ring kaibigan ito sa kanilang lugar.

"We can't find him. Nalocate nga natin ang kaniyang tirahan pero hindi rin naman namin siya naabutan doon" Ani Dlare sa mga kasama. Nasa clubroom sila ngayon at nag-uusap tungkol sa kung ano ba ang nahalungkat nila sa kanilang pag-iimbestiga.

"Ganun din kami. Sumubok kaming pumunta sa mga kaibigan niya sa blockmates niya pero wala pa rin kaming nakuhang sagot." Ani Jayson. Napatango lang si Jisha. Ito kasi ang mga magkasama.

"Nalaman din naming hindi rin talaga siya close sa mga kaklase niya. Wala rin daw itong kaibigan na sobrang close." wika ni Jisha.

"Mukhang mag-isa lang din siya. Dahil ayon sa nakuha naming impormasyon, namatay na daw ang kaniyang mga magulang dati pa" Lahad naman ni Eros sa mga nakuha nilang impormasyon

"Such a perfect target para sa mga kulto dito sa school" Ani Jayson na siyang pumukaw ng atensyon nila.

"Loner siya. Palaging mag-isa. Walang magtataka kung mawawala man siya. Wala rin maghahanap sa presensya niya. Meron man, pero hindi para hanapin siya ng lubusan." dugtog pa ni Jayson.

Tama. Agree ako sa mga sinabi ni Jayson. But something is off. Bakit siya pupunta dito sa clubroom para lang sabihin ang tungkol sa diary ni Aryia.

Hindi na lang sinabi iyon ni Dlare sa mga kasama. Sigurado naman siyang napansin din naman nila iyon.

"But why would he bother to go to our clubroom? Para lang bangitin ang tungkol sa Notebook ni Aryia?" Boses na iyon ni Ciel.

Natahimik ang lahat sa sinabi nito. Iyon na nga din ang iniisip niya. Alam niyang hindi nga lang siya ang nakakapansin nito.

~~

Ika-10 ng Pebrero Taon 1780

"Ama. Nais kong wag na ituloy ang pagpapakasal kay Ginoong Mikael." Ito ang unang binigkas na mga salita ni Aryia sa kanilang hapagkainan. Wala siyang ganang kumain ngunit pinilit siya ng kaniyang Ina. Kaya naman ay dumalo siya sa kanilang hapag.

"Hija. Pakiusap tayo'y kumain ng matiwasay" pakiusap sa kaniya ng Kaniyang Ina.

Ngunit hindi pa rin mapigilan ng dalaga ang pagtutol sa darating niyang kasal sa mismong araw ng kaniyang kaarawan.

Tumikhim lang ang kaniyang ama at sinabihan sila na kumain na. Ngunit hindi man lang niya magalaw ang kaniyang pagkain dahil sa sama ng kaniyang loob.

"Ama. Nais ko lang sabihin sa inyo na tutol ako sa pag-iisa ng pamilya natin sa pamilya Delos Reyes."

"Bastante! (Enough!) Aryia. Kami ang mga magulang mo kaya naman kami ang magdedesisyon patungkol sa inyong kinabukasan" Ani kaniyang Ama. Na kaniyang kinagulat. Ngayon niya lang nakitang tumaas ang tono ng boses ng kaniyang ama.

"Ngunit Ama. Batid kong nalalaman ninyo na hindi ko tinatangi si Ginoong Mikael. HIndi ko nais na ikasal sa isang lalaking hindi ko mahal"giit niya. Napalunok siya at patuloy na pinipigilan ang kaniyang luhang nagbabadya ng pumatak. Inis ang kaniyang nararamdaman dahil hindi magawang pakinggan ng kaniyang ama ang kanyang hinaing. Sa tingin niya ay hindi ito patas.

"At isa pa. Marahil ay mayroong ibang tinatangi ang Ginoo ngunit siya ay napipilitan lamang dahil sa pangako at pagkakasundo ng ating pamilya."dugtong niya. Hindi niya tiyak kung may iba ngang tinatangi si Mikael ngunit nawa ay mayroon nga. Ito ang lihim niyang panalangin.

"Aryia. Si Mikael mismo ang may kagustuhan ng kasunduang ito." Nanlaki ang mga mata niya sa gulat dahil sa narinig sa kaniyang ama. "Siya ang mismong humingi ng iyong kamay sa akin. Batid kong mabuting bata si Mikael kaya naman tiwala ako na mapapaligaya ka niya. At isa pa, maari mo naman siyang pag-aralang mahalin. " bumalik na muli sa pagkain ang kaniyang ama matapos sabihin iyon.

"Tiyak akong matutunan mo rin siyang mahalin Hija" ang kaniyang Ina ang sumambit noon.

Hindi siya makapaniwala. Napalingon siya kay Isabel na nasa kabilang bahagi ng mahabang lamesa. Nakayuko lamang ito at hindi umiimik. Tuluyan ng pumatak ang mga luha niya. Mahal niya ang kaniyang kaibigan ngunit hindi niya alam na mismong si Mikael ang humingi ng kaniyang kamay sa kaniyang ama. Wala na siyang maisip na dahilan. Wala rin naman siyang tinatangi sa mga panahon na iyon dahil hindi siya mahilig lumabas ng mansyon at walang masyadong kakilala.

"Ngunit Ama--" Pagtutol muli niya ng magsalita ang kaniyang Ina.

"Hija. Tama na. Iniisip lamang namin ng iyong ama ang iyong kapakanan. Alam namin nasa mabuting kamay ka kay Mikael. Panatag kami na sa kaniya ipaubaya ang iyong kaligayahan." Ani ng kaniyang Ina.

Sa kadahilanang alam niyang hindi rin siya pakikinggan ng kaniyang mga magulang ay tumayo na siya. Ikinagulat naman ito ng kaniyang mga magulang.

"Nawalan na ho ako ng gana. Babalik na ho sa aking silid" Iyon lang at tinalikuran niya ang kaniyang mga magulang at dumiretso sa kaniyang silid.

~~

Ika-10 ng Pebrero Taon 1780

Ayaw akong pakinggan nila Ama at Ina. Ninais kong Hindi Ituloy ang kasunduan sa pagitan ng pamilya namin at ng mga Delos Reyes. Mahigit isang buwan ko na rin ipinaglalaban ang pagtutol ko na ito. Nawawalan na ko ng pag-asa. Panginoon nawa'y dinggin niyo ang aking panalangin na hindi ito matuloy.

~Aryia

Tiniklop na ni Dlare ang diary ni Aryia. Mukhang malayo pa siya sa katotohanan ng dahilan kung bakit namatay ang dalaga. Ngunit marami na siyang naiisip na posibilidad base sa binabasa niya.

Wala pa rin silang lead kung saan naglalagi si Luis. Pinuntahan nilang muli ito sa tinitirhan nito ngunit wala pa ring tao. Hindi na rin ito Pumasok sa mga klase nito. Hindi niya mapigilang lalong maghinala.

Bakit sa lahat ng pagkakataon ay ngayon pa siya nawala? Kung kailan namin siya iniimbistagahan. They were really on the right timing. Kung sino man sila. And I hate to admit it. Pero mukhang huli na naman kami ngayon.

Napasandal na lang si Dlare sa headboard ng kaniyang kama at napapikit. Hindi na niya maisip kung anong susunod niyang gagawin ngayong mukhang mawawala na naman ang bagong potential lead nila sa pagkawala ni Aryia.

Aryia. Nasan ka ba? Hay. Gusto na ulit kitang makita. Sana nasa mabuting kalagayan ka.

~~

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon